BUKAS NA

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:


Good luck Floyd Mayweather Jr. sa laban mo bukas.
Sana matalo ka gago!
Good luck ulit.

Sucking on ano kamo?

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


Hindi na, ikaw nalang.

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 6

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang Helga. Isa akong yoga instructor ng yoga class sa isang yoga house ng isang yoga club. Dahil na din sa klase ng trabaho ko, masasabi kong maganda ang hubog ng katawan ko. At hindi naman sa pagmamayabang, pero maganda din naman ako, at sa tangkad na 5'10, madami ang nakakapuna sa akin. Hindi ako selosa dahil mataas ang confidence ko sa sarili ko. Pero kabaliktaran naman ang boyfriend kong si Matt dahil halos lahat ng lalakeng makausap ko ay pinagseselosan nya. Ang pinaka huling pinagselosan ni Matt ay isang lalake na hindi ko naman kaclose, tinulungan lang ako nung lalake magpark at nagalit agad si Matt. Baket daw kinakatok nung lalake yung kotse ko, at ano daw yung inabot ko sa lalake? Kung hindi ba naman sya tanga... parking boy yun, malamang aabutan ko ng barya. Sa paulit-ulit na pagseselos ni Matt, unti-unting nalayo ang loob ko sa kanya. Tuwing magkikita kami, imbis na maging masaya nalang ang pagkikita namin, nauubos ang oras sa kakasermon nya sakin. Pilit kong tiniis ang pagseselos nya pero napuno na ako nung nasira nya ang isang espesyal na gabi. Inimbita ko na maging escort ko si Matt sa Golden Anniversary ng mga magulang ko, at maayos naman ang naging salo-salo sa bahay nila mommy at daddy nang biglang...

May narinig kaming sigawan na galing sa labas ng gate. Dahan-dahan kaming nagtakbuhan ng mga kamag-anak ko palabas ng gate at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inasahan. Nakita kong nakikipagsuntukan si Matt sa lalakeng pinagselosan nya. Ang buong away ay nasaksihan ng mga kamag-anak ko at sa pagkakataon na yun ay nagdesisyon ako na hindi muna makipagkita kay Matt para makapag-isip.

Tatlong buwan naging "it's complicated" ang status ko, at akala ko ay hindi na ako magiging masaya. Pero mapaglaro ang tadhana. Nakatanggap ako ng friend request sa Facebook mula sa isang lalake. Hindi ko kakilala ang lalake pero pamilyar ang muka nya. Nagsend ako ng message sakanya at tinanong ko kung sino sya. Nagulat ako nang sabihin nya na sya ang nakaaway ni Matt sa labas ng gate namin. Nag-away daw sila dahil bigla daw syang sinapak ni Matt. Sya pala yung parking boy na pinagselosan ni Matt. Nagpakilala sya bilang si Dave. Mabilis na nahulog ang loob ko kay Dave at halos araw-araw ang pag-uusap namin sa inbox ng Facebook. Nagulo ang mundo ko dahil tuwing gabi ay kausap ko si Dave sa Facebook, pero sa mga panahon na yun ay nakakasama ko na din ulit si Matt na nagpakita ng malaking pagbabago. Hindi na sya seloso at nakita ko ang kakaibang lambing sakanya. Lalo akong naguluhan nung nakasama ko na si Dave dahil masarap pala syang kausap at napaka maasikaso. Tuwing pagkatapos kong makipagyogahan sa mga yogista ay kasama ko si Matt, pero pag dating ng madaling araw ay si Dave naman ang kasama ko. Nasisira ang pangalan ko dahil ang tingin ng mga tao ay malandi akong babae, pero gusto kong matigil ang mga usapin na ganon kaya naisip kong kailangan kong pumili ng isa sakanila. Sino ang dapat kong piliing maging boyfriend Kuya Chico, si Matt ba o si Dave? O si Kevin? O si Leo? O si Greg? O si Alvin? O si Reginald? O si John? Umaasa ako na sa pagpili ko ng isa lang sakanila ay matitigil na ang mga haka-haka na malandi ako dahil natatakot akong umabot pa ang kasinungalingan na yan sa asawa kong si Tristan. Sana ay mapayuhan mo ako sa lalong madaling panahon.

Lubos na gumagalang,
Helga

Title: Parking

Live Online Radio

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:



 You are currently listening to Home Radio 97.9




Station Select

Mayweather, may hidden desire kay Pacquiao.

By mgaepals on 03:40

comments (0)

Filed Under:

May laban ka kay Shane Mosley in 2 days... For the past week ang laman ng bunganga mo ay puro parinig at tiraa kay Pacquiao... Kung hindi ka naguumapaw sa inggit kay Pacquiao, 'e malamang may gusto ka talaga sakanya kung ganyan ka magpapansin. Floyd Mayweather Jr., wag ka na mahiya, aminin mo na, ang "apple of your eyes" ay si Manny Pacquiao.

Latest panliligaw move ni Mayweather kay Pacquiao:
Pinagmamalaki ni Floyd Mayweather Jr. ang dami ng pera na mahahatak ng PPV (Pay per view) fight nila ni Mosley.

MgaEpal.com reacts:
Wala namang problema magyabang dahil mataas talaga ang hatak ng mga PPV ni Mayweather, pero para ikumpara nalang lahat ng ginagawa mo sa mga ginagawa ni Pacquiao, masyado namang napaghahalataan na may "boy-crush" itong si Mayweather kay Manny. "Insicurity to the utmost level gago!"

Dahil hindi marunong magtagalog si Mayweather, timplahin natin 'to sa lingguaheng gamay nya:
Yo fool! Yeah you, Floyd! Let'us break it down fo' you, aight? You got an upcummin' fight with "Sugar" Shane Mosley in 2 days... 2 mu'fuckin' days, and all week, you been runnin' 'yo mouth, talkin' shit 'bout our boy ManPac. Now don't be sayin' you just want the fight between you and the FIlipino Champ, cause by the way you been actin', man we thinkin' you in love with Manny Pacquiao! You know where we gettin' at right? You, with the fight in 2 days, and still, you keep runnin' yo' million dollar PPV average on Manny. That's just weak fool! Weak! Focus man. Quit bitchin' cause you aint gettin' respect from nobody. No self respecting fighter would compare himself to another Mo'Fo to prop himself up! You fight in the ring. Step up as a fighter. Not as an actor on WWE... Not as a "dancer" on Dancing With The Stars. Not as your own publicist.... AS A MUTHAFUCKIN' FIGHTER.

