Ask The Authors: "future" (updated)

By mgaepals on 10:59

Filed Under:

Tanong:
Good day po mga authors here sa site. Itago niyo nalang po ako sa name na Janice, well I'm just 17 years old and kaka-break lang po namin ng boyfriend ko na 2 years ahead sakin. Description about him: Grade 4 lang po ang natapos niya, broken family po sila. BABAERO, sex addict, tapos mahilig sa maganda kahit hindi siya kagwapuhan. Siya po ang bunso and may kanya-kanyang mga bagong asawa na yung mga parents niya. Well, this is my problem, 2 months po akong buntis, at unfortunately kakabreak lang po namin. Happy syempre at first pero nung tumagal wala na. Super babaero siya pero nagpakatanga ako, pinakilala ko pa siya sa family ko. Payag siya na buhayin ang bata pero magkalayo kami. Para siyang NPA! Palipat lipat ng tirahan! Hanggang sa nalaman ko na may feelings parin siya sa EX niya. At mahal na mahal ko parin siya.

Ang tanong po ano pong pwede kong gawin para maka move on na?

PAHABOL pa po. Ano po ba yung THE BEST na pampalaglag? Gusto ko pa po mag-aral. 3rd year high school pa lang po ako eh.

MgaEpal.com
Eto na ang pinaka nakakalalungkot na tanong na natanggap namin galing sa reader. Nakakalungkot hindi dahil sa problema mo, kundi dahil sa takbo ng utak mo. Mukang desidido ka nang ipalaglag yung bata, at ang pinuproblema mo 'e kung pano maka move-on. Gago ka ba? Sa tingin mo hindi ka na makakapag-aral kung hindi mo ipapalaglag yan? Baket, aagawin ba nung baby yung utak mo? Pasensya na pero kung padadalahan nyo kami ng mga ganitong tanong, hindi kami pwedeng maging kalmado sa pagsagot. Pero sige, sa pag move on, simple lang yan, isipin mo na wala kang future sa tarantado mong boyfriend. Pero hindi dahil grade 4 lang ang tinapos nya, at broken family sila. Walang kinalaman yon kung baket wala kang magandang future sa kanya, dahil hindi sa level ng education o family situation dinadangkal ang pagkatao. Kung babaero talaga sya at mahirap hagilapin yun ang basehan kung baket wala kang future sa kanya. Kung ok sa kanya na suportahan yung bata, tanggapin mo yung ibibigay. Ipaalam mo sa mga magulang nya na buntis ka. Kung gusto nilang makasama yung magiging apo nila, sila ang tutulong sayo at sa pamilya mo sa pagpapalaki sa bata. Tumigil ka muna sa pag-aaral kung kailangan. Pero ituloy mo pag pwede na ulit. Wag kang kumuha ng kursong nursing, dahil kung kami lang, wala kaming kilalang nursing graduate na naging nurse. Hasain mo yung english speaking skills mo para makapag-call center ka. Mas malaki ang sweldo don. Mga payo na 'to para makatulong sayo at sa magiging baby mo. Kung desidido ka not to keep the baby, wag mong ipapalaglag. Ipaampon nyo na lang yung bata. At least man lang magkaron sya ng pagkakataon sa mundo. Pero sana, sana talaga palakihin nyo yung baby. Sana maging astig kang nanay sa kanya. Wala kang future sa boyfriend mo, pero may future ka pa. Sana naman bigyan mo din ng chance na magkaron ng future yung dinadala mo.

UPDATE: 
From "prinsesa" (A concerned reader.)
Gusto ko lang sana maging inspirasyon dun sa sumulat sainyo na si Janice, I got pregnant when I was 15. Ok naman sana yung tatay ng anak ko kasi ok nman yung pamilyang pinanggalingan niya at graduate na siya ng high school nung time na yun, kaya lang sobrang batugan, gusto niya ipalaglag ko yung bata. 4th yr. HS ako nun at sa catholic school nag aaral. Bawal sa school namin ang buntis, pero tinuloy ko pa din ang pagbubuntis ko. Hindi ko naisip na masisira ang buhay ko, kasi alam kong blessing siya sa akin. Ngayon po ay 4 years old na ang anak ko, nakatapos din ako ng college at nakahanap din ako ng lalaking tumanggap sa aming mag ina ng buong buo. Kasal na kami at sakanya na din naka apelyido ang bata. Galing ako sa mahirap na pamilya kaya feeling ko responsibility kong i-share ang kwento ko sa mga batang nabubuntis. Hindi pa katapusan ng mundo, mabubuhay kayo kahit pa maging batang ina kayo. Kung ayaw niyo talaga ng anak, pwede naman ipaampon sa maayos na pamilya yung bata pag naipanganak na. Hindi lang tama na papatay ka ng bata dahil sa kasalanan mong lumandi ka ng maaga. Yun lang po. Salamat.

0 comments for this post

Post a Comment