Sapul.

By mgaepals on 02:11

Filed Under:

Sa Davao City, sinapak ng mayor ang isang sheriff.


May demolition order daw na pinatutupad yung sheriff. Humingi ng dalawang oras na extension si Mayor. Hindi napagbigyan. Sinapak daw ni Mayor yung sheriff.

Nung unang kita namin sa video na yan, mukang ang hirap husgahan kung sino tama, sino ang mali. Ang malinaw, may tama... tama ng kamao sa muka. Kung titingnan kase, mukang biglaan lang naging ready to rumble si Davao Mayor Sara Duterte. May mga nakisimpatya kay Sara Duterte, pero madami din ang nagalit sa kanya dahil hindi daw makatao ang ginawa nyang treatment sa sheriff. 

50-50 talaga kami nung umpisa, tiningnan din namin ang reaksyon ng mga tao. Mas madami ang hindi nagustuhan ang ginawa ni Mayor Sara Duterte. Pero hindi kami bumabase sa takbo lang ng utak ng mas nakararami, at ayaw naming humusga base sa video na mukang may mga mahalagang pangyayare na hindi nakunan. Madaming tamad mag-research bago bumira. Ang mas nakakabobo, madami ding nagkalat ng video ng walang background story.

Sa nakalkal naming informations tungkol sa nangrayeng yan eto ang pinaka may kwenta:

Mayor Duerte's phone interview with Oro aired over radio dzBB at about 1 p.m.:

ORO: Si Gani Oro po ito, magandang hapon po sa inyo

CARPIO-DUTERTE: Yes, Sir, good afternoon po.

ORO: Ano po talagang nangyari, bakit po uminit ang ulo't nasapak n'yo po 'yung sheriff, Ma'am?

Ok, Sir. Allow me to explain. Kasi ganito yung nangyari, Sir. Alam ko may notice of demolition na ie-execute. Alam ko na iyon ang mangyayari ngayong araw na ito. Kahapon, pumunta na ako dito, kinausap ko ang mga tao ... prinisinta ko sa kanila ang problema at binigyan ko sila ng mga alternative solutions kung anong solusyon yung gusto nilang kunin.

And then kahapon also, pinatawag ko yung abogado ng lupa, pagkatapos, pinakausap ko rin siya sa mga tao doon. Tapos nag-usap sila, okay na walang problema. Ngayon, kaninang umaga, pinadala ko dito, kasi nandoon ako sa relief operations sa kabila, kasi may mga problema pa doon.

Ngayon, pinadala ko dito yung city housing officer ko. Sinabihan ko yung city housing officer ko na sabihan mo yung sheriff na may magpa-file ng TRO dun sa Court of Appeals. Inaantay niya na mag-open yung office nila ng alas-otso ng umaga. Tapos sabi ko, antayin ako dahil ako ang kausap ng mga tao kahapon. So sabi ko, bigyan n'yo ako ng dalawang oras,
haggang alas-onse. Kung nandito na ako, walang problema, tsaka kung nandyan yung TRO by 11, wala na tayong pag-uusapan.

Una sa lahat, hanggang alas onse lang. Tapos, hindi siya nakontrol ng aking city housing officer. Tinuloy niya yung kanyang demolition. Ginamit ... yung mga tao na nagra-riot-riot dito sa lugar na ito. Binayaran nila para magdemolisyon.

Ang nangyari, tinuloy-tuloy niya, nagkagulo, nag-riot nga. Nasugatan yung isang pulis ko. Yung isang pulis ko nandun sa ospital. Yung mga tao sa loob, apat ang sugatan, yung mga tao sa loob dalawa ang sugatan kasi tinuloy-tuloy niya.

ORO: Mayor, nakarating ho ba sa sheriff yung impormasyon ninyo na huwag muna yung demolisyon?

CARPIO-DUERTE: Yes Sir, Yes Sir, nag-uusap kami nung city housing officer ko, Sir, habang nandun ako sa kabila. Habang papunta din ako dito. Sabi ko, sabihin mo sa kanya, alas-onse lang, alas-onse lang. Sabi niya, hindi raw siya maniniwala. Maniniwala lang daw siya sa judge. Okay, walang problema 'yon. Pinatawagan ko, hindi ako yung kumausap, pinatawagan ko kasi dalawang beses na kong hindi kinausap ng judge na yan eh. Pinatawagan ko. Tapos sabi ng judge, hidi daw niya tatawagan yung sheriff niya.

