RH-Bill: Research, Result, Reaction

By mgaepals on 09:06

Filed Under:

Nung nakaraan iniwan namin ang paboto na 'to.


Abnoy wag mo nang subukang bomoto, tapos na yan.

At eto ang resulta...


Sa 861 na bomoto, 724 o 84% ang Pro-RH Bill.
137 lang o 16% lang ang Anti-RH Bill.
Dito pa lang, makikita na kung ano talaga ang gusto ng mas nakararami.

Pro-RH Bill ang MgaEpal.com. Makikita sa mga pabasa namin yan kahit noon pa. Para sa mga taong paiiralin ang sintido-komon nila, obvious na kailangan ng Pilipinas yan. Hindi maiiwasan na may kokontra talaga, pero kung hindi makikialam ang simbahan, mas konti ang moralistang makikisali sa usapan.


MgaEpal.com Reactions:
Dinidiin ng Anti-RH Bill na ang pangunahing solusyon ay edukasyon, kaso hindi nga mapatupad ang proper education dahil madaming mahirap na mas pipiliin pang magtrabaho na lang sila kesa mag-aral, dahil kung hindi sila magtatrabaho hindi sila kakain. Alam nilang kahit na mag-aral sila, sobrang mahihirapan sila makahanap ng trabaho agad dahil kulang ang trabaho sa Pilipinas. Sa tingin namin, kung hindi natin mapapatupad ang pagpapalaganap ng talino, ipatupad na lang natin ang pag-kontrol sa pagdami ng bobo.


Pano daw giginhawa ang pamilya mo kung bibigyan ka lang ng condom. Hindi naman daw makakatulong sa pagpuksa ng kahirapan ang condom halimbawang may anim ka nang anak. YUN NGA 'E. kaya nga ang target nitong rh-bill ay maging magindhawa ang SUSUNOD NA GENERATION. Kung mapapatupad ang RH-Bill edi baka hindi ka umabot sa anim na anak.

Kung pangunahing solusyon ang edukasyon, edi ipatupad natin pareho yan. Edukasyon at Population control. Parang pagpipintura lang yan ng pader. Halimbawa yung isang tao, gamit nyang pangpintura ay roller, at yung isa naman ay brush lang. Mas mabilis ang roller, pero effective din ang brush. Pipigilan mo bang tumulong yung gumagamit lang ng brush? Hindi ba mas mabuti kung mas madaming solusyon?

Budget daw ang issue. Baket RH-Bill ang tinitira nila? Ba't hindi yung ibang bill na ginawa na at hindi effective ang ipatigil nila?

Ang dapat daw isipin ay kalusugan at edukasyon dahil yun ang mga issue "right now". Kung ang iisipin mo ay yung mga issues LANG "right now", at hindi mo iisipin ang future, laging nandyan at hindi titigil ang mga issues sa bawat "right now". Bahala ka kung hindi mo naintindihan yan.

Gusto nilang irespeto ng gobyerno ang simbahan. Baket hindi nila irespeto ang kagustuhan ng mas nakararami?

Nung sinabe ni God na "humayo kayo at magpakarami". dalawa lang sila non. Si Adam at Eve. Malamang gusto ni God na magpadami sila. Dalawa lang sila 'e, baduy. Pero ngayong sobrang dami nang Adan at Eba sa mundo, at nahihirapan na tayo, hindi naman siguro masamang mag-adjust sa sitwasyon. Tandaan mo, si God din ang nagbigay sa atin ng utak. Tang*na gamitin naman natin.

Kung hindi daw susundin ang procreative function ng sex, parang sinabi mo na din daw na ok lang mag sex ang mga bading. Malamang. Gago ka ba? Ganyan ba kaluma ang utak ng mga moralista. Ganyan ang utak na pumipigil sa pagbabago. Ganyan ang utak na pumipigil sa pag-unlad. Nagmumuka tuloy na parang simbahan pa mismo ang nang-eengganyo na isipin ng tao na kasalanan ang pagiging bakla. Kinasusuklaman ng simbahan ang kasalanan. Kung kasalanan ang tingin nila sa pagiging bakla, ibig sabihin ba nito kinasusuklaman nila ang mga bading?

Baket simbahan ang nagdidisisyon kung ano ang imoral? Eto yan, basta wala kang nasasaktan, wala kang na-aaragabyado, wala kang niloloko... wala kang ginagawang kasalanan. Sinabi na namin noon na wala kaming religion na pinapanigan, at wala kaming religion na kinokontra. Pero kung idea at teachings na MALI ang pag-uusapan, hindi pwedeng tumahimik lang.

Dinibate ang topic sa RH-Bill at kababaihan. Alam mo ba kung baket walang RH-Bill at kalalakihan? Dahil wala nang dapat pag-usapan pagdating sa issue na yan. Walang lalakeng Anti-RH Bill. Baket? Dahil hindi kami kokontra sa bill na magbibigay sa amin ng opportunity para makipag-sex ng mas madalas at hindi makabuntis.

Para sa pangtapos na mensahe, gusto naming sabihin na may mga legit na point din ang mga Anti-RH Bill. Yung mga concerns nila ay may basehan din. Ganito na lang... Baket hindi natin ipatupad yang bill na yan. Obserbahan sa loob ng 5 to 10 years. Tingnan ang magiging resulta. Pag maganda, ituloy. Pag panget, itigil. Sa ganon, at least magkakaron tayo ng chance para maging mas maunlad na bansa.

Nitong nakaraan lang din, pinalabas sa GMA ang "Grand Debate" sa RH Bill. Sana napanood nyo. Sa mga hindi nakapanood, kung gusto nyong MAS maintindihan ang mga reactions namin, pagtiyagaan nyong panoorin ang 8-part video na 'to.

















0 comments for this post

Post a Comment