"The evidence doesn't lie." -Gil Grissom

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

Alex: Sinong kumain ng binili ko?!!

Oslak: Hindi ako.

Banjo: Hindi din ako.

Roy: Malay ko, hindi din ako.

Alex:Tinabi ko nga yun para pag-gising ko may kakainin ako, tapos wala na?

Sa sobrang inis, bumili ng lugaw si Alex at nilagyan ng pangpurga bago pinakain sa mga kaibigan.

Pagkatapos kumain...

Alex: Nilagyan ko ng pangpurga yung lugaw nyo! Wag nyong i-flush pagkatapos nyo magdiskarga! Babayaran ng kumuha ng pagkain ko pati yung lugaw at pangpurga!!!

Oslak: Sakit ng tyan ko ah... (pumunta ng kubeta)

(Pag labas ni Oslak, pumasok agad ng kubeta si Alex.)

Alex: Hindi si Oslak ang kumain ng binili ko.

Roy: Mabaho pa ba yung CR? Ako naman, masakit na din tyan ko... (pumunta ng kubeta)

(Pag labas ni Roy, pumasok agad ng kubeta si Alex.)

Alex: Hindi si Roy ang kumain ng binili ko.

Banjo: Tabe tabe! lalabas na!... (pumunta ng kubeta)

(Pag labas ni Banjo, pumasok agad ng kubeta si Alex.)

Alex: Gago ka Banjo! Ikaw ang kumain ng binili ko!!!

Banjo: Oo na, oo na, babayaran ko nalang... bwiset na mais yan!

0 comments for this post

Post a Comment