Epal. Mas Epal.
By mgaepals on 09:00
Filed Under:
Epal: Oist! Baket ngayon ka lang?
Mas Epal: Eto naman. Alam ko boss kita dito sa opisina. At nagpapasalamat ako na kinuha mo akong assistant kahit wala naman akong alam sa trabaho na 'to. Pero barkada naman tayong dalawa, pwede naman sigurong ma-late ako ng konti.
Epal: Tangna mo apat na oras kang late gago! At isa pa, baka makahalata yung mga katrabaho natin na matagal na tayong magkakilala. Bawal sa kumpanya yun 'e. Kuha mo?
Mas Epal: Oo na, oo na. Sige tuwing Monday na lang ako male-late.
Epal: At talagang scheduled pa ang late mo ha.
Mas Epal: 'E nakakatamad pag Monday, galing sa weekend parang wala ka pang gana magtrabaho.
Epal: Wala, hindi pwede. Pag may nakahalata na magkabarkada tayo, at nagreklamo, sisisantihin kita loko. Wala ka na ngang ginagawa dito 'e. Pasalamat ka pinakiusapan ako ng ermat mo. Hindi ako makakatanggi, mabait si tita 'e.
Mas Epal: 'O sha-sha, kain na muna tayo. Lunch break na diba?
Epal: Oo, ang galing nga ng timing mo hayup ka, papasok ka para kumain.
Mas Epal: Ano baon mo? Barbecue na naman?
Epal: Hinde. Pinagsabihan ko na yung katulong namen. Nakakahalata na akong tinatamad lang magluto yun kaya bumibili na lang ng barbecue sa kanto. Dalawang linggo ako nagbaon ng barbecue 'e.
Mas Epal: Ako nga din sawang-sawa na ako. Araw-araw na lang eto baon ko..
Epal: Burger na naman?
Mas Epal: Oo, tangina purgang-purga nako sa burger. Nakaka-suya na.
Epal: Edi sabihan mo din yung taga-handa ng baon mo. Sino ba naghahanda nyan?
Mas Epal: Ako.
Epal: . . .
Mas Epal: Anong gagawin mo dyan sa stapler?! Ano ba?!
Epal: Mamili ka, staplerin ko hita mo o sisantihin kita? Wag kang malikot!

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post