Ask The Authors: (Kuko)

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Galing kay Jenny:
Hello sa MgaEpal.com. Kay Kulturantado, kay Bunso, Boss Chip at Manong guard (na feeling ko ay mga gwapo, feeling ko nga may crush na ko sa inyo eh). Well, una sa lahat, at bago ang lahat, may nais lang po akong itanong sa inyo o kunin ang inyong opinyon hinggil sa bagay na ito : Bakit po kaya may ilang mga kalalakihan ang nagpapahaba ng kanilang kuko sa kanilang hinliliit o"pinky finger" o kaya ay sa hintataba (haha.mali yata ang term ko. i mean sa thumb). Samantalang ang iba ay hindi naman? (Ang kuya ko ay nakita ko na din na nagpahaba ng kuko sa kanyang hinliliit pati na din ang ka-office mate ko at ang iba pa..Ang sa inyo ba ay mahaba din? (ang kuko ang tinutukoy ko po.)

Lubos ko pong aasahan ang inyong kasagutan hinggil dito. Iyon lamang po. maraming salamat, more power at much love here from your fan. - Jenny

kuko hugot dito

MgaEpal.com:
Hello Jenny, baket ang lalim mong managalog? Salamat, maganda yung tanong mo. Salamat din sa pambobola, at tama ang feeling mo, gwapo nga kame. As in. Sobra. Grabe. Kanin na lang ulam na kame. Kinakikiligan ng mga babae. Modelo ng mga lalake. Habulin ng mga bading. At pantasya ng mga porn stars. Tungkol sa tanong mo, simulan nating sagutin sa dulo. Hindi mahaba ang mga kuko namen, pero nagkataon na nagawa din namin yan. Hindi naman kami sabay-sabay nagpahaba ng kuko noon, mga 1st or 2nd year high school yata kami non. Dahil sa tanong mo, napag-usapan namin yung mga panahon na yon, at lumabas na hindi din namin alam kung baket namin ginawa yon. Kung ngayon namin iisipin, kadiri lang pala yung ginawa namin. Pero sinubukan naming himayin kung ano ang mga posibleng dahilan namin sa kalokohan na yon, at kung bakit nga may mga lalakeng nagpapahaba ng kuko sa iso o dalawang daliri lang nila.

Kung bading siguro na nagpapahaba ng lahat ng kuko sa kamay, baka normal lang, dahil ginagawa naman ng mga babae yon, at babae din yung utak nila. Hindi ganon ka-common ang mga lalakeng nagpapahaba ng kuko sa iilang daliri lang. Pero sa aming apat, lahat kami nagawa namin yan. Hindi naman namin pinag-usapang gawin yon noon. Hindi din naman kami nag-gayahan dahil hindi nga kami sabay-sabay nagpahaba. So inisip namin kung ano ang common denominator namin sa bagay na yan... Lahat kami may issue with policies, at lahat kami may personality na ayaw makisabay lang sa society. Hindi naman tipong nagrerebelde, pero nasa ugali naming lumihis sa "normal". Kaya theory namin na yung ibang lalake na nagpapahaba ng kuko sa isa o dalawang daliri lang, ay baka mga klase ng taong gusto magkaron ng sense of individuality. Yung gustong magkaron ng bagay na wala sa karamihan. Theory lang naman yan, pero kadalasan kasi, yung mga ganyang lalake, sila din yung mga nagpapahaba o gustong magpahaba ng buhok. Sila yung mga ayaw sumudod sa dinidiktang uso ng society. Kasama din dyan siguro yung issue nga sa policies. Parang pag sinabing bawal, mas gusto mong gawin. Kaya pag ss school o sa office, sinabing bawal ang mahabang buhok, nagiging subconciuos reaction yung "Edi magpapahaba na lang ako ng kuko." Having problems with authority yon. Yung mga theory na yan, based lang sa sarili naming experience. Bagay na napagdaanana, nasubukan, at ngayon parte na lang ng nakalipas na kalokohan.

Para sa mga lalakeng ganyan, payo lang namin, gupitin nyo na yang mahahabang kuko nyo kung gusto nyong mangchicks. Dahil based din sa experience, walang babae na natutuwa sa ganyan. Pero bahala kayo, diskarte nyo yan. Sigurado naman kaming dadating din ang panahon na maiisip nyong hindi nyo kailangan yan. Pwera na lang kung kuko sa hinliliit ang pinapahaba nyo at ang dahilan nyo ay mas madali kasing mangulangot. Malay nyo mapagkakitaan nyo pa yan. Paupahan nyo sa mga nahihirapan mangulangot.

0 comments for this post

Post a Comment