Isang tambak ng kagaguhan.

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Simula nung lumipat si Willie Revillame sa channel 5, hindi na namin binagsakan ng banat yang taong yan. Nagustuhan namin ang paglipat nya sa TV5 dahil napilitang umayuda ang ibang channel at mas gawing competitive ang mga katapat na palabas ng "Willing Willie" (Kahit sabi nilang walang kinalaman ang "upgrade" ng show nila) Underdog ang TV5 kung ikukumpara sa dalawang leading TV networks (ABS-CBN at GMA) at dahil gusto naming makitang umaangat ang mga dehado, inobserbahan lang namin ang mga nangyayare. Naging malamya ang feud ng mga noontime shows. Mukang wala namang negatibo sa mga nangyayare kaya walang dapat punahin. Pero nung gumawa na naman ng ingay ang pangalan ni Willie, syempre inusisa na namin.

Nabasa lang namin ang balita na may napagtripan na batang 6 years old sa "Willing Willie". Maliit na bagay lang diba? Yun ang akala namin. Ok lang naman pagtripan ang bata kung inosente ang trip. Tamang timpla at tanchado para sa viewers. Akala namin over reacting lang ang mga tao sa napanuod nila, pero nung nakita namin ang video, ang laking kagaguhan nga ng nangyare sa show.

Eto ang nangyare...

-Pinasayaw yung bata as talent nya dahil may tarantadong nagpauso na dapat magpakita ng talent ang mga contestant sa game shows.
-Umiiyak na yung bata bago pa sya pinasayaw.
-Nagtuloy tuloy ang iyak nya, pero nung una mukang wala namang kinalaman sa ginagawa nya yung pag-iyak nya.
-Pinaulit-ulit sa kanya yung sayaw. Hindi normal na sayaw 'to, pang-macho dancer na sayaw.
-Hanggang mag-commercial, pinapasayaw yung bata.

Oo naging gago si Willie, pero normal na nya yun 'e. Hindi namin sinasabing hindi mali ang ginawa nya. Ang gusto sana naming sabihin 'e hindi lang si Willie ang naging gago. Yung tatay at tita nung bata na nagturo daw sakanya nung sayaw GAGO. Yung direktor ng show GAGO. Yung mga audience na natuwa habang nangyayare yon SOBRANG GAGO.

Wala ka nang magagawa, si Willie yan 'e. Hindi na magbabago yan. Mukang hindi naman nag-iisip yun bago magsalita o gumawa ng isang bagay 'e. Alam yun ng TV5. Alam nilang loose cannon si Willie, at kung gusto nilang protektahan ang investment nila, dapat binantayan nila yung show. Dapat kumuha sila ng taga timpla kung ok pa o sobra na ang nangyayare sa show. Siguradong hindi pa yan ang katapusan nyan. Abangan na lang natin kung pano palilipasin ang issue na 'to.


Kung nagtataka ka kung baket hindi na namin nilagay yung video dito, yun 'e dahil tingin namin hindi na dapat lalong kumalat yung video na yon.

0 comments for this post

Post a Comment