Mula February 2010, nakakasa na ang interview segment para sa MgaEpal.com . Ang unang naglaro sa utak namin ay tawaging "Ang tibay mo" ang segment na 'to at magbato ng mga katanungan na hindi kumportable sagutin ng mga Entertainers, TV/Radio personalities, Artists, Politicians, etc. Sa patuloy na pagtatalastasan, naisip namin na gawing simple at casual ang interview para maging kasarapan ang segment hindi lang para sa mga makakabasa, kundi para mismo sa mga personalidad na sasagot sa mga ibabato naming tanong. Sa kalaunan, ang huling timbre ng segment label na nakakuha ng approval mula sa aming apat ay "SABAT" (MgaEpal.com Interviews)
Sa pangkalahatang desisyon, napagkasunduan na wag nang patagalin ang paglalabas sa pinakaunang handog ng mga "sumabat".
Mula sa Cum Laude graduate na unang nakilala bilang si "Amy" ng "Okay ka, fairy ko!" noong 90's at mas nakilala ng MgaEpal.com bilang isang masayahing tao at mapagmahal na nanay. Eto si Ruby Rodriguez at ang kanyang mga... "SABAT".
Boss Chip: Bilang part ng Eat Bulaga, sa pagkahaba-habang legendary existence nito sa TV, ano ang nararamdaman mo?
Ruby: Masaya, Proud at parang ang tanda ko na!
(Kahit sino siguro, magiging masaya at proud sa ganyang lugar.
Pero hindi kami naniniwala na tumatanda ang mga host sa Eat Bulaga.)
Pero hindi kami naniniwala na tumatanda ang mga host sa Eat Bulaga.)
Kulturantado: Pano ka napasok na host sa Eat Bulaga (EB)?
Ruby: Simple lang Kinuha nila ako! Natuwa ata sa akin sa "Okay ka Fairy Ko". Bulagaan lang ako nagumpisa bago pinag host.
(Si "Amy" pala ang ugat ng pagiging host mo. Sayang hindi naging host si "Prinsipe K",
kung nagkataon may nagtatap dance sana ngayon araw-araw sa Eat Bulaga."
kung nagkataon may nagtatap dance sana ngayon araw-araw sa Eat Bulaga."
Bunso: Ano ang pinaka hindi mo maeenjoy na trabaho sa buong mundo?
Ruby: Naku kung para sa mga anak ko gagawin ko kahit mag-isis ng kubeta!
(Para sa mga anak ni Ruby, ang swerte ninyo sa nanay nyo.)
Manong Guard: Sino ang pinaka kaclose mo sa mga host ng Eat Bulaga. Isa lang. Yung pinaka.
Ruby: Pauleen Luna... alam ko weird ano? Siya pinakabata ako naman pinakamatanda sa kanila.
(Alam nyo na ngayon kung kanino kayo magpapalakad kung type nyo si Pauleen.)
Boss Chip: Sayang na hindi ka nakuha para sa "The Biggest Loser Asia", pero congratulations dahil pumapayat ka ngayon. Ano ang mga ginawa mong pangpapayat?
Ruby: Actually nakuha ako. I was one of the official 30 contestants. sayang lang di ako nakapasok sa Ranch. Mas malalaki daw yung iba. Kaya binigyan ako ng free training at nutritionist ng Fitness First (sponsor eh) Diet at Gym! Kaso kailangan ko pa pumayat wala pa ako sa ideal weight na gusto ko.
(Sana magtuloy-tuloy ang training mo at maging mas sexy ka para makapag FHM.
Oist Fitness First, sponsoran nyo nga kami.)
Oist Fitness First, sponsoran nyo nga kami.)
Kulturantado: Ano ang pangaral na PINAKA gusto mong matutunan, tandaan, at sundin ng mga anak mo hanggang sa pagtanda nila?
Ruby: "Be responsible for everything that you do in your life and do not regret anything that you do for it is what makes you as a person. Remember God is good all The Time."
(Ang ganda nito...)
Bunso: May time na ba na napikon ka sa co-celebrity/ies habang inaasar ka about your weight nung mataba ka pa? (naks, past tense para mas ganahan ka pa magworkout) Sino yung nang-asar at bakit ka napikon?
Ruby: In furness, wala pa naman. Totoo naman joke nila eh. Heller! Tingnan mo naman mga kasama ko sa EB (Eat Bulaga) puro ting-ting.
(Mas humahatak ng kaibigan ang mga taong hindi pikon. Sana lang malimitahan ang "joke" sa mga taong involved. Kaya kung may mang-aasar man sa mga anak ni Ruby gamit ang pangalan ng nanay nila, sinusumpa namin na mabaog kayo.)
Manong Guard: Anong zodiac sign ang pinaka ayaw mo, at bakit? Kailangan magbigay ka. Wala lang.
Ruby: hmmmmm zodiac sign? Gemini pag babae, wala lang may traydor mode kasi, at Aries pag lalake, yun asshole mode naman. Experience lang!
(Sino kaya itong mga naging traydor at naging asshole kay Ruby?... Asshole pala si "Boss Chip")
Boss Chip: Ano ba ang ideal weight na gusto mong maging?
Ruby: I want to be a 135lbs. Mataba pa din pero nalalaban na kung sexy ba o mataba. Gusto ko yung may lito factor at debate kung saan ako categorized.
(Sa 135 pounds nasa sexy na yan. Maganda naman si Ruby. Aabangan nga natin mag-FHM.)
Kulturantado: Ano ang lamang ng EB babes sa SexBomb Girls? At ano ang lamang ng SexBomb girls sa EB babes? uuuuyy intriga... bigay ka ng sagot na hindi bias.
Ruby: Intriga nga pero ito totoo... EB Babes mas mapuputi, kinis at sosyal. SexBomb mas magagaling sumayaw! Hahaha
(Yun 'o! Hindi namin inexpect na masasagot ito ng diretso, pero sobrang tikas ng sagot na 'to.)
Bunso: Kung bibigyan ka ng pagkakataon maging invisible sa loob ng three hours and 27 minutes, ano ang gagawin mo?
Ruby: Ang ikli naman... sige susundan ko asawa ko sa lahat ng gagawin nya para malaman ko kung may "extra-curricular activity" hehehe
(Mukang eto ang isasagot ng lahat ng babae. Buti nalang hindi kayo nagiging invisible.)
Manong Guard: If you could go back in time, what specific moment in your life would you like to relive? At bakit?
Ruby: December 2004, pagkapanganak ko. Para dun pa lang makapag diet na ako, edi hindi sana ako naging drum! Dun ako nagumpisa maging aparador.
(Mukang ikasasaya mo at ng pamily mo ang success ng pagpapapayat. Sana nga ay magtuloy-tuloy ang training mo. O kaya sana ay magkaron ka ng time machine. Oist Fitness First kapag napa-FHM form nyo si Ruby, ang lakas na panghatak clients nyan.)
Salamat Ruby Rodriguez para sa mga SABAT mo sa tanong namin.
Catch Ruby Rodriguez along with her "Dabarkads", Mondays-Saturdays on Eat Bulaga.
Picture hugot mula sa
social network account
ni Ruby Rodriguez.
social network account
ni Ruby Rodriguez.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post