SABAT: Stewart (So, What's News?)

By mgaepals on 09:03

Filed Under:

 

Naging issue ang "Anti-Planking bill" nung nakaraan. Madami ang nag-react at nagalit. Pero hindi pa kumakalma ang mga tao, may panibagong kina-irita na naman ang mga taong internet ng Pilipinas. Lately lang, may bagong kalokohan na naman daw ang mga politicians natin. Mas nakaka-abnoy pa daw sa Anti-Planking bill. Nalunod yung Tip Box namin sa mga request para sa reaksyon namin sa bagong bill na yon. Ano daw ang masasabi namin sa "Anti-Angry Birds Bill"? Hinanap namin yung source nung balita, napunta kami sa isang website. Binasa namin yung news, at nakita namin na nakakaloko nga naman yung issue na yon. May point talaga yung mga nagagalit dahil nagsasayang na naman daw ng tax yung gobyerno. Kaso may maliit na detail na hindi inalam ng ibang nagbasa at nag-share nung balita. Trip lang, at for enjoyment yung article na yon. May nakalagay namang "satirical & fictional news website" sa description, hindi lang pinansin ng iba. Kumalat kung saan-saan yung issue. Sa Yahoo! Philippines, GMAnews.tv, nagtrending sa Twitter, naging laman din ng Manila Buletin online (mb.com.ph) At ang website nga na nagbabagsak ng pang-aliw na balita ang naging laman ng totoong balita.


 (So, What's News?)

We became interested with the website. After reading all the latest articles in it, we came to the conclusion that the author of the blog that was creating the posts was no average satirical writer. Iba ang sundot nya sa mga issues na nangyayare. Our interest in SoWhatsNews.wordpress.com was only surpassed by our curiousity about the writer. A longtime blogger that comes across as a laid back kind of guy. Someone who in our opinion , should win some kind of internet type award for shaking things up online. The person behind the website "So, What's News?", and the viral article "After Anti-Planking, Lawmaker Proposes Anti-Angry Birds Bill.". The guy we simply know now as Stewart. Kinailangan lang talaga naming makalkal ang utak ng taong 'to. Eto na si Stewart at ang kanyang mga... SABAT.

"Kulturantado": Pano mo naisip yung idea para sa concept ng "So What's News?" 

Stewart:  Sa "The Onion" ko nakuha yung idea. Nabilib ako dun sa recent na ginawa nilang Justin Bieber piece. sinubukan kong gumawa ng similar pero pang Philippines. So far hindi pa naman nauubusan ng idea sa kung anong masusulat. kasi nga ang balita hindi natutulog, palaging may bagong balita.
Eto yung link dun sa Bieber video: http://www.theonion.com/video/justin-bieber-found-to-be-cleverly-disguised-51yea,18178/

(Ok yung idea. Kung tutuusin mas mahirap pa nga yung ginagawa mo kesa sa ginagawa ng "The Onion".
Dito kasi sa Pilipinas, mahirap mag-imbento ng balita na mas nakakatawa pa sa mga totoong balita.) 

"Manong Guard": Baket mo naisip isulat yung article about the "Anti-Angry Birds Bill"?

Stewart:  To be honest, ako yung nag shopping sa 168, hahaha Namimili kami ni misis ng mga gamit para sa loot bag na ipapamimigay ko sa birthday ng anak ko. Aba panay angry birds kaya ang tinda dun. Buti nga nakabili pa ako ng plants vs zombies na sticker eh.

(Nako madami talagang Angry Birds merchendise sa 168.
At dun rin makikita ang best collection ng mga DVD na pangpa-angry ng "bird".)

"Boss Chip": Kailan mo na-realize na viral na yung "Anti-Angry Birds Bill" article ng "So What's News?" What was your initial reaction?

Stewart:  Tinext ako ng kaibigan ko na trending daw sa twitter (sabado nun) kaso wala akong internet sa bahay kaya hindi ko agad na-check, pero na-excite ako sa idea na trending kasi kahilera na ng SWN (So What's News?) si Justin Bieber at iba pang nagtrend sa twitter. Nakita ko nalang yung mga comments nung Monday, pagbalik ko sa opisina.

