Suggestion ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na si Gibo Teodoro ang gawing kapalit nung dating ombudsman na si Merceditas Gutierrez.

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

Seryoso?

Si Gibo na dating secretary ng Department of National Defense? Oo, yung Department of National Defense na responsable sa pag maintain ng kapayapaan sa bansa at taga-supervise sa Armed Forces of the Philippines. Oo, yung Armed Forces of the Philippines na nagsisingaw ng baho ngayon dahil sa mga corruption na nangyare nung panahon ni Gloria. Oo, si Gloria Arroyo na dating presidente ng Pilipinas na kapartida at taga-suporta sa eleksyon ni Gibo. Oo, si Gibo Teodoro na sina-suggest ngayon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago para maging Ombudsman at para maimbistigahan ang mga kahina-hinalang activity ng nakaraang Arroyo administration.

Seryoso?


Seryoso?
Gago hindi nga?
sila, higot dito

0 comments for this post

Post a Comment