SABAT: Ashley Rivera a.k.a. Petra Mahalimuyak

By mgaepals on 09:00

Filed Under:

 

Matagal nang pending 'to.Tinopak ang Facebook share button noon kaya hindi namin malabas. Ngayong ok na, nagbabalik ang "SABAT" sa MgaEpal.com.

Sa panahon ngayon na uso ang depressed, blessing ang mga nagbibigay ng panandaliang aliw. Tulad namin, blessing kame. (Leche walang paki-alamanan ng trip, basta blessing kame.) At masaya kami tuwing nakakakita kami ng iba pang nagbibigay ng panandaliang aliw. Simple lang ang pinagmulan nito. Tinimbre sa amin ng isang "Jairone" noon sa Tip Box na meron daw chicks na pinagkakaguluhan sa YouTube. Pinagkakaguluhan daw dahil magulo din sya. Sinilip namin ang link. Pinanood ang video. Binasa ang mga comment. Nag-research. At umabot kami sa conclusion na kailangan pasabatin namin ang babeng yon. 


Hindi ka marunong mag-internet kung hindi ka pa nakapanood ng kahit na isang video nya. Nakilala ng lahat bilang Petra Mahalimuyak sa YouTube. At mas makikilala ng lahat si Ashley Rivera dito ngayon.

 In Ashley Rivera's Talent Arsenal:

Malabo pero malalim. Babaeng-babae pero palaban. Kwela pero madaming alam. Eto na. Si Petra Sagimuymoy Mahalimuyak (a.k.a) Tiffany Madison (a.k.a) "Backstreet Tomboy" (a.k.a.) Jora Echusera (a.k.a.) Ashley Rivera at ang kanyang mga... "SABAT".


"Kulturantado": Ano ang PINAKA DAHILAN kung baket mo naisip gumawa ng mga YouTube videos?

Ashley: Para magpatawa. :):) actually yung friends & family ko nagpumilit na i-post ko videos ko on YouTube. Kasi inuupload ko lang dati sa facebook. Mga kaibigan ko lang lagi nakaka-witness ng kalokohan ko. Naisip ko na i-share naman sa buong mundo at nang makita nila na nakakatawa din ang mga babae ;)

(Kung ikukumpara sa ibang lumalabas sa TV, mas nakakaaliw nga naman ang mga binalandra mo sa YouTube.
At nakakatawa naman talaga ang mga babae... lalo na pag seryoso kayo.)

"Manong Guard": Mukang lively, fun, spontaneous, random, smart at carefree ka. Pano nadevelop sayo ang ganyang personality?

Ashley: Well I had a good childhood so maybe that's one of the reasons why i am bubbly. And makapal na talaga mukha ko nung bata palang ako. Walang pake, walang hiya hiya. Basta masaya ako at hindi naman illegal ginagawa ko, go! Ewan ko ba bakit ako ganito. :) 

(Kaya sa mga batang matamlay dyan, subukan nyo ding magkaron ng good childhood. 
Yung mga matamlay na may edad na, kapalan nyo na lang muka nyo.)

"Bunso": Sinong babaeng celebrity ang sa tingin mo kaya mong talunin sa suntukan? Pwedeng Hollywood or Philippine based.

Ashley: Hmm. Siguro si Miley Cyrus. Naiinis ako sakanya kasi mayabang sya at ang landi pa. Ibuhos ko na lahat ng asar ko sakanya. Wag lang sya kumanta habang nag-susuntukan kami kasi cheating yun! :)

(Magandang choice. Kaso delikado dahil pag nagagalit si Miley Cyrus lumalakas yan, nagiging kulay green, at nagiging si Incredible Hannah Montana. Kung gusto mo pagtulungan natin. Hahawakan namin tapos sikmurahan mo sa mata.)


"Boss Chip": Anong comment sa Youtube videos or facebook pages mo ang pinaka natuwa ka, at ano ang pinaka nairita ka?

Ashley: Pinaka nakakatuwa= "You're such an inspiration. You're more than a pretty face. God bless you, Petra! We love you"

Pinaka nakakairita= "Put*ngina kang pokpok ka! Wala ka nang ginawa kundi katangahan! Get a life! YOUR stupid so stop copying Mikey Bustos!" 

