Matagal naming pinagisipan kung babanatan ba namin itong National Historical Institute (NHI) sa pagbatikos nila sa mga singers na naglalagay ng pektus sa tono ng National Anthem ng Pilipinas. Nabuo ang desisyon na makialam dahil sa pagbatikos ng NHI kapag nahahabaan sila sa oras ng pagkanta ng Lupang Hinirang . Kung panget ang kinalabasan, dun nyo ireklamo. Pero kung maganda naman ang ginawang rendition ng kantatero, wag na kayong umapila.
Oist, mga taga NHI panuorin nyo ito ulit at tingnan kung pano binibigyan ng karangalan sa ibang bansa pa, ang kwerdas ng lalamunan ng mga singers natin sa pagkanta nila ng National Anthem ng iba. Habang dito sa Pilipinas, 'e kailangan nilang magsorry sa mga taong takot sa pagbabago at napako sa tradisyonal na katulad nyo. Eto yan.. kung panget ang rendition, sabihan ang singer na humingi sya ng tawad. Kung maganda ang rendition... palakpakan.
Iba pang singers na binatikos ng National Historical Institute:
Lani Misalucha, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Christian Bautista, Kyla, Jennifer Bautista, La Diva (Jonalyn Viray, Aicelle Santos, and Maricar Garcia)
Pinapatupad ng National Historical Institute ang batas, kaya ang dapat magsimula ng pagbabago ay ang mga gumagawa ng batas.
0 comments for this post