(Pati nga sa amin, ang dami ding nag-Tip nung article mo. Mga naniwalang totoo yung article.
Patunay na magaling ang pagkakasulat nung article.)

"Bunso": How are your friends and family reacting to what happened with your "Anti-Angry Birds Bill" article?

Stewart:  Nakwento ko sa asawa ko at on a scale of 1 to 5, 5 being excited and 1 not, mga nasa 3 siguro yung reaction nya. Hindi kasi sya ma-internet masaydo. Yung ate ko naman kinongratulate ako at sabing iprint ko daw yung mga news article. :) Mangilan-ngilang friends naman, supportive pero hindi majority, maybe hindi pa nila alam yung website.

(Baka hindi nga nila alam yung site noon. Pero ngayon na pumutok sa Yahoo! Philippines, nagtrending sa Twitter, at pati sa GMAnews.tv nabalita yung tungkol dyan, sa tingin namin alam na ng mga kaibigan mo ang nangyare. May kutob kaming dadami pa ang makaka-alam tungkol sa "So, What's News") 
"Kulturantado": May gusto ka bang batiin? Bati ka muna. Parang sa mga nagiging best player of the game lang sa PBA.
Stewart:  Hello to my wife, my daughter, to my family and friends and to all the readers of So, What's News. At sa boss ko sa office, salamat sa internet connection at computer para makapag type ng articles. Wala akong hairstylist at make up artist kaya maiksi lang ang greeting ko.

(Babati na din kami. Hello sa mga hindi nakakabasa nito.)

"Manong Guard": Kung porn star ka, ano ang screen name mo? 

Stewart:  Ramon, pero pronounced as Rrrrrramonnnn. I find it sexy hahaha

(Dapat pala ganyan na lang ang pronunciation ng pangalan ni Ramon Revilla...
Rrrrrramonnnn "Bong" Rrrrrrrevilllllllllyeah!)

"Boss Chip": Sino sa tingin mo ang pinaka influential na TV personality ngayon?  

Stewart:  As much as I hate it, si Kris Aquino siguro. Kasi halos lahat ata ng produckto ine-endose na nila ni Bimby. Sabon, gatas, fabric softener, shampoo. I could be wrong here ha, correct me if im wrong. :)

(Mukang tama ka naman dyan. Sa sobrang influential nga ni Kris Aquino, 
kahit anong i-endorse nyan, bibilihin ng madaming tao. Kahit pa brip.)

"Bunso": Kung gagawa ka ng Filipino superhero, anong ang magiging pangalan nya? At ano ang super powers nya?

Stewart:  Hmmmm siguro "Pepeng Toothpick" (may tumawag sa akin ng ganyan dati sa high school). and concept siguro eh maskulado sya pero mahina. Pag ginamit nya ang mahiwagan toothpick nya para magtanggal ng tinga, eh papayatot sya pero malakas.

(Maganda idea yan. "Pepeng Toothpick"... thin is in, crime is out.)

"Kulturantado": What can people expect pag nagbasa sila sa sowhatsnews.wordpress.com

Stewart:  There's no guarantee, pero sana matawa sila sa mga pinagsususulat ko. Yan naman talga ang aim nung website, patawanin ang nagbabasa para makalimutan ang problema nila sa kasalukuyan, whether problema sa pag-ibig, pera, or sa lipunan. 

(Tama. Parang alak lang.)

So, What's News?
News that won't make you depressed to read the news.

"Manong Guard": How did you develop your skill in satirical writing?

Stewart:  I don't think I have the skill really. I just write whatever comes to mind and what I think is funny but still makes sense. But thank you for considering it as a skill :)

 (Sa tingin namin, the fact na madaming nag-akala na totoong news yung sinulat mo, proves na may skill ka talaga sa pagsusulat. Mukang authentic na news article yung pagkakagawa. Eto kutob lang namin, pero sa tingin namin, in the future, may kukuha sayo as writer sa dyaryo, commercial website, or magazine. At magiging asset ka sa kung sino man ang maka-kuha sayo. Parang hula lang sa Quiapo 'no?)

