Diskarteng Mansanas
By mgaepals on 09:04
Filed Under:
Kalat na kalat ang balita na "na-expose" daw prematurely ang prototype ng 4th generation iPhone. Ang binebentang kwento, ay naiwan daw sa bar ng isang software engineer ang prototype at napulot DAW ng hindi kilalang tao. Sumabog ang balita nung chinismis ng Gizmodo (isang sikat na sikat na sikat na sikat na website tungkol sa gadgets) na nasakanila daw ang prototype at binili daw nila ito sa halagang 5,000 dollars.
Ano ang chances na mangyari ito one week pagkatapos i-announce ng Microsoft na lalabas na ang bagong version nila ng smartphone na KIN? Mukang gusto lang tapatan ng Apple ng gimik ang announcement ng Microsoft. Mukang ito ang version ng Apple ng "announcement" nila. Hindi kami naniniwala na aksidente ang mga kaganapan na nangyare sa 4th generation iPhone prototype. Magaling na exposure strategy ang nagawa ng Apple kung sakali. Theory lang namin na kakonchaba din ang Gizmodo. Magaling ang strategy dahil pinagchismisan ito sa buong mundo ng mga marunong mag-english na bansa. Kahit nga kami chinismis namin dito.
Mga kahinahinala:
Timing : Nangyare ito 1 week after ng announcement ng KIN (new model smartphone na may social networking "emphasis" from Microsoft. I-google nyo nalang.)
"Connivance" : Ang lakas na chamba naman na Gizmodo ang unang makaalam nito at unang makapagbalita tungkol sa nangyare. Ang lakas na chamba naman na isang sikat na sikat na sikat na sikat na gadget site na pinupuntahan ng mga na-a-arouse sa gadgets ang makakaengkwentro nung nawalang 4th generation blah blah blah... alam nyo na yun.
Image credibility : Ang Apple company ay kilala bilang masikreto. Sobrang masikreto TALAGA. Isa sa pinaka MAGALING, MAHUSAY, HINDI MAPAPANTAYAN sa pag-iingat ng sikreto. Kaya hindi kami naniniwala na ganun-ganun lang sila magiging burara. Mas maniniwala pa kami kung sinabi nilang ang prototype ay ninakaw ng mga ninja.
Image credibility : Imposibleng nawala ng isang Apple company software engineer ang 4th generation iPhone prototype sa bar... dahil hindi nagba-bar ang nerds.
0 comments for this post