*I honestly find this funny. amok to remember?! =) pwede ba bago manlait, paki alam muna ang difference ng "your" at "you're" Hahaha! I really have no time for ignorant people who constantly tries to bring me down. Di talaga umeeffect. I sincerely apologize. ;)

(Sino ba yang umaaway sayo? Sabay na natin kay Miley Cyrus yan.)
;)

"Kulturantado": Kung magkakaron ka ng magic, anong magical ability ang gusto mong magkaron? Magbigay ka ng tatlo.

Ashley: 1. Yung makakausap ko si God ng harap harapan ng hindi ko kailangan mamatay. Considered as magical ability ba yun? =)

2. Yung nakakatransform ako sa kahit ano/sino na gusto ko. Para malaman ko lang ano feeling ng maging ipis (oo, gusto ko ma-try maging ipis) o kaya Victoria's Secret Model. Naks.

3. Mag-fly. Para di na ko gagastos sa gas at sa sky diving. Haha!

( 1. Mabait ka siguro para gustuhing makausap si God ng harapan. 
Kame kasi alam naming maloko kame. Ayaw naming makarate chop ni God.
2. Gusto mong malaman ang feeling maging ipis? Maging kurakot na politician ka.
3. Gusto mo makalipad. Pag naging ipis ka, diba makakalipad ka na din?)

"Manong Guard": Kung magiging artista ka, anong type of acting mo gustong malinya? (Dramatic, action, comedy, sexy, etc.)

Ashley: All of the above! Basta ba kaya kong i-portray ng maayos ang character, why not? Masaya nga pag iba-iba. Hindi boring. Ang isa sa mga di ko kayang role eh ang maging math genius. Dahil wala talaga akong pag-asa sa math na yan. =) malamang hindi ko ma-mememorize ang mga linya ko... Or in that case, ang "solutions" ko. 

 (Yang math na yan, kahit kelan talaga sagabal sa mga pangarap.)

"Bunso": Nagkaron ka ng raket sa ABS-CBN noon pero nasa Las Vegas ka na ngayon. Baket ka nandyan? At kailan ka bibisita dito sa Pilipinas?

Ashley: Bakit ako nandito? Kasi wala ako jan. :):) Babalik ako this year! I'm not sure when exactly but I'll hopefully be there by Christmas! Got my fingers crossed!

(Maghihintay kami ng pasalubong. Oist seryoso 'to.
Kahit yung mga libreng toothpaste lang sa eroplano.)

"Boss Chip": Ano (o ano-anong mga bagay) ang makakapagpa-stay sayo sa Philippines for good?

Ashley: A big break. :D:D sana mabigyan ako ng show. Sana mapansin ng mga producers & directors na marunong ako umarte at hindi ako pa-cute. I've been to countless auditions & I did my best but i guess my best wasn't good enough.... :)) but seriously, sana matupad na talaga pangarap ko. I'm honestly not after the fame & money because for me it's a lot deeper than that. Acting is my passion. I can see myself do that for the rest of my life.

(Kalokohan pag walang T.V. station na magbigay sayo ng opportunity.
Na-i-imagine na namin ngayon. Sisikat ka. Magkakaron ka ng sarili mong variety show. Magiging kilala kang host.
Gagawan ka ni Lito Camo ng kantang paulit-ulit lang ang lyrics. At pagbabantaan ka ni Marian Rivera ng isang text lang nya papatayin ka ng mga fans nya, dahil lang pareho kayo ng apilido.)

"Kulturantado": You have a boyfriend now and the two of you seem very happy. Ano sa tingin mo ang pinaka essential sa masayang relationship?

Ashley: Trust. Kasi pag puro selos o duda, wala talaga kayong mapapala. What's the point of being in a relationship if you can't trust your partner? It's illogical. :| The good thing about us (Miguel & I) is that we really love & support each other. We actually have a long distance relationship. He's in cali & i'm here in vegas. It's hard sometimes but it's kinda nice to miss your loved one & not take their presence for granted. :):)

(Importante talaga ang TRUST. Sabi nga ni Ribin Padilla, bago umaksyon... proteksyon.
Protektado nga naman ang relationship pag may tiwala.)