"Don't start nothing, it won't be nothing. You wanna start something, it's gonna be something." -DMX

Kung hindi ka si Mayweather wag mo nang problimahing intindihin yan.

Inabangan ng ilang buwan: NOW SHOWING

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:


Palabas na ang Iron Man 2. Kung ang Twilight ay ginastosan mong panoorin sa sine at balak mo lang panoorin ang Iron Man 2 sa DVD, mas walang kwenta ka pa sa ipis na nakabaliktad sa ilalim ng lababo sa dirty kitchen.

IRON MAN 2: BAKAL kontra BAKAL

Year 2099: Philippines

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Lolo: Mukang tuwang tuwa ka jan sa bagong video game na bigay ni mama mo no? haha

Melvin: Matagal ko na po kasing kinukulit si mama na bilihan ako nito 'e. hehe

Lolo: Mukang sulit naman ang pangungulit mo... abot langit ang ngiti sa muka mo 'e.

Melvin: "Abot langit"? Lolo, ano po yung langit?

Lolo: Ahh yun yung makikita mo noon kapag tumingala ka sa labas. Kulay blue pag umaga, at kulay itim pag gabi. Balang araw baka makita ulit natin ang langit...

Melvin: 'E nasan na po ba yung langit ngayon?

Lolo: Wala na apo, nilamon na ng mga billboards.

Financial Freedom

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

"The best things in life are free." -Magnanakaw

Cocks na drama.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

NLB leage basketball championship... Cibona VS Partizan... Lamang ng one point ang Partizan. Nagmintis ng dalawang free throw ang isang player ng Partizan. Rebound ng Cibona, paubos na ang oras kaya pinasa agad papunta sa kabilang court ang bola, tumira ng 3 points, pasok! .6 (point six) seconds nalang ang natira sa oras. Habang nagce-celebrate ang Cibona, nag-nakaw play ang Partizan. Panooring ang nangyari...



"Cocks na drama!"

MgaEpal.com Crystal Ball

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Huhulaan ng bolang kristal kung anong klaseng tao ka...


Inuutos ng bolang kristal na i-click mo ang pangatlong link sa baba para mahulaan nya kung anong klaseng tao ka

Link 1
Link 2
Link 3.

GAME NA!

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Game Ka Na Ba (Hosted by Kris Aquino)

Jackpot Round...

Kris Aquino: Cass, give me three more letters.

Cassandra Ponti: Uhmmm "A"............................................................................ ...................................................................."B"....................................................

Kris Aquino: One more letter.

Cassandra Ponti: Uhmmm............................................."C"


Sa tagal nyang nag-isip, ang napili nyang mga letra ay A, B, at C.



Basta ba ganito ang hulma ng katawan mo, ayos lang kahit A, B, at C lang ang alam mo sa alphabet.

MgaEpal.com Bulletproof Plans.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Para makasiguradong hindi ka sasagutin ng pabalang ng mga anak mo...

wag mo silang kausapin... habangbuhay.

Macho, macho ma'am...

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Kung ganyan kamacho ang shota mo, wag mo nang piliin ang DOTA... kung ayaw mong mabali.

Pards, paki translate naman itong sulat galing kay Samantha... penpal ko sa US hindi ko maintindihan yung sulat, english kase. Paki translate lang...

By mgaepals on 09:05

comments (0)

Filed Under:

My dearest Edwin,

Pards: Ikaw yun.
Edwin: Oo ako yun...

How I long for your arms.

Pards: Pano daw humaba yung braso mo?
Edwin: Hindi naman mahaba yung braso ko...
Pards: 'E hindi ko alam, yun yung tanong nya.

The first time I saw your picture, I felt happy.

Pards: Nilagare daw nya yung litrato mo. Natuwa daw sya nung nilagare nya..
Edwin: Baket naman???

You have beautiful eyes.

Pards: Pangbabae daw yung mata mo. Ayaw siguro sa pangbabaeng mata kaya nya nilagare...
Edwin: 'E bat kailangan pang lagariin? Pwede namang guntingin nalang...

I lost your picture last week.

Pards: Winala daw nya yung picture..
Edwin: Sana sinoli nalang nya!

But i felt glad when i saw it again.

Pards: Natuwa daw sya nung nilagare nya ulit yung picture.
Edwin: Akala ko ba winala nya?
Pards: Oo nga.. hindi ko din alam.

Even though you wrote me in Filipino, and I didn't understand your letter, I appreciate the thought.

Pards: Kahit Filipino ka daw at hindi sya marunong magbasa, natutuwa sya na nag-iisip ka.
Edwin: Hindi sya marunong magbasa? Tingin nya sa mga Pilipino hindi nag-iisip?
Pards: Siguro...

I hope you can send me more pictures.

Pards: Padalahan mo daw sya ng litrato ng sigarilyo
Edwin: Baket???
Pards: Ewan ko.. yung "More" daw.

I'm sure you won't mind? :)

Pards: Sigurado daw syang hindi ka nag-iisip. May smile pa...
Edwin: Loko pala yan 'e!
Pards: Oo nga.
Edwin: Pards, paki sulatan nga... sabihin mo lang na hindi ko na babasahin ang mga sulat nya, At hindi na din ako magsusulat sakanya! At paalam na sakanya!
Pards: Sige sige.

Dear Samantha,

I am no read, no write.

Babay to you,
Edwin

Mirienda para sa utak.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

"Kahit gano katagal mong titigan ang alak sa mesa, hindi ka malalasing kung hindi mo sisimulang uminom."

May mga taong alam na ang kailangan nilang gawin para maumpisahan ang mga plano nila sa buhay, kaso hindi naman sapat na gustuhin mo lang. Kahit gaano mo kagustong magawa ang mga plano mo, kung hindi ka magkakaroon ng paninindigan na magsimulang kumilos, magiging tagasubaybay ka lang sa pag-unlad ng ibang tao.

Pano ka matatapos, kung hindi ka mag-uumpisa?

"Latino Hit"

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


Lakas mangbobo nito 'a.

Horoscope:

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Aries
Mapapangasawa mo ang man of your dreams, kaya lang maghihiwalay din kayo pag gising mo.

Leo
Mag-ingat sa mga taong malapit sa loob mo. Ilabas mo sila at lumayo ka.

Gemini
Malalaman mo na may gusto din sayo ang crush mo habang naglalaro ang barkada nyo ng "truth or consequence". Kaya lang, matu-turn off agad sya dahil ang tawag mo sa laro ay "truth or konsingkwens".

"PUGA" (Attempt no. 1)

By mgaepals on 09:05

comments (0)

Filed Under:

11:22PM... Plano ni Brando...

