Uganda... upanget.
By mgaepals on 09:00
Filed Under:
Nung October 14, 2009, sinubmit ng isang Member of Parliament sa Uganda ang private member's bill na hatulan ng death penalty ang kabadingan. Gumawa ng ingay ang balitang yan, pero gumawa ng sariling ingay, MAS MAINGAY NA PETITION ang mga kontra sa "kabadingan death penalty bill" na yan.
Madami ang umapila. Madami ang umangal. Madami ang nag-petition. Madami ang naki-alam. Madami ang umepal. At dahil madami ang umepal, hindi natuloy ang pagsulong ng kagaguhang bill na yan. Hindi pa totally demolished ang bill na yan, at may posibilidad na umiksena ulit yan sa future, pero ang pansamantalang paghinto kahit ng voting lang para dyan ay sobrang laking pruweba na may magagawa ang mga normal na tao. Na malaki ang nagagawa ng internet. Na mas mapapakinggan ang boses pag mas madami, pag sama-sama, at pag tama ang pinaglalaban.
Hindi napatupad ang death penalty sa Uganda. PERO ILIGAL PARIN ANG KABADINGAN SA UGANDA. Hindi lang sa Uganda, kundi pati sa ibang sub-Saharan African countries. Hindi naman mismong pagiging bading ang pinagbabawal nila, kundi mga acts ng kabadingan. Pero nakakagago parin yon. Baket mo ipagbabawal ang kalayaang maging masaya ng mga bakla? Actually hindi lang sa mga bakla. Basta same sex intimacy, iligal sakanila. Pag napatunayan na naging intimate ka sa kapareho mong sex, pwede kang makulong ng 14 years.
MgaEpal.com Authors' Commentary:
Ignorante ang Ugandan government. Ignorante dahil naiwan ang utak nila sa makalumang pag-iisip na mali ang pagiging bakla. Bobo sila para i-consider na patayin ang mga nag-e-engage sa same sex intimacy. Kahit hindi mapatupad yan, para i-consider lang, kabobohan na yon.
Nakakapagtaka na madami sa mundo ang ngayon lang nalalaman na may mga bansang gaya nyan. Nakakalungkot isipin na sa sobrang moralista ng mundo, wala masyadong nakialam sa kakupalan na yan. At nakakatawang isipin na sa dami ng nagpapanggap na sinusuportahan nila ang gay rights, hindi nila naisip labanan ang pagiging iligal ng kabadingan sa ibang mga bansa (Diba 'no Lady Gaga?)
Abangan natin kung anong mangyayare sa susunod. Sa ngayon tingnan na lang natin ang positive side ng pagkakakulong ng mga bading... Sa loob ng bilangguan, sila lang ang mga "chiks".
Eto nga pala ang homophobic na nagpauso ng kabadingan death penalty bill sa Uganda.
David Bahati
Ang pogi pogi 'no?

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post