SUBJECT: Parusa

By mgaepals on 09:01

Filed Under:


Parusa daw yan sa studyante. Sinampal o hinampas daw nung studyante yung teacher sa muka kaya pinarusahan. Na-verbally abused daw yung studyante kaya nya sinampal o hinampas sa muka yung teacher. At yan daw ang napagkasunduan nung studyante at nung teacher para hindi magsampa ng kaso yung teacher. Puro "daw", dahil hindi sa mismong teacher o studyante nanggaling ang statements. Kung gaanong iba-iba ang kwento tungkol sa video na 'to, ganun din ang pagkaka-iba-iba ng reaksyon ng mga tao. May mga nagsabing tama lang yan. May mga gusto ding hamunin ng suntukan yung teacher.

Kung mas hihimayin yan, kahit pa puro "daw" ang kwento, kulang. Ano DAW ba ang dahilan kung baket na-verbally abuse ng teacher yung studyante? Ano-ano DAW ba ang sinabi nung teacher kung baket sya sinampal o hinampas? Ang pinaka impostanteng "daw"... Ano DAW ba talaga ang pinag-ugatan nyan?

Kung sobrang disrespectful ang ginawa nung studyante dapat lang sya ma-verbally abuse. Pero kung nag-over react lang yung teacher at hindi naman grabe ang ginawa nung studyante pero pinahiya nya ng todo, tama lang na masampal sya. Pero dapat sinumbong na lang nung studyante dahil mas mahirap kung sya ang ireklamo ng physical injury. Ipagpalagay na natin na may ginawa nga talagang mali yung studyante, dapat pareho ng timbang ang parusa sa kasalanan. Kung maliit na bagay lang, pagsabihan. Pag umulit, ipatawag ang magulang. Kung malaking kagaguhan naman ang nagawa, lalo na kung personal na kagaguhan laban sa teacher, tumbasan ng personal na parusa. Sa tingin namin, hindi mali parusahan ang mga studyante dahil naniniwala kami sa "Reward And Punishment System" Pag may nagawang maganda, bigyan ng pabuya. Pag may nagawang mali, parusahan, dahil yan ang huhubog sa karakter nila para ganahan maging productive, at matakot mangupal.

Tandaan mo, ang hindi pag-puri o pagbibigay ng pabuya sa  batang may nagawang maganda ay kapabayaan, pero ang hindi pagpaparusa o pagturo ng leksyon sa batang nagkamali ay mas malaking kapabayaan. Siguraduhin lang na sakto ang pabuya, at patas ang hatol.

0 comments for this post

Post a Comment