Brando: Ok, pag akyat ng vent, dahan-dahan sa pag-gapang. Gawa sa yero yun kaya iwasan ninyong kalabugin, baka marinig ng jail guards.

Delfin: Teka... nakita ko na yung mga vent pag nasa field tayo. Tang*na mataas yun 'a!

Gaston: Oo nga, mataas yun. Pano tayo bababa sa kabila ng pader?

Tonyo: Edi gumamit ng hagdanan! May hagdanan ka ba Brando? Kahit ladder lang...

Brando: Wala! gago ka ba? Hindi kakasya ang hagdan dun. Nasipat ko na lahat ng vent. At dun sa may West gate may bubong na pwede natin talunan pababa.

Gaston: Sa may West gate? 'E bubungan ng guard's lodge yun! Yero din yun. Mahuhuli tayo dun!

Brando: Hindi, akong bahala.

Pagdating sa dulo ng vent sa West gate...

Delfin: Kosa, sigurado ka ba dito?

Brando: Oo, nandito na tayo, tuloy na natin 'to.

Tonyo: Pano na tayo bababa?

Brando: Ganito... tatalunin muna natin isa-isa pababa sa may bubungan ng guard's lodge. Pero mag-iingay yan dahil gawa sa yero yung bubong... kaya paglagpak ng paa natin sa bubong kailangan nating gumawa ng tunog ng hayop para linlangin yung mga mga jail guard sa loob ng guard's lodge. Kuha nyo?

Gaston: Ok.

Tonyo: Oo, game.

Delfin: Sige. Pero mauna ka na Brando.

Isa-isang tumalon ang apat na "puga" papunta sa bubungan...

Tumalon si Brando... Kablag!

Jail guards: Ano yun?!

Brando: Meow... meow...

Jail guards: Pusa lang pala.

Tumalon si Delfin... Kablag!

Jail guards: Ano yun?!

Delfin: Iiikiiikikik... iiikiiikikik

Jail guards: Paniki lang pala.

Tumalon si Gaston... Kablag!
Jail guards: Ano yun?!

Gaston: isqueek... isqueek

Jail guards: Daga lang pala.

Tumalon si Tonyo... Kablag!

Jail guards: Ano yun?!

Tonyo: Oink! oink!...

Jail guards: May tumatakas!!!


To be continued...

Bawal kabagin.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:


Pasensyahan nalang, pero masarap talaga ang bawal.

Bumigay si footbolero.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


"May pilantik ang daliri... hmmm amoy na amoy ang vaginal wash mo brad."

SABAT : Ruby Rodriguez

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:


Mula February 2010, nakakasa na ang interview segment para sa MgaEpal.com . Ang unang naglaro sa utak namin ay tawaging "Ang tibay mo" ang segment na 'to at magbato ng mga katanungan na hindi kumportable sagutin ng mga Entertainers, TV/Radio personalities, Artists, Politicians, etc. Sa patuloy na pagtatalastasan, naisip namin na gawing simple at casual ang interview para maging kasarapan ang segment hindi lang para sa mga makakabasa, kundi para mismo sa mga personalidad na sasagot sa mga ibabato naming tanong. Sa kalaunan, ang huling timbre ng segment label na nakakuha ng approval mula sa aming apat ay "SABAT" (MgaEpal.com Interviews)

Sa pangkalahatang desisyon, napagkasunduan na wag nang patagalin ang paglalabas sa pinakaunang handog ng mga "sumabat".

Mula sa Cum Laude graduate na unang nakilala bilang si "Amy" ng "Okay ka, fairy ko!" noong 90's at mas nakilala ng MgaEpal.com bilang isang masayahing tao at mapagmahal na nanay. Eto si Ruby Rodriguez at ang kanyang mga... "SABAT".


Boss Chip:
Bilang part ng Eat Bulaga, sa pagkahaba-habang legendary existence nito sa TV, ano ang nararamdaman mo?

Ruby: Masaya, Proud at parang ang tanda ko na!

(Kahit sino siguro, magiging masaya at proud sa ganyang lugar.
Pero hindi kami naniniwala na tumatanda ang mga host sa Eat Bulaga.)

Kulturantado: Pano ka napasok na host sa Eat Bulaga (EB)?

Ruby: Simple lang Kinuha nila ako! Natuwa ata sa akin sa "Okay ka Fairy Ko". Bulagaan lang ako nagumpisa bago pinag host.

(Si "Amy" pala ang ugat ng pagiging host mo. Sayang hindi naging host si "Prinsipe K",
kung nagkataon may nagtatap dance sana ngayon araw-araw sa Eat Bulaga."

Bunso: Ano ang pinaka hindi mo maeenjoy na trabaho sa buong mundo?

Ruby: Naku kung para sa mga anak ko gagawin ko kahit mag-isis ng kubeta!

(Para sa mga anak ni Ruby, ang swerte ninyo sa nanay nyo.)

Manong Guard: Sino ang pinaka kaclose mo sa mga host ng Eat Bulaga. Isa lang. Yung pinaka.

Ruby: Pauleen Luna... alam ko weird ano? Siya pinakabata ako naman pinakamatanda sa kanila.

(Alam nyo na ngayon kung kanino kayo magpapalakad kung type nyo si Pauleen.)

Boss Chip: Sayang na hindi ka nakuha para sa "The Biggest Loser Asia", pero congratulations dahil pumapayat ka ngayon. Ano ang mga ginawa mong pangpapayat?

Ruby: Actually nakuha ako. I was one of the official 30 contestants. sayang lang di ako nakapasok sa Ranch. Mas malalaki daw yung iba. Kaya binigyan ako ng free training at nutritionist ng Fitness First (sponsor eh) Diet at Gym! Kaso kailangan ko pa pumayat wala pa ako sa ideal weight na gusto ko.

(Sana magtuloy-tuloy ang training mo at maging mas sexy ka para makapag FHM.
Oist Fitness First, sponsoran nyo nga kami.)

Kulturantado: Ano ang pangaral na PINAKA gusto mong matutunan, tandaan, at sundin ng mga anak mo hanggang sa pagtanda nila?

Ruby: "Be responsible for everything that you do in your life and do not regret anything that you do for it is what makes you as a person. Remember God is good all The Time."

(Ang ganda nito...)

Bunso: May time na ba na napikon ka sa co-celebrity/ies habang inaasar ka about your weight nung mataba ka pa? (naks, past tense para mas ganahan ka pa magworkout) Sino yung nang-asar at bakit ka napikon?

Ruby: In furness, wala pa naman. Totoo naman joke nila eh. Heller! Tingnan mo naman mga kasama ko sa EB (Eat Bulaga) puro ting-ting.

