Gravy all you can.
By mgaepals on 09:01
Filed Under:
Parepareho lang naman ang lahat ng tao na nilalantakan ang libreng gravy. Ang pagkakaiba lang, kapag wala kang pakialam, diretso ang isang buhos ng gravy sa plato mo, at kapag mejo pasosyal ang timpla mo, 'e hihingi ka pa ng extra cup para dun ilagay ang gravy, pero ibubuhos mo din naman sa kanin pagdating sa mesa. At uulit-ulitin mong bumalik-balik.
Libre yan at hindi nila pinagdadamot. Ibalik mo lang sa counter ang termos ng gravy at wag mong sosolohin sa mesa mo. Pagbigyan mo din ang ibang tao na mamburaot.
Kaya walang kainan na "gravy all you can" at "rice all you can" dahil malulugi sila. Alam naman ng lahat na gravy pa lang, ulam na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post