Homework 2

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

Dianne: Papa, busy ka?

Papa: Ah hindi naman. Baket anak?

Dianne: Ano kasi 'e... may homework ako...

Papa: Anak, napag-usapan na natin noon 'to. Pagdating sa homework mo, pabayaan na lang nating mama mo ang tumulong sayo.

Dianne: 'E masakit daw ulo ni mama, sabi ko magpahinga na lang sya.

Papa: Sige-sige, para makapagpahinga nga naman ang mama mo. Basta wag math, at hindi din science. Alam na nating wala akong talent sa mga yon.

Dianne: World Hinstory 'to.

Papa: 'Ah eh ba't hindi mo sinabi agad?! Magaling ako sa History 'e!

Dianne: Ok sige game...  Kailan naganap ang World War One?

Papa: Bago naganap ang World War Two.
  
Dianne: Sino si Joan of Arc?

Papa: Asawa ni Noah.

Dianne: Sino-sino ang mga mambers ng United Nations?

Papa: Mga nations na united.

Dianne: Last question. Baket ginawa ng mga Chinese ang Great Wall of China?

Papa: Para may maihian ang libo-libo nilang mandirigma.

Dianne: Thank you papa ha.

Papa: Sinulat mo ba yung mga sagot?

Dianne: Hinde.

Papa: Good. Mangopya ka na lang bukas, pumasok ka ng maaga.

0 comments for this post

Post a Comment