(Mas humahatak ng kaibigan ang mga taong hindi pikon. Sana lang malimitahan ang "joke" sa mga taong involved. Kaya kung may mang-aasar man sa mga anak ni Ruby gamit ang pangalan ng nanay nila, sinusumpa namin na mabaog kayo.)

Manong Guard: Anong zodiac sign ang pinaka ayaw mo, at bakit? Kailangan magbigay ka. Wala lang.

Ruby: hmmmmm zodiac sign? Gemini pag babae, wala lang may traydor mode kasi, at Aries pag lalake, yun asshole mode naman. Experience lang!

(Sino kaya itong mga naging traydor at naging asshole kay Ruby?... Asshole pala si "Boss Chip")

Boss Chip: Ano ba ang ideal weight na gusto mong maging?

Ruby: I want to be a 135lbs. Mataba pa din pero nalalaban na kung sexy ba o mataba. Gusto ko yung may lito factor at debate kung saan ako categorized.

(Sa 135 pounds nasa sexy na yan. Maganda naman si Ruby. Aabangan nga natin mag-FHM.)

Kulturantado: Ano ang lamang ng EB babes sa SexBomb Girls? At ano ang lamang ng SexBomb girls sa EB babes? uuuuyy intriga... bigay ka ng sagot na hindi bias.

Ruby: Intriga nga pero ito totoo... EB Babes mas mapuputi, kinis at sosyal. SexBomb mas magagaling sumayaw! Hahaha

(Yun 'o! Hindi namin inexpect na masasagot ito ng diretso, pero sobrang tikas ng sagot na 'to.)

Bunso: Kung bibigyan ka ng pagkakataon maging invisible sa loob ng three hours and 27 minutes, ano ang gagawin mo?

Ruby: Ang ikli naman... sige susundan ko asawa ko sa lahat ng gagawin nya para malaman ko kung may "extra-curricular activity" hehehe

(Mukang eto ang isasagot ng lahat ng babae. Buti nalang hindi kayo nagiging invisible.)

Manong Guard: If you could go back in time, what specific moment in your life would you like to relive? At bakit?
Ruby: December 2004, pagkapanganak ko. Para dun pa lang makapag diet na ako, edi hindi sana ako naging drum! Dun ako nagumpisa maging aparador.

(Mukang ikasasaya mo at ng pamily mo ang success ng pagpapapayat. Sana nga ay magtuloy-tuloy ang training mo. O kaya sana ay magkaron ka ng time machine. Oist Fitness First kapag napa-FHM form nyo si Ruby, ang lakas na panghatak clients nyan.)

Salamat Ruby Rodriguez para sa mga SABAT mo sa tanong namin.
Catch Ruby Rodriguez along with her "Dabarkads", Mondays-Saturdays on Eat Bulaga.

Picture hugot mula sa
social network account
ni Ruby Rodriguez.

Simple, swabe... ni hindi tumingin...

By mgaepals on 09:05

comments (0)

Filed Under:


Ninja.

Japanese volleyball restaurant?

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:


Wag barat sa tip kung ayaw mong maspike.

Attraction

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Tatlong bagay na kailangan ng lalake para maakit ang KAHIT SINONG BABAE:
  • Kotse
  • Pera
  • Personality


Tatlong bagay na kailangan ng babae para maakit ang KAHIT SINONG LALAKE:

36"-24"-36"

Jejemon, Jejebusters, Jemonyo

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

"Jejemon"

Kasalukuyang lumalaganap ang salitang "jejemon" sa lingguahe ng Pilipino ngayon. Ano kamo ang "jejemon"? Sa category na handog ng mga pauso, ang" jejemon" ay mga taong mahilig mag-iba ng spelling kapag nagchachat, o kapag nagtetext. Sila daw ang mga taong gumagamit ng "jejeje" para tumawa sa text/chat imbis na "hehehe". Sila din ang mga taong gumagamit ng alternate uppercase (capital letters) at lowercase (small letters) sa bawat salita.

BAGO NATIN IPAGPATULOY 'TO, PASINGIT LANG , Bilang normal na mamamayan ng Pilipinas na nasa tamang kaisipan, tumatanggi kaming gamitin ang pausong salita na "jejemon". Una, hindi nakakatawa, hindi nakakatuwa, at masyadong pacute ang salitang "jejemon". Pangatlo (wag kang pakialamero, pangatlo agad para mukang madami.) Ang salitang jejemon ay pinauso ng mga taong pacool na mababa ang I.Q. kaya sainyo nalang yang salitang yan. At dahil jan, ang itatawag namin sa "jejemon" ay "jemonyo".

Masyadong compressed ang pantukoy sa jemonyo. Dahil sinasabing basta't iba magspelling , "jejemon" ka na. Mali yan, tanga. Dahil ang mga taong nagbabawas ng letra kapag nagtetext o nagtatype ay katanggap-tanggap pa dahil tipid sa oras at tipid sa pindot. Pero kung nagdadagdag ka ng letra jemonyo ka nga. Ang mga jemonyo ay nauso dahil may mga taong gusto mag-english pero bobo sa spelling, kaya sinimulan nila ang paggamit ng "alternative spellings" at pagtagal 'e gusto na nilang magtunog cute kaya sinisingitan ng letter "H" ang salita o magtunog sosyal kaya nilalagyan ng letter "Z" ang mga salitang tinatype nila. Dahil mababa ang I.Q. ng mga jemonyo hindi nila naiisip na nakakabwiset ang ginagawa nila. At tungkol sa salitan ng capital at small letters sa salita, ang nagpauso nyan ay ang mga nagiimbento ng text quotes. Inampon ng mga jemonyo ang ganitong style ng pagtatype para sirain ang araw ng ibang tao.

"Jejebusters"

Dahil sa pag-usbong ng mga "jejemons", may ibang mga tao na galit sa jemonyo ang nagpapauso ng sarili nilang moniker at tinatawag ang sarili nilang "jejebusters". Gago! tigilan nyo na yang "jejebusters" dahil bumababa kayo sa antas ng mga jemonyo sa paggamit nyo ng salitang yan.

"Jemonyo"

Hinugot namin ang salitang "jemonyo" para tukuyin ang mga tinatawag na "jejemon" dahil may sa demonyo ang ginagawa nila. May mga nagsasabi na wala naman daw masamang ginagawa ang mga bobong 'to. Para sa amin, ang kasamaan ay nagaganap kapag may nasasaktan, may naloloko, at may nanganganib. Kasamaan ang pagiging jemonyo dahil...

