End of the world updated schedule.
By mgaepals on 09:00
Filed Under:
Nung nakaraan, pinauso ni Harold Camping na pag dating ng May 21, 2011 end of the world na daw. Sinalubong namin ang 12am ng umaga nung May 21. Walang nangyare. Hinintay namin, kaso dahil masyadong pa-istar ang "end of the world" natulog na lang kami. Inisip namin na baka gusto lang nyang maging fashionably late. Pero lumipas ang buong araw, hindi parin dumating ang katapusan ng mundo. Hindi namin alam kung dumaan lang saglit ang end of the world habang tulog kami.
Matanda na si Harold Camping. 89 years old na sya. Hindi na nya siguro kasalanan kung maniwala ang utak nya sa kung ano-anong bullshit. Nagkataon lang na may radio station at website sya na pwede nyang gamitin sa pagpapauso ng mga naiisip ng senile na utak nya. May ibang naniwala at pinamigay ang mga gamit nila dahil hindi naman daw nila kailangan yon sa langit (Masyado silang assuming. Pano nila nalaman na sa langit ang punta nila?) May iba din na ginastos ang life savings nila para magbakasyon at puntahan ang mga lugar na hindi pa nila nakikita. Kaya kinabukasan, pagkatapos ng "End Of The World" ni Harold Camping... well sabihin na lang natin na na-disappoint sila sobra.
Medyo naawa pa kami kay Harold Camping dahil sa reaction nya nung hindi natuloy ang end of the world. Yung itsura nya kasi, parang meron syang ka-date tapos hindi sya sinipot (Baket ka naman kasi nakipag-date sa end of the world?) Pero ngayon, ni-reschedule nya ang katapusan ng mundo. Sa October 21, 2011 na lang daw. Aabangan na lang namin ang magiging palusot nya sa October 22.
Sabi nga namin, matanda na si Camping. May excuse sya. Kulang na sa sustansya ang utak nya. Pero yung mga wala pa namang 70 years old na naniwala at patuloy na naniniwa sa mga pinagsasassabi ni Camping, anong excuse nyo? Wala lang? Uso 'e no?
Hindi kami naniniwala kay Harold Camping. Hindi din 100% ang hindi namin paniniwala sa pauso nya. May 1% kaming tinitira. Pero yang 1% na yan ay dahil lang sa takbo ng utak namin na lahat ng bagay merong posibilidad na mangyare.
Kung may isang bagay na dapat nating marealize dyan. Yan 'e yung awareness sa mga bagay. Na makita natin ang mga dapat nating ma-appreciate at hindi na hintayin na magsimula na nga talagang magunaw ang mundo bago natin makita ang mga yan. Tulad na lang ng pamilya mo, dahilan yan na maging thankful na hindi pa katapusan ng mundo. Kung may asawa o girlfriend o boyfriend ka, dapat mas ma-appreciate mo na hindi pa end of the world. May mga kabarkada ka na masarap kasama. Buti na lang hindi pa end of the world. Hindi ka pa graduate at alam mong mapapasaya mo ang magulang mo pag nag-tapos ka. Buti na lang hindi pa end of the world. Virgin ka pa? Buti na lang hindi pa end of the world. Hindi mo pa nahaharvest ang mga pananim mo sa farmville? Buti na lang hindi pa end of the world. Kulang ka na lang ng 2,783 pesos para maging milyonaryo ka na? Buti na lang hindi pa end of the world. Lalabas daw sa Glee si Manny Pacquiao. Ahhh... next. Pupunta daw si Miley Cyrus dito sa Pilipinas para mag-concert. Leche put*ngina magunaw na lang ang mundo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post