Jejemon, Jejebusters, Jemonyo

By mgaepals on 09:00

Filed Under:

"Jejemon"

Kasalukuyang lumalaganap ang salitang "jejemon" sa lingguahe ng Pilipino ngayon. Ano kamo ang "jejemon"? Sa category na handog ng mga pauso, ang" jejemon" ay mga taong mahilig mag-iba ng spelling kapag nagchachat, o kapag nagtetext. Sila daw ang mga taong gumagamit ng "jejeje" para tumawa sa text/chat imbis na "hehehe". Sila din ang mga taong gumagamit ng alternate uppercase (capital letters) at lowercase (small letters) sa bawat salita.

BAGO NATIN IPAGPATULOY 'TO, PASINGIT LANG , Bilang normal na mamamayan ng Pilipinas na nasa tamang kaisipan, tumatanggi kaming gamitin ang pausong salita na "jejemon". Una, hindi nakakatawa, hindi nakakatuwa, at masyadong pacute ang salitang "jejemon". Pangatlo (wag kang pakialamero, pangatlo agad para mukang madami.) Ang salitang jejemon ay pinauso ng mga taong pacool na mababa ang I.Q. kaya sainyo nalang yang salitang yan. At dahil jan, ang itatawag namin sa "jejemon" ay "jemonyo".

Masyadong compressed ang pantukoy sa jemonyo. Dahil sinasabing basta't iba magspelling , "jejemon" ka na. Mali yan, tanga. Dahil ang mga taong nagbabawas ng letra kapag nagtetext o nagtatype ay katanggap-tanggap pa dahil tipid sa oras at tipid sa pindot. Pero kung nagdadagdag ka ng letra jemonyo ka nga. Ang mga jemonyo ay nauso dahil may mga taong gusto mag-english pero bobo sa spelling, kaya sinimulan nila ang paggamit ng "alternative spellings" at pagtagal 'e gusto na nilang magtunog cute kaya sinisingitan ng letter "H" ang salita o magtunog sosyal kaya nilalagyan ng letter "Z" ang mga salitang tinatype nila. Dahil mababa ang I.Q. ng mga jemonyo hindi nila naiisip na nakakabwiset ang ginagawa nila. At tungkol sa salitan ng capital at small letters sa salita, ang nagpauso nyan ay ang mga nagiimbento ng text quotes. Inampon ng mga jemonyo ang ganitong style ng pagtatype para sirain ang araw ng ibang tao.

"Jejebusters"

Dahil sa pag-usbong ng mga "jejemons", may ibang mga tao na galit sa jemonyo ang nagpapauso ng sarili nilang moniker at tinatawag ang sarili nilang "jejebusters". Gago! tigilan nyo na yang "jejebusters" dahil bumababa kayo sa antas ng mga jemonyo sa paggamit nyo ng salitang yan.

"Jemonyo"

Hinugot namin ang salitang "jemonyo" para tukuyin ang mga tinatawag na "jejemon" dahil may sa demonyo ang ginagawa nila. May mga nagsasabi na wala naman daw masamang ginagawa ang mga bobong 'to. Para sa amin, ang kasamaan ay nagaganap kapag may nasasaktan, may naloloko, at may nanganganib. Kasamaan ang pagiging jemonyo dahil...

  • NASASAKTAN ang mata at utak ng mga nakakabasa ng sinusulat nila.
  • NILOLOKO nila ang sarili nila tuwing nagtatype sila dahil akala nila "the coolest" sila.
  • Nilalagay nila ang sarili nila sa PANGANIB na magulpi ng iba.
Pasalamat nalang ang mga jemonyo na hindi kami pumapatol sa bata... hindi pa.

related post

0 comments for this post

Post a Comment