  • NASASAKTAN ang mata at utak ng mga nakakabasa ng sinusulat nila.
  • NILOLOKO nila ang sarili nila tuwing nagtatype sila dahil akala nila "the coolest" sila.
  • Nilalagay nila ang sarili nila sa PANGANIB na magulpi ng iba.
Pasalamat nalang ang mga jemonyo na hindi kami pumapatol sa bata... hindi pa.

related post

MgaEpal.com She-shirts

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Curious lang...

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Yung mga babaeng hindi pantay ang kulay ng muka at katawan, ano bang ginagawa nila? Nagpapaputi ba sila ng muka, o nagpapaitim ng katawan?

Mag-isip ang tatamaan.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Napaka walang kwenta naman ng buhay mo kung wala kang kaibigan kapag hindi ka na ONLINE.

AIR-obics

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:




Inhale..... Exhale?

MgaEpal.com True Stories : Sexy I.Q.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

"Manong Guard"... sa isang fast-food restaurant... kasama ang diniskartehang chickas na bar girl ... ilang taon na ang nakalilipas.

Nagtext si "Sexy " kay "Manong Guard" na magkita daw sila. Nagkita ang dalawa ng 7:30AM at walang mapuntahan kaya naisipang kumain muna sa isang fast-food restaurant. Naka-uniform pa si "chickas na bar girl" dahil papasok sana sa school, kaso tinamad.


Pagkatapos kumain...


"Chickas na bar girl": Tara na...

"Manong Guard": San tayo?

"Chickas na bar girl": Kahit saan.

"Manong Guard": Wala pa tayong mapupuntahan. Masyado pang maaga.

"Chickas na bar girl": Sa bahay nyo...

"Manong Guard": Ayoko, andun ermat at mga kapatid ko. Pero kung gusto mo, magpahinga nalang muna tayo (simpleng pahaging para magmotel)

"Chickas na bar girl": Sige.

"Manong Guard": Hindi ka ba magpapalit muna ng damit? Hindi nagpapapasok ng naka-uniform dun.

"Chickas na bar girl": Onga no... sige bihis muna ako.

"Manong Guard": Dun ka sa 2nd floor magbihis, andun yung C.R.

"Chickas na bar girl": Hindi ba pwede jan? (Sabay turo sa isang pintuan)

"Manong Guard": Sa taas yung C.R. ng babae.

"Chickas na bar girl": Hindi ba pangbabae yan? (Tinuro ulit ang pintuan)

"Manong Guard": Hinde.

"Chickas na bar girl": 'E bat nakaupo? (Tinuro ang sign sa pintuan)

(Eto ang sign na nakakabit sa pintuan.)


Sa maniwala kayo o hindi,.. napigil ni "Manong Guard" tumawa.

Magbigay ng mga pinaka-ayaw na presidente ng Pilipinas! Survey says...

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

The top answer was...

Sa survey na ginawa ng Pulse Asia, lumabas na 59% ng mga Pilipino ay ayaw kay Gloria Macapagal-Arroyo. Respetado ang Pulse Asia dahil sa kanilang ±2 percent margin of error sa kanilang mga survey. Pero sa resulta na 59% lang ang may ayaw kay Gloria, mukang nagkamali ang Pulse Asia, dahil kulang yan ng 41%. Pero kung tama nga na 59% lang ng mga Pilipino ang may ayaw kay Gloria, baka 41% ng tao sa Pilipinas kamag-anak nya.

Uy! Pwede!

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:



Wag nyo nang pakialaman yung binabalita. Kailangan nyo lang makita na chick ang anak ni Erap.
FHM na yan!

Type-tawa category:

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

"Hehe" : pacute
"Hehehe" : May naisahan
"Haha": May pinagtatawanang tao
"Hahaha" : Natawa sa nabasa
"Wahaha" : Sarcastic
"Nyahaha" : May nilait
"Jejeje" : Mga kabatang mababa ang I.Q.
"Hek hek hek" : Mga taong mababa ang I.Q.
"Hekkk" : Walang I.Q.

Irony In Motion

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

MANGUNA tayo sa pananampalataya upang LUBOS NA MABIYAYAAN.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

May nakita ka na bang religious leader na mahirap?

Knots ang Votes (issues na pinagbuhol ng eleksyon)

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

Rid-yek-syon!

Nagpahayag si Andal "panget na gupit" Ampatuan Jr. ng suporta kay Presidential candidate Noynoy Aquino. Pero pinandirihan ng kampo ni Noynoy at Mar "the artist formerly known as Mr. Palenke" Roxas ang suporta ni Andal "puro mukang tangang picture sa yahoo news" Ampatuan Jr.

Ang labo talaga nitong taong 'to...
Akala siguro nya may maniniwalang totoong baril yan.

Pahayag ni LP campaign manager Butch Abad na pwedeng patuchada ito ng kampo ng NP at ng "Villarroyo" love-team. Dahil ang nakinabang daw sa Ampatuans dati ay si Gloria "Little Miss President" Arroyo, at ang makikinabang naman sa panirang suporta ni Andal "Malaking panget na baby" Ampatuan Jr. kay Noynoy Aquino ay si Manny Villar.

Dinamay si "tita"?

Sumagot ang NP na hindi sila ang may pakana ng mga yan. At sinabi nilang ang ina ni Noynoy na si Ma'am Cory Aquino ang nagbigay ng kapangyarihan sa Ampatuans noong iluklok nya ito sa pwesto.

Hoy mga "party people" ng NP at LP, bahala kayong magsiraan ng pangalan, bahala kayong magpapogi sa masa, bahala kayong mag-ututan ng muka, at bahala kayong magkontrahan. Pero wag nyo nang ginagamit ang pangalan ng namayapang, beloved Corazon Aquino. Wag nyo nang gamitin sa pangangampanya, at lalong wag nyong sisiraan, dahil gatuldok lang kayo kumpara sa respeto na nahugot ni Cory mula sa bayan.

picture hugot dito

Food Fight

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


Paalala sa mga nagbibinata:
Samantalahin ang summer vacation para sa mga libreng operation "skinless" sa inyong barangay.

By mgaepals on 07:21

comments (0)

Filed Under:

Diskarteng Mansanas

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Kalat na kalat ang balita na "na-expose" daw prematurely ang prototype ng 4th generation iPhone. Ang binebentang kwento, ay naiwan daw sa bar ng isang software engineer ang prototype at napulot DAW ng hindi kilalang tao. Sumabog ang balita nung chinismis ng Gizmodo (isang sikat na sikat na sikat na sikat na website tungkol sa gadgets) na nasakanila daw ang prototype at binili daw nila ito sa halagang 5,000 dollars.