Ok sige, walang problema 'yon. Trabaho mo naman 'yan, okay lang 'yan, sige. So sabi ko naman dun sa city housing officer ko, sabihin mo sa kanya, antayin ako, antayin n'yo ako kasi hindi naniniwala sa sheriff ang mga tao. Hindi naniniwala sa mga pulis ang mga tao, kasi ako yung kausap nila.

Pagdating ko dito, Sir, nagra-riot pa rin sila. pagdating ko, napatigil ko yung mga tao, napatigil ko rin yung riot, napatigil ko yung mga tao na magdedemolish at 'yung mga nasa loob, pinalayo ko sila, pinatawag ko siya. Nung nakita ko siya, dun na ko, wala na, nagdilim na yung paningin ko.

ORO: Mukhang naunahan po ng galit n'yo mayor ano? Pero nakita ho namin kasi dito sa video na pinapanood namin na hindi n'yo muna yata kinausap yung sheriff, eh sinuntok n'yo kaagad. Para ho bang inilagay n'yo sa sarili n'yong kamay ang batas, mayor.

CARPIO-DUTERTE: Alam mo Sir, kung ikaw ang nadito sa posisyon ko, at ganito kalaki yung problema mo, nag-riot yung mga tao na pwede namang hindi. Di ba? Pwede naman hindi. At dahil lang sa isang tao, ayaw niyang magbigay ng dalawang oras, mabubuwisit ka din, Sir.

ORO: Naiintindihan ko ho yung kalagayn n'yo mayor. naiintindihan ho namin yung kalagayan n'yo sa galit ho ninyo, ano ho. Pero yun nga ho, medyo naisakamay  n'yo kaagad ang batas, hindi n'yo muna kinausap. Wala bang paraan po na makontrol po iyon ng hindi kayo nanakit ng tao?

CARPIO-DUERTE: Sir ... Ano ka ba? Kinausap siya nga eh. Tinawagan nga siya di ba? Ano sabi niya? Sabi niya hindi puwede i-extend. Ano sabi ko kanina? Sabi ko hanggang alas-onse bigyan mo ako. Hindi, pinatulong niya yung demolition team niya di ba?...O?

ORO: Nakikinig ho kami sa paliwanag n'yo mayor

CARPIO-DUTERTE: Kinausap ko siya hinde? O? Kinausap ko siya di ba? Sabi ko bigyan mo ako hanggang alas-onse.Sabi niya hindi, ipagpatuloy niya ang demolisyon. O? Ano yung sinasabi mo na hindi ko siya kinausap?

ORO: So yun ho ang solusyon ninyo mayor? Yung manakit sa tao?

CARPIO-DUERTE: Anong hindi ko siya ....? Alam mo, alam mo, you know what, mag-mayor ka muna bago mo 'ko kausapin. (THEN MAYOR CUTS THE LINE)

ORO: Kayo na po ang bahalang mag-judge sa panayam na 'yon kung hini po tayo naging patas na ibigay ang panig na ito. Panoorin n'yo na lang po ang video kung ano ang nangyari.

(Interview pabasa hugot sa InterAksyon)


MgaEpal.com authors finishing move:
Sa tingin namen hindi mali ang ginawa ni Mayor Sara. Kalilipas lang ng sobrang pagbaha sa Davao, at sobrang bigat at dami pang problema ang iniwan ng bagyo para kay Mayor at sa mga tao, dapat iniwasan na yung riot na nangyare. Si Mayor ang nakausap ng mga tao, sya ang nagtmpla ng sitwasyon para mabawasan ang pait at maging mas katanggap-tanggap lunukin. Pero lumalabas na sa ginawa ng sheriff, nilagyan nya ng lason ang tinimpla ni Mayor. 

Sa interview naman ni Mr. Gani Oro kay Mayor Sara, may punto si Gani Oro. Pero mukang masyadong nakatutok ang basehan ng opinion nya sa video na napanood nya. Hindi namin sinasabing tama manakit ng tao. Pero ayaw din naming sabihin na walang mga taong karapatdapat talaga masaktan. Tulad nung sheriff, na naging dahilan kung baket madami pang iba ang nasaktan. Lahat ng issue may background story. Minsan yung background story, may mas malalim pang background story. Pag may nakita kang puno at panget o lupaypay mag-bunga, hindi mo pwedeng suriin lang yung bunga. Tingnan mo hanggang ugat.

Alamin. Ipaalam. Makialam.

0 comments for this post

Post a Comment