"Facebookless"

By mgaepals on 09:00

Filed Under:

Nabalita nung nakaraan ang issue ng pag-apila ng mga estudyante at sa Ateneo De Davao nung na-ban ang Facebook sa loob ng university. May more than 1,300 pesos pa naman daw silang binabayaran every sem na information technology fee. Ang paliwanag ng heads ng Ateneo De Davao, bumibigat daw kasi ang bandwidth nila. May mga libro daw sila online at downloadable, at pag madami daw gumagamit ng Facebook, imposible daw ma-download ang mga libro.

Sa tingin namin karapatan ng mga estudyante maging facebookero at facebookera kung freetime naman nila sa school. At isa pa, 1,300 pesos ang binabayad ng bawat studyante. Sa 100 na studyante lang may 130,000 na kayo. Sobra-sobra yan para magpataas ng bandwidth. 'E hindi lang naman 100 ang studyante dyan.

At isa pa, mukang hindi lang naman Facebook ang nagpapabigat ng bandwidth nyo...


Tang*na natawa kame dito.

Gusto naming batiin ang mga basahero sa Ateneo De Davao 
bago pa i-ban ang MgaEpal.com dyan.

Salamat kay mister_use 
sa pag timbre sa Tip Box

0 comments for this post

Post a Comment