Ano ang chances na mangyari ito one week pagkatapos i-announce ng Microsoft na lalabas na ang bagong version nila ng smartphone na KIN? Mukang gusto lang tapatan ng Apple ng gimik ang announcement ng Microsoft. Mukang ito ang version ng Apple ng "announcement" nila. Hindi kami naniniwala na aksidente ang mga kaganapan na nangyare sa 4th generation iPhone prototype. Magaling na exposure strategy ang nagawa ng Apple kung sakali. Theory lang namin na kakonchaba din ang Gizmodo. Magaling ang strategy dahil pinagchismisan ito sa buong mundo ng mga marunong mag-english na bansa. Kahit nga kami chinismis namin dito.

Mga kahinahinala:

Timing : Nangyare ito 1 week after ng announcement ng KIN (new model smartphone na may social networking "emphasis" from Microsoft. I-google nyo nalang.)

"Connivance" : Ang lakas na chamba naman na Gizmodo ang unang makaalam nito at unang makapagbalita tungkol sa nangyare. Ang lakas na chamba naman na isang sikat na sikat na sikat na sikat na gadget site na pinupuntahan ng mga na-a-arouse sa gadgets ang makakaengkwentro nung nawalang 4th generation blah blah blah... alam nyo na yun.

Image credibility : Ang Apple company ay kilala bilang masikreto. Sobrang masikreto TALAGA. Isa sa pinaka MAGALING, MAHUSAY, HINDI MAPAPANTAYAN sa pag-iingat ng sikreto. Kaya hindi kami naniniwala na ganun-ganun lang sila magiging burara. Mas maniniwala pa kami kung sinabi nilang ang prototype ay ninakaw ng mga ninja.

Image credibility : Imposibleng nawala ng isang Apple company software engineer ang 4th generation iPhone prototype sa bar... dahil hindi nagba-bar ang nerds.

Eto ang pautot na kwento at detalye.

Tulungan silang makamit ang kanilang mga pangarap.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


They wanna make up na.

Epal. Mas Epal.

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Epal: O bat dumudugo yung ilong mo?

Mas Epal: Sinubukan kong magbenta ng pagkain sa may terminal ng jeep, sinapak ako nung isang vendor.

Epal: Baket, anong nangyare? Bigla ka nalang sinapak?

Mas Epal: Hindi naman. Nung una maayos syang nakikiusap na lumipat nalang daw ako ng pwesto. Nauna na daw kasi sya dun, tapos pareho lang daw yung binebenta namin. Ginaya ko lang daw sya.

Epal: Maayos naman palang nakiusap 'e. May punto din naman yung sinabi nyang lumipat ka nalang kung gagayahin mo lang yung paninda nya.

Mas Epal: Mukang sakanya ka pa kumakampi 'a.

Epal: Hindi naman. Sinasabi ko lang na may point naman sya kung pareho talaga kayo ng binebenta. Pero mali parin na sinapak ka nya.

Mas Epal: 'E hindi naman talaga kami pareho ng binebenta 'e!

Epal: Baket, ano bang binebenta nya?

Mas Epal: Leeg ng manok.

Epal: Ano yung sayo?

Mas Epal: Batok ng manok...

Epal: Sakanya leeg, sayo batok... para sayo magkaiba yun... sabihin mo pag magaling na yung ilong mo ha, ako naman sasapak sayo.

Barado

By mgaepals on 09:47

comments (0)

Filed Under:

Mommy: Nahulog yung piso, kunin mo Ron, ayun gumulong papunta sa ilalim ng kotse.

Ron: Wag na. Hindi ko abot, malayo. Piso lang naman yan.

Mommy: Aba anak! Sa tingin mo magkakaron ka ng isang milyon kung walang piso?!!

Ron: Baket mommy, pag dinampot ko ba yang piso magkakaron bako ng isang milyon???

Mommy: Hindi yun yung point, gago!

"Try and try until you succeed."

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:



Be my lady, come to me and TAKE MY HAND and be my lady...

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:


Bakit ka pa magtitiyaga sa peke... eto ang kamay namin, original na original.

Nakakabading ang malabong mata.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:



Sino gusto ng yogurt?

Hinimay

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

"Expect the unexpected."

Hindi pwede yan. Dahil hindi na yun unexpected kung inexpect mo na. Hindi ba ang mga bagay na unexpected ay mga bagay na hindi inaasahan? Kung aasahan mong mangyari ang hindi inaasahan, hindi ba magiging inaasahan na yon? So technically, hindi ba "Expect the expected." lang ang pwede mong gawin, at hindi ba kabobohan ang pagsasabi ng "Expect the unexpected."?

Nakahabol ba yung utak mo?

Usapang Madamdamin

By mgaepals on 09:05

comments (0)

Filed Under:


Lord, kung ano man ang naging kasalanan naming mga tao, sana ay mapatawad mo na kami at alisin mo na ulit ang mga emo sa mundo. Amen.

Ipupusta namin ang mga itlog namin na mas malakas pa ang loob ng batang 'to kesa kay Floyd Mayweather Jr.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:



Binabawi na namin ang pusta...
dahil ayaw namin magkaron ng tig-aapat na itlog.

Gravy all you can.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Parepareho lang naman ang lahat ng tao na nilalantakan ang libreng gravy. Ang pagkakaiba lang, kapag wala kang pakialam, diretso ang isang buhos ng gravy sa plato mo, at kapag mejo pasosyal ang timpla mo, 'e hihingi ka pa ng extra cup para dun ilagay ang gravy, pero ibubuhos mo din naman sa kanin pagdating sa mesa. At uulit-ulitin mong bumalik-balik.

Libre yan at hindi nila pinagdadamot. Ibalik mo lang sa counter ang termos ng gravy at wag mong sosolohin sa mesa mo. Pagbigyan mo din ang ibang tao na mamburaot.

Kaya walang kainan na "gravy all you can" at "rice all you can" dahil malulugi sila. Alam naman ng lahat na gravy pa lang, ulam na.

Low Budget

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

"Her Way"

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:



mga pinaglaruang picture galing dito, dito, dito, dito, dito, dito, at dito

Curious lang...

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Kung ang tawag sa kinakausap mo ng gamit ang boses ay "kaututang dila"...

Kapag naguusap kayo, naguututan ba kayo ng dila?

Ang tawag ba sa sigaw ay malakas na utot ng dila?

Ang pagkanta ba ay utot ng dila na nilagyan ng tono?

Ang panget na pagkanta ba ay sintunadong utot ng dila?

Ang pangbobola ba ay matatamis na utot ng dila?

