Sa maling akala...
By mgaepals on 18:49
Filed Under:
Ang daming nagtimbre nito sa amin. Halos 3 weeks na, na may mga nagpapadala nito at humihingi ng pabor na kung pwede ikalat namin ito para makatulong daw sa paghahanap sa mga abnormal na yan. Dalawa ang dahilan kung baket ayaw sana naming ilagay 'to dito. Una, ayaw naming lalong pakalatin ang image na yan dahil nakakagago. At pangalawa... FAKE ANG KWENTO NA KUMAKALAT SA PILIPINAS TUNGKOL DYAN.
Last year pa yang balita na yan. At kung tutuusin, madaming version ang katarantaduhan na yan. May mga nagsasabing sa Mexico nangyare, meron ding sa Indonesia, ngayon naman inaangkin dito sa Pilipinas. Masyado nang madaming nagkalat nyan, at gustong hanapin ang mga gagong nasa picture. October 2010 nangyare yan. More than one year ago na, at mukang naparusahan na yung dalawang bobo na nasa picture. Pero kung gusto nyo talaga huntingin yang mga yan, bibigyan namin kayo ng tip. Pumunta kayo sa MALAYSIA.
Para sa mga gustong mabasa ang totoong score tungkol sa image na yan, paki google na lang ang "malaysia 2 boys hang puppy".
Wag agad maniwala sa mga kumakalat sa internet, dahil madaming tao ngayon ang iresponsable sa pagshe-share. Tulad ng nangyare sa "Anti-Angry Birds Bill" article na may nakalagay naman na fictional yon. Kaso masyadong kinilig yung itlog ng ibang nakabasa kaya pinagkalat agad as real news. Isang bagsakan na lang 'to. Eto pa ang ibang fake issues na kumakalat sa internet ngayon... Yung binubuhat na army officer dahil bagong pedicure daw. Hindi last week nangyare yon. Lumang balita na din yan. At yung story na yung character sa anime na "Slam Dunk" na si "Hanamichi Sakuragi", based daw yung character nya sa totoong tao na legendary sa Japanese basketball history, fake din yon. At yung pinagkakalat ng gobyerno na gumaganda daw ang economic status ng Pilipinas, tingin namin chismis lang din yon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post