Utak Ninja

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Situation: Umalis ka ng bahay. Naiwan mo ang cellphone mo sa bahay, o kaya wala kang load at walang loading station na malapit. May kailangan kang ma-contact. Walang malapit na payphone.

Diskarte:
  •  Maghanap ng store na may landline. 
  • Magpanggap na bibili.
  • Maghanap ng bagay na wala sila.
  • Itanong sa kahera kung meron ba sila nung bagay na alam mong wala sila.
  • Pagkatapos nyang sabihin na wala. Magpanggap na na-disappoint ka.
  • Magpanggap na kumakapkap ka sa bulsa o bag mo para hanapin ang cellphone mo.
  • Magtanong sa kahera kung pwede makigamit ng landline. Sabihin mong hindi mo nadala ang cellphone mo at kailangan mong itawag sa inyo na wala sila nung kunyaring pinapabili sayo, at itatanong mo kung ok lang na bumili ka ng ibang brand.
  • Pag natawagan mo na kung sino man ang kailangan mong tawagan, wag kang magpahalata sa kahera.
  • Bigyan ng clue ang kausap mo kung ano ang gusto mong gawin nya.
Example: "Hello Minda, nandito ako sa Mini Stop, hindi ko nadala cellphone ko. Wala silang milk tea, punta ka na lang dito para makapili ka. Basta punta ka na, dito lang ako hintayin kita."

Magdasal ka na lang na hindi bobo ang kausap mo at sundin nya ang kung ano man ang pinapagawa mo.

Nitong nakaraan lang, ginawa ni "Bunso" ang diskarteng yan. Kailangan nyang tawagan ang babae nya para buksan ang gate. Hindi sya pwedeng mag-doorbell dahil baka magising ang mga parents nung babae, kaso nakalimutan nyang magpa load at walang loading station na malapit. Pumasok sya sa isang liquor store at nagpanggap na bibili ng alak. Natawagan nya ang babae nya at napabuksan nya ang gate. "Happy ending" syempre.

Yan ang diskarte.

0 comments for this post

Post a Comment