Kapag may nagmumurahan, maaanghang na utot ng dila ba ang tawag sa sinasabi nila?

Mambobola

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:




Babala: Wag gagayahin ng mga batang 82 years old and below.

Nakipaghoneymoon sa Litro... nanganak ng 12oz.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Isa na namang dahilan para sa "Proud to be Pinoy" slogan,
dahil hindi Pilipino ang gumawa nyan.

Alamat

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Strike Three!

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Kung baket malapit sa puso ng MgaEpal.com si Eddie Gil

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

"Bio Data" (GMA 7) part 1

Vicky Morales: Ano po ang isang normal na araw sa inyo?
Eddie Gil: Sabado.

Vicky Morales: Ano'ng pangalan ng tatay nyo?
Eddie Gil: Ay, hindi ko pedeng sabihin...
Vicky Morales: Bakit naman?
Eddie Gil: Masyadong sentimental. Pag binanggit ko yun, mawawala lahat ng nasa
isip ko.
Vicky Morales: Pero patay na siya?
Eddie Gil: Oo, pero nakikita ko pa. Pag gusto ko syang makita, nakikita ko. Saka
nagbibigay din siya ng instructions sa akin, para sa mga ginagawa ko.
Vicky Morales: Ha, pano? Sa panaginip?
Eddie Gil: Oo, sa panaginip. Minsan, isinusulat din niya sa blackboard.

Itutuloy...

Masaya siguro kung ito ang nanalong presidente noon.

Pahayag ni Mariel Rodriguez tungkol sa alingawngaw na ang bagong kotse (BMW) ng boyfriend nya na si Zanjoe Marudo, ay bigay ng gay benifactor.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

"He works hard naman. It's not like naman na he has no show or he is just a basagulero somewhere or hampas lupa not doing anything. He is working naman at kaya niya naman (bumili), hindi ba?,"



MgaEpal.com reacts: Ayos din 'tong so Mariel. Bumigwas na sa mga "basagulero" EVERYWHERE, tinawag pang "hampas lupa" ang mga "not doing anything".

Miss Mariel, tanggap na naman ng mga tao na mejo nag-iisip ka lang paminsan-minsan bago magsalita, kaya itatama nalang natin ang tirada mo sa malumanay na pamamaraan. Kapag "basagulero" ang isang tao, hindi nangangahulugan na wala kang pambili ng BMW. Madami ang basagulerong mayaman, kaya nga nagsara ang "Embassy". At hindi "hampas lupa" ang tawag sa "not doing anything". Tamad ang tawag dun Binibining Rodriguez. Pwede ding batugan, palamunin, buraot, o kaya baka hindi lang talaga makahanap ng trabaho dahil nursing ang kinuhang kurso at ngayon ay isang batalyon silang nag-aagawan sa job openings ng mga hospital (o kaya hindi marunong mag-english kaya hindi makapag-call center.)

Kaya mag-isip sa susunod bago magsalita. Kung ang lalaitin mo ay basagulero, basagulero lang. Kung ang titirahin mo ay tamad, tamad lang. At wag nyo nang ginagamit na pantukoy sa mahihirap ang "hampas lupa", dahil baka ihampas nila kayo sa langit.

Hindi namin inanghangan ang komento ukol dito dahil muka namang walang masamang intensyon si Mariel Rodriguez at dahil muka syang masarap. Tungkol naman sa kung saan galing ang kotse ni Zanjoe, wala na kaming pakialam.

Issue hugot mula sa ABS-CBN news.
Masarap na picture hugot dito

Sa totoo lang...

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Kung bakit ang mga Hummer ang pinaka pinagkakatiwalaang kotse sa larangan ng proteksyon.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


You can't put a price on safety.

MMK (Maalaala Mo Kuya) episode 5

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:

Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang Carlos. Isa akong bus driver, at referee din ako ng basketball tuwing may liga. Isang normal na araw para sa akin ang pumasok sa opisina ng maaga, bumyahe ng bus, at umuwi ng bahay para matulog. Araw-araw ay nakagawian ko na ang ganon. Simple lang akong tao, kahit hindi ako mayaman, kuntento naman ako kunyari. Sapat naman ang kinikita ko Kuya Chiko para makaraos sa pangaraw-araw na buhay, at minsan ay may natitira pa para makabili ako ng popcorn.

Isang araw, habang naglalakad papasok ng opisina, napansin kong wala ang wallet ko sa bulsa.
Dali-dali akong tumakbo pabalik ng bahay para tingnan kung naiwan ko ang wallet ko, ngunit hindi ko ito nakita. Itatanong ko sana sa katulong kung nakita nyang pakalat-kalat ang wallet ko, kaya lang, wala naman akong katulong. 4,087 pesos lang naman ang laman ng wallet kong nawala. Para sa ibang tao, maliit na halaga lang ito, pero para sakin, maliit na halaga lang talaga. Pero yun na ang pangbayad ko ng upa sa bahay. Magdadabog sana ako sa sobrang inis, pero wala namang makakakita kaya naglakad nalang ako papuntang opisina ng nakasimangot. Sa aking paglalakad ay may napansin akong hugis itim sa lupa. Habang papalapit ako sa hugis itim na bagay... kulay itim pala, hindi hugis. Habang papalapit ako sa kulay itim na bagay ay nakikita kong wallet ito.Pero hindi yung wallet ko. Agad ko itong dinampot! Naisip ko na baka ito ay paraan ng tadhana para palitan ang nawala kong wallet. Binuksan ko ang wallet at tiningnan kung may laman. May 3, 670 pesos sa loob ng wallet na napulot ko. Ito na nga siguro ang kapalit ng nawala kong wallet. Nakonsensya din ako ng konti pero kailangan ko talaga ng pera. Tiningnan ko kung may ID sa wallet pero pangalan lang ng may ari ang nakita ko at walang contact number. Masaya na sana ako kaya lang kulang parin ang pangbayad ko ng upa. Kaya pinalayas parin ako ng landlord kinabukasan. Sumulat ako sayo Kuya Chico para mahanap ang may ari ng wallet na si Mervil Della-Santo at ipaalam sakanya na may utang sya sakin na 417 pesos dahil 4,087 pesos ang nawala sa akin, pero 3, 670 pesos lang ang laman ng wallet nya. Sana ay magsilbing aral sa mga manunuod mo ito Kuya Chico, na kung mawawalan sila ng wallet, siguraduhin nilang hindi kulang ang laman.

Lubos na gumagalang,
Carlos

Tittle: Utang

Headliner... One-Liner...

