Sulit Sa Sulat. Pulidong Pabasa.

By mgaepals on 09:04

Filed Under:

Nung nagsimula ang MgaEpal.com, ang paunang suporta sa amin ay sinindihan ng mga bloggers. Initially, para sa kanila ang "follow" na kahon dyan sa may gilid. Umaapaw at sumasapaw sa apaw ang pasasalamat namin sa mga bloggers. Minsan napapadaan kami sa mga blogs at masasabi naming enjoy magbasa ng kung ano-ano mula sa kung saan-saan. Iba-iba ang laman ng bawat blog. Iba-iba ang dahilan kung baket nagsusulat ang mga bloggers. May malalim, may makulit, may seryoso, may malabo. Pero ang mga blogs na may tamang timpla ng lahat ng yan ang pinaka sulit daanan. Mas bihira na kami makadaan sa mga blogs ng ibang tao, kung saan-saan kami napapadpad pag may oras kaming mag-stroll online. Pero may mga blogs na hindi namin nakakalimutan daanan tuwing trip naming mag-blog hopping. Ang pagba-blog hopping ay parang pagsakay ng taxi, at eto ang dalawa sa mga blogs na hindi nakakahinayang pag-aksayahan ng metro ng oras mo.

WickedMouth.com


Masayahin ang author ng blog na 'to. Malabong tao pero may sundot ng kalaliman sa pag-iisip. Minsan may mga pabasa sya na halatang tumatakbo ang kwento sa pagkakaron ng hasel sa buhay pero nakakapagsingit parin sya ng mga hirit na nagpapagaan ng tunay na timbang ng kabadtripan nya sa isang bagay. Pero hindi naman puro kabadtripan ang laman ng blog na 'to, karamihan nga ay mga komedi ng totoong buhay. Personal ang blog at compelling ang mga pabasa. Sa mga post nya, mararamdaman mong hindi normal ang takbo ng utak nung nagsulat, at ilan lang yan sa mga rason kung baket dapat mong bisitahin ang mga iniire ng keyboard ni Glenn a.k.a. "Glentot"


IAmALivingSaint.blogspot.com (Pluma Ni Jepoy)

 

Masustansya ang blog na 'to (Sa mga hihirit ng "wow nakakain pala ang blog?"... Oo sige kainin mo gago) Organic ang pagkakasulat ng mga pabasa at lumalabas ang personality ng author. Mabilis gagaan ang loob mo sa manunulat dahil maligalig ang tema ng mga kwento. Hindi nakakaumay basahin at halatang mahusay magkwento ang taong nasa likod ng pabasa. Ang mga handog sa blog na 'to ay kitang may mga totoong emosyon na pinaghuhugutan. Masustansya, organic, at maligalig; Tamang timpla na matitkman mo sa blog ni Jepoy a.k.a. "Jepoy" din.

                                 
                               WickedMouth.com      
                                                                               IAmALivingSaint.blogspot.com

0 comments for this post

Post a Comment