"Boss Chip": Kung ikaw ang gagawa ng bagong batas, anong bill ang ipo-propose mo? 

Stewart:  Malamang yung Anti-Angry Birds Bill. hahaha. Kidding aside, hindi na siguro kailangan ng bagong batas, ang kailangan lang eh enforcement. Kung meron man, kailangan amyendahan, kasi yung mga nakasaad sa batas eh makaluma, gaya ng mga multa. Kung dati malaking halaga ng pera na yun, ngayon barya nalang yun sa mga carnappers, holdappers, etc. 

(Oo nga naman. Kaso pag tinaasan ang multa, 
baka mag-welga yung mga carnapper, at holdaper)

"Bunso": What made you decide to have your own blog? 

Stewart:  Partly to be able to express my sentiments as well as sharing my humor to the readers.  (napaenglish! english kasi yung tanong eh ) at bored lang din talaga. 

(Buti na lang talaga naimbento ang pagiging bored. Kung nagkataon, ang daming blogs na hindi umusbong.)

"Kulturantado": Kung magkakaron ng theme song ang buhay mo, anong kanta ang gusto mo? At baket? 

Stewart:  Ang wedding song namin ni misis ay "I'm Yours" by Jason Mraz, so I think appropriate lang din na yun ang theme song ng buhay ko, kasi dun nagsimula ang bagong yugto ng buhay ko.

(Naks, ang pogi mo neto sa misis mo. Apir.)

"Manong Guard": Sa panahon ngayon, ano ang pinaka pinagkakatiwalaan mong source ng News?

Stewart:  Mostly sa tv, pero hindi ko masasabing pinagkakatiwalaan, kasi nga tingin ko sa mga news natin ay biased at partisan.  Kukunin ko nalang yung idea nung news at dun ko na sya lalagyan ng comedic twist. May office mate din akong nagsu-supply sa akin ng libreng dyaryo na galing sa LRT, kaya sometimes it helps.

(Ok din na source ng balita ang mga pader sa public CR. Dun nga namin nalaman na "Boying love Michelle" at dun din namin nabalitaan na "Pablo supot panget")

"Boss Chip": Anong kasabihan or mentality ng mga Pilipino ang hindi ka agree? At baket?

Stewart:  "Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising". - Mas mahirap naman kasing magbiro sa lasing, kasi minsan sa patayan nauuwi ang pagbiro sa lasing at bihira lang sa bagong gising.

 (Totoo yan. Kaya gawin na lang nating "Magbiro ka na sa bagong gising, wag lang yung may hangover."
o kaya "Magbiro ka na sa iba, wag lang sa nireregla")

"Bunso": Ano ang final thoughts mo sa lahat ng nangyare regarding your "Anti-Angry Birds Bill" article?

Stewart:  Nakakatuwa at eye opener. Hindi ko masisisi ang mga nagreact ng negative, partly because sa tingin ko fast paced ang buhay natin, kaya siguro hindi na nila nabasa ng buo yung article at hindi nila gaanong nagets na satire sya.  Sana sa susunod basahin muna nila ng buo bago sila magcomment. Salamat din kay Cong. Castela dahil hindi sya nagalit at good sport naman sya.

(Sa panahon nga naman ngayon na nakaka-abnoy ang mga nangyayare sa mundo, mahirap na talagang malaman kung ano ang totoo at alin ang trip lang. Pero sa susunod nga, sana basahin muna ng buo. Kung may nakalagay naman kasi na satire or fictional ang isang bagay, responsibility na natin kung anong labas natin pag kinalat natin yon. Kung magmumuka ba tayong naki-trip, o magmumuka tayong napagtripan. )


To read more articles and be updated about "So, What's News?" visit the following links:

0 comments for this post

Post a Comment