Apila ng iba, mas madami daw ang Filipino-Foreigner sa football team ng Azkals kesa sa pure Filipino.
By mgaepals on 09:03
Filed Under:
Ano ngayon? Baket sa showbiz wala namang umaapila pag may dugong banyaga ang artista? Minsan nga ni walang dugong Pinoy. May mga nakaraang pabasa kami noon na may banat sa mga "half-breed" dito sa Pilipinas. Hindi dahil kontra kami sa kanila. Ang gusto lang namin sabihin sa mga pabasa na yon ay ganon na kadaming salinlahi sa atin. Hinirit namin noon na dadating ang panahon na baka ang PBA (Philippine Basketball Association) ay kikilalanin nang Phil-Am Basketball Association. Reklamo ba yon? Hinde. Pinupuna lang namin ang obvious.
Kaya kami nairita ngayon sa dami ng bumabatikos sa issue ng "Half-breed" sa Azkals, dahil wala namang kwenta umapila. Tuwing komokontra tayo sa pagkakaron ng Filipino-Foreigner sa sport teams natin lumalabas na parang bilib na bilib tayo sa ibang lahi. Porke may dugong Amerikano, Espanyol, Chinese, etc. ibaig sabihin mas magaling na? Gago ka ba? Mas matangkad lang yang mga yan. Lumalamang lang sila sa kaalaman sa sports, technology para sa training, at sa overall preparedness dahil mataas ang budget ng ibang bansa pagdating sa sports/athletic development.
Alam naman natin na hugot ang pangalan ng Azkals football team sa salitang "askal" o asong kalye. Ang mga asong considered na askal ay ang mga mongrel. Mongrel ang tawag sa mga asong may mix-breed.
0 comments for this post