"Manong Guard": Kita sa mga videos mo na maganda, sexy, at may sense of humor ka. Anong characteristics o ugali mo ang hindi masyado alam ng karamihan?

Ashley: I'm also generous. Hindi ako rich kid but I like sharing my blessings. Pag meron naman ako maibibigay, magbibigay ako. It doesn't always have to be money. It can be like food, clothes or as simple as time. At minsan pag kasama ko barkada ko sinasabi ko "sagot ko na ang kwento!" all out ako dun! Ganon ako ka-generous. ;)

 (Generous pala ha. Aantayin namin yung mga toothpaste.)

"Bunso": Papayag ka bang mag-pose for FHM? Why, or why not?

Ashley: As long as I don't have to be naked then yeah. I'm comfortable w/ my body. So posing sexy wouldn't be a problem. I mean there's a fine line between being sexy & skanky. Ayoko naman ng bastusin. Hindi naman ata tama yun. :):)

 (Mga tao dyan sa FHM, by Christmas daw nandito yan. 
Madaming mag-aabang, diskartehan nyo na. Gawin nyong sexy na ninja 'to.)

"Boss Chip": For 1 million dollars, ano ang mas kaya mong kainin? Sopas na pinagbabaran ng ginamit na medyas ng marathon runner, o palabok na may inahit na buhok sa kilikili ng limang basketball player?

Ashley: Parang mas trip ko ata sinigang na may katas ng jabar/pawis ng kili kili ng limang karpintero. Sobrang asim nun! Tas lagyan narin natin ng buhok nila para may konting texture. Sympre gusto ko may konting twist sa pagkain ko. Hahahaha! Extra rice please!

(And for dessert: inipon na libag ng anim na macho dancer. Sprinkled with pinag-gupitan ng kuko sa paa
ng kambal na bouncer. Kadili ka. Apir.)

"Kulturantado": Kung papipiliin ka, ano ang mas gusto mong makuha, Fame or Fortune? And why?

Ashley: Fame. Kasi pag sikat ka, kilala ka na nga may pera ka pa. Depende nga lang yun kung marunong ka gumawa at maghawak ng pera. :):)

(At depende din siguro kung ano ang ikinasikat.)

"Manong Guard": Finish this sentence: Kung lahat ng tao sa mundo ay makakatulog for 2 hours, at ako lang ang gising sa loob ng 2 hours na yon...

Ashley: Wow. Anong klaseng tanong yan? Manong guard ha, nakaka-nosebleed ka. :) kung lahat ng tao sa mundo ay makakatulog for 2 hours, at ako lang ang gising sa loob ng 2 hours na yon... gigisingin ko lahat ng kaya kong gisingin para damayan ako at tulungan akong gisingin ang iba para wala nang matulog!

(Natutulog yung mga tao, guguluhin. Storbo ka rin 'e no?)

"Bunso": Ano ang pinaka nakakahiya/nakakatawang bagay ang nangyare sayo?

Ashley: Wala pa namang pinaka pero isa sa nakakahiya at nakakatawang nangyare eh nung nag-audition ako for PBB. Yung season nila Kim Chiu. Nasunog yung kalahati ng mukha ko sa kakahintay ko sa pila tas pagharap sa 'judges' mukha akong burned victim na tanga tanga sumagot. Kaya ayun, hindi ako nakuha. =)

(Sayang. Sana sa ibang PBB ka na lang sumali. Pinoy Burned Biktims)

"Boss Chip": Saan ka pinaka thankful kay God?

Ashley: Na binigyan nya ko ng pagkakataon na mabuhay sa mundong ito. (Yes, ang lalim) and w/ that being said, I see to it that I live my life to fullest & do everything for His glory. May purpose tayong lahat dito at ang alam kong purpose ko eh magpasaya ng tao. I mean well w/ all my videos & I hope some people would understand that & stop being so critical. You only get to live once, so make the most out of it & be happy. :)
  
(Very well said.) 



Get to know more about Ashley on the following links:
:)
;)

0 comments for this post

Post a Comment