Pahayag ni Mariel Rodriguez tungkol sa alingawngaw na ang bagong kotse (BMW) ng boyfriend nya na si Zanjoe Marudo, ay bigay ng gay benifactor.

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

"He works hard naman. It's not like naman na he has no show or he is just a basagulero somewhere or hampas lupa not doing anything. He is working naman at kaya niya naman (bumili), hindi ba?,"



MgaEpal.com reacts: Ayos din 'tong so Mariel. Bumigwas na sa mga "basagulero" EVERYWHERE, tinawag pang "hampas lupa" ang mga "not doing anything".

Miss Mariel, tanggap na naman ng mga tao na mejo nag-iisip ka lang paminsan-minsan bago magsalita, kaya itatama nalang natin ang tirada mo sa malumanay na pamamaraan. Kapag "basagulero" ang isang tao, hindi nangangahulugan na wala kang pambili ng BMW. Madami ang basagulerong mayaman, kaya nga nagsara ang "Embassy". At hindi "hampas lupa" ang tawag sa "not doing anything". Tamad ang tawag dun Binibining Rodriguez. Pwede ding batugan, palamunin, buraot, o kaya baka hindi lang talaga makahanap ng trabaho dahil nursing ang kinuhang kurso at ngayon ay isang batalyon silang nag-aagawan sa job openings ng mga hospital (o kaya hindi marunong mag-english kaya hindi makapag-call center.)

Kaya mag-isip sa susunod bago magsalita. Kung ang lalaitin mo ay basagulero, basagulero lang. Kung ang titirahin mo ay tamad, tamad lang. At wag nyo nang ginagamit na pantukoy sa mahihirap ang "hampas lupa", dahil baka ihampas nila kayo sa langit.

Hindi namin inanghangan ang komento ukol dito dahil muka namang walang masamang intensyon si Mariel Rodriguez at dahil muka syang masarap. Tungkol naman sa kung saan galing ang kotse ni Zanjoe, wala na kaming pakialam.

Issue hugot mula sa ABS-CBN news.
Masarap na picture hugot dito

0 comments for this post

Post a Comment