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Yahoo News Philippines Headline Says:

P76-M ink deal done without Comelec execs' knowledge.

MgaEpal.com Said:

Muka namang wala talagang knowledge yang mga yan.

[Related Link]

For a cleaner, softer, and fresh-smelling porn.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:


"Tanggal ang lagkit sa inyong damit."

Higpitan Ang Bulsa

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

"Kapag may isinuksok, may madudukot" -Mandurukot

Para sa mga gustong magpaganda... in just 2 weeks.

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:



Paalala: Ang tagal ng pagkakabalot ay dipende kung anong klaseng higad ka.

Siguradong hindi lang sa pag-ihi ito ginamit ng mga malisyosong tao.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

Wag ka nang magmaang-maangan. Alam mo kung ano ang sinasabi namin dahil malisyoso ka din.

Epal. Mas Epal. (Lahi Appreciation )

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Epal: Kahit papano swerte parin tayong mga Pilipino.

Mas Epal: Oo naman.

Epal: Isipn mo kung pinanganak tayo sa North Korea, sobrang higpit, sobrang strikto dun. Halos walang kalayaan.

Mas Epal: Nakakatakot ah.

Epal: Kaya pasalamat ako na hindi ako pinanganak sa North Korea.

Mas Epal: Oo nga, pinaka masarap parin maging Pilipino.

Epal: Tama.

Mas Epal: Ako pasalamat ako na hindi ako pinanganak na Amerikano.

Epal: Baket?

Mas Epal: Hindi ako marunong mag-english.

? ? ?

Nalasing Sa Kamao

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:



Referee: Ano kaya mo pa?

Boksingero: Kaya pa... sige... tagay lang.

Super Signal

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Ang magpapanalo sa kahit na anong debate...

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

"Save... Period... No Erase...Touch move... Padlock tapon susi."

Tumitindi ang debate kung tunay ba ang picture ng nip slip ni Karylle.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

May mga nagsasabing authentic naman daw ito, pero ayon sa iba, sa totoong picture daw ay may nipple tape si Karylle. Hinanap namin ang kontrobersyal na picture para kami na mismo ang makapaghusga. At sa nakita namin 'e mejo mukang peke nga ang picture. Mejo lang.

Click [HERE] for uncensored photo.

nilarong picture hugot dito

Panandaliang Aliw

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Galit sa bisita.

By mgaepals on 09:01

comments (0)

Filed Under:


Mga conyo pasok lang.

Ang mga nakaupo sa baba, ay ang mga taong patuloy na naniniwala sa katapatan ng ating gobyerno.

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:


apir.

Wala sa lugar.

By mgaepals on 09:03

comments (0)

Filed Under:

Matagal naming pinagisipan kung babanatan ba namin itong National Historical Institute (NHI) sa pagbatikos nila sa mga singers na naglalagay ng pektus sa tono ng National Anthem ng Pilipinas. Nabuo ang desisyon na makialam dahil sa pagbatikos ng NHI kapag nahahabaan sila sa oras ng pagkanta ng Lupang Hinirang . Kung panget ang kinalabasan, dun nyo ireklamo. Pero kung maganda naman ang ginawang rendition ng kantatero, wag na kayong umapila.

Oist, mga taga NHI panuorin nyo ito ulit at tingnan kung pano binibigyan ng karangalan sa ibang bansa pa, ang kwerdas ng lalamunan ng mga singers natin sa pagkanta nila ng National Anthem ng iba. Habang dito sa Pilipinas, 'e kailangan nilang magsorry sa mga taong takot sa pagbabago at napako sa tradisyonal na katulad nyo. Eto yan.. kung panget ang rendition, sabihan ang singer na humingi sya ng tawad. Kung maganda ang rendition... palakpakan.



Iba pang singers na binatikos ng National Historical Institute:
Lani Misalucha, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Christian Bautista, Kyla, Jennifer Bautista, La Diva (Jonalyn Viray, Aicelle Santos, and Maricar Garcia)


Pinapatupad ng National Historical Institute ang batas, kaya ang dapat magsimula ng pagbabago ay ang mga gumagawa ng batas.

"Hindi na dapat pakialaman ang maayos na pagkanta ng manganganta na kumanta ng magandang kanta."

Ang dahilan kung bakit hindi mo dapat hiwalayan ang boyfriend mo kahit na sinasaktan at minumura ka nya ay...

By mgaepals on 09:02

comments (0)

Filed Under:

...WALA. Tanga!

Heart to Heart

By mgaepals on 09:00

comments (0)

Filed Under:

Agatha: Dad, ilan naging girlfriend mo?

Dad: Bago maging kami ng mommy mo, tatlo. Pagkatapos namin ikasal... mga anim.

"PUGA" (Ang unang engkwentro)

By mgaepals on 09:04

comments (0)

Filed Under:

9:45AM... Almusal ng mga inmates...

Brando: Bago ka dito ah...

Tonyo: Oo, ako nga pala si Tonyo. Kakapasok ko lang kahapon. Pero wala akong balak magtagal dito.

Delfin: Mataas ang ambisyon mo Tonyo 'a. Tatakas ka?

Tonyo: Oo.

Gaston: Huy, hinaan nyo nga yung boses nyo, baka makatunog yang jail guard. Nice to meet you Tonyo.

Delfin: Parepareho pala tayo ng balak 'e.

Tonyo: Ah nice to meet you din kosa... Balak nyo din tumakas?

Brando: Oo, may kanyakanyang mga plano na kami. Ako balak kong umakyat sa vent, pero titingnan ko muna mamaya kung kaya ko bang lundagin pababa sa kabila ng pader.

Delfin: Ako naman lolokohin ko yung jail guard na nagkakagulo ang mga preso. Tapos pasimple kong kukunin yung susi ng mga selda na nakasukbit sa bewang nya.

Gaston: Ako aantayin ko lang makatulog yung mga jail guard tapos tuwing gabi uuntiuntiin kong lagariin yung mga rehas gamit yung kwerdas ng gitara ko.

Brando: Ikaw ba Tonyo, pano mo balak tumakas?

Tonyo: Ah yung plano ko subok na. Hindi pa pumapalpak.

Delfin: Uy mukang ayos yan ah! Share naman.

Tonyo: Kikiskisin ko ng madiin yung mata ko. Tapos magsusulat ako ng pekeng excuse letter, gagayahin ko nalang yung pirma ng nanay ko. Nakasulat sa excuse letter na pauwiin nila ako dahil meron akong sore eyes.

Gaston: Tonyo... wag ka sanang magagalit ha...
pero sisikmurahan kita pagkatapos mong mag-almusal.


To be continued...