Japanese, naging Korean.

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

Si "Applegirl" na nakilala sa Youtube dahil sa pag-gamit ng iPhone music applications at pagkanta ay humatak ng diskusyon kung anong lahi ba sya. Nung una ay inakala ng mga tao na Japanese ang babaeng 'to, para sa hindi nakakaalam, Korean yang Koryana na yan. Ang tunay nyang pangalan ay Kim Yeo-hui (paniguradong hahanapin nyo na naman sa Facebook yan para i-add). Puro papuri ang hinakot ni Applegirl sa ginawa nya dahil iPhone lang ang pinaghugutan nya ng tugtog at maganda naman talaga ang boses ng Korean na Koryanang yan. Kaya ngayon, para maiba lang, lalaitin namin sya... "Applegirl, hindi cute yung pusa mo."



Sa tingin namin, mabilis na umakyat ang bilang ng views ng video ni Applegirl dahil hatak nya ang interes ng iba't ibang tao.

Hatak nya ang interes ng...
  • Mga mahilig sa music.
  • Mga mahilig sa technology.
  • Mga mahilig kumanta.
  • Mga babaeng interesado sa J/Kpop fashion.
  • Mga lalakeng malikot ang kamay at magaling mag-imagine.




Oist! Itigil mo yan, nag-iimagine ka na naman!

picture hinugot dito

0 comments for this post

Post a Comment