Osama bin LaDEAD
By mgaepals on 09:01
Filed Under:
Patay na nga daw si Osama bin Laden, ang terrorist leader na pinaniniwalaang mastermind ng "9/11 bombing" at ang taong sumira sa image ng mga taong may Santa Claus na balbas. Malaking "yehey!" yan para sa buong mundo, dahil si Osama ang isa sa (kung hindi ang pinaka) naging sobrang successful sa pagsagawa ng purpose ng terrorism... ang mang-terrorize. Nakaramdam ng takot ang buong mundo pagkatapos ng international scale terrorist act na pagpapasabog ng World Trade Center sa New York. Ang daming kagaguhang nangyare na epekto non. At kahit hanggang ngayon, matapops ang halos isang dekada, ramdam ng buong mundo ang mga hasel na nag-ugat sa masamang event na yon.
Kung hindi nangyare yon, hindi magkakaron ng dahilan para gerahin ng U.S. ang Afghanistan. Hindi maiisip ni dating U.S. president Bush na gumastos ng sobra-sobra sa mga weapons of war. Hindi sana babagal ang economic activities. Hindi sana magkakaron ng balita ng recession. Hindi matatakot ang mga tao sa U.S. na gumastos. Hindi sana magsasara ang mga company sa States. Edi hindi sana nawalan ng trabaho ang mga tao sa U.S. Hindi sana naghigpit sa immigration dahil gusto nilang pigilan ang pagpasok ng non-U.S. citizens sa America na umaagaw daw sa job opportunities ng mga Amerikano. Edi mas madami sanang nakakapag-abroad na Pilipino. Mas konti sana ang walang trabaho sa Pilipinas. Mas madami sanang dollars na pumasok sa Pilipinas na dala ng mga OFW. Hindi magkakaron ng dahilan para higpitan ang security sa mga mall. Edi hindi sana tinutuhog-tuhog ng mga security guard yung mga bag natin, at hindi sana nila hinihipo yung tyan natin. Perwisyo talaga.
Dahil sa mga nangyare, nagkaron ng takot ang mga tao. Dahil sa takot, naging mas maingat. Wag lang sanang mabawasan ang pag-iingat dahil lang wala na ang kinikilalang ulo ng al-Qaeda terrorists. At wag na sanang antayin na mangyare ang mga kinatatakutan bago ipagpatuloy ang pag-iingat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post