Epal. Mas Epal.

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

Epal: Naks! Nagbabasa ng libro ah! Nagpapanggap kang may utak?

Mas Epal: Ulol! Wala nakita ko lang 'tong Philippine history book ng utol ko.

Epal: Patingin nga nyan.

Mas Epal: Ingatan mo gago hiniram lang yan ng utol ko sa library.

Epal: "Philippine History", ayos sa trip ah.

Mas Epal: Wla naisip ko lang basahin. Importante ang history 'e?

Epal: Syempre. Lalo na Philippine history. Kung alam mo kasi ang mga nangyare, mas ma-a-appreciate mo ang present.

Mas Epal: Onga. Tsaka isipin mo. Gaanong hirap ang na-experience ng mga Pilipino na nakipaglaban sa mga Kastila noon para sa kalayaan. Dapat lang naman siguro na hindi sila makalimutan.

Epal: Ah Spanish occupation ba 'tong binabasa mo?

Mas Epal: Oo.

Epal: Mula kailan, hanggang kailan nga sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas?

Mas Epal: Mula... teka... pahiram nga nung libro... ah ok... Mula page 11 hanggang page 74.

Epal: Wow... Pagkatapos mo basahin yan magbasa ka ng libro sa self defense ha. Sasaktan kita bukas. Booyset!

facebook

0 comments for this post

Post a Comment