Pinaghugutan
By mgaepals on 08:01
Filed Under:
Ang celebratory hand gesture na pag-taas ng kamay at paglalapat nito sa palad ng iba ay kilala sa english bilang "hi five". Sa Pilipinas, tinatawag itong "apir". Pero alam mo ba na english words din ang pinaghugutan ng salitang "apir"? Oo, wordsss, dahil dalawang salita ang ugat nyan. Pinauso ng mga Amerikano ang linyang "Up here!" noon. Tuwing magha-hi five sila may hirit munang "Up here!". Syempre dahil gaya-gaya tayo, natutunan din ng mga Pilipino ang linyang "Up here!". Sa pagdaan ng mga panahon, dahil sa lutong natin magsalita at katamaran gumamit ng pause sa sentences o phrase, nag-volt in ang mga salitang "up" at "here" at tuwing may bagay (maliit man o malaki) na dapat i-celebrate, hindi nawawala ang apir.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post