SABAT: Diego Bandido (YES! fm 101.1)

By mgaepals on 11:17

Filed Under:


DJ ka ba? Kalbo ka ba? Nagtatrabaho ka ba sa Yes! FM 101.1? Tirador ka ba ng mga yayang pasaway? Malamang hinde, dahil hindi ka si Diego Bandido.

Akala ng iba hindi kame nagbabasa ng mga comment sa message board, pero madami na ang patay sa mga taong nag-akala non, dahil madaming namamatay sa maling akala. Nagbabasa kami don. Dun namin nakikita ang feedback nyo. Kung may suggestions kayo, o tuwing wala kaming gana magsulat at kailangan namin ng mga papuri para ganahan. Isang madaling-araw, habang naghahanap kame ng ego-boosting na comment sa message board, napadaan kame sa isang comment na may pamilyar na pangalan. "Diego Bandido"... Totoo ba yan? Sya nga ba yon? May link papunta sa site ng Yes! FM, naintriga kame. Eto nga ba ang DJ na naririnig namin minsan sa jeep? Pinadalahan namin ng email, at nag-iwan kame sa facebook fan page nya ng mensahe. Tinanong namen kung sya ang umihi sa pader ng message board namen at tinanong din namin kung pwede syang pumalag sa "SABAT". May nagreply sa email... eto na, magkakaalaman na.


Aba sya nga. Yung kalbong DJ nga. Higit sa isang palitan ng email ang nangyare, at don namin nalaman na sobrang ok ng taong 'to. Naimpluwensyahan pa nyang umihi din sa pader ng message board namen ang isa pang DJ ng Yes! fm na si "Chico Loco" (Kung mapagbibigyan, balak din naming gawan ng "SABAT" 'tong si Chico) Pumayag magpa-interview si Diego. Pinadala namin ang mga tanong. Lumipas ang ilang araw pero wala parin ang mga sagot. Nung natanggap namin ang reply nya, dun na namin nalaman kung baket natagalan. PULIDO ANG MGA SAGOT NI DIEGO. Halatang may effort at sobrang na-appreciate namen yon.
Eto na. Si Diego Bandido at ang kanyang mga... SABAT.

1) Bunso: Warm up question muna. Panopinanganak ang alyas na "DIego Bandido"? Sino ang nakaisip nyan?

DIEGO: BUNSO,IPINANGANAK ANG DIEGO BANDIDO MGA 2 YEARS AGO PALANG….MULA SA PAGIGING “DIEGOLATIGO” NG STAR FM ….LUMOHOD AKO SA BOSS KO NA KUNG MAARI DIEGO PARIN FIRSTNAME KO PAG NAG ON BOARD NA AKO SA YES …KASI KILALA NA AKO NG LAND LADY KO BILANG DIEGO. BAKA PAG NAG IBA AKO NG PANGALAN TAASAN PA NYA RENTA NG BAHAY KO.

( Nakakatakot nga namang taasan ang renta ng isang "Bandido".) 



2) Boss Chip: Kunghindi ka naging Radio DJ, ano sa palagay mo ang trabaho mo ngayon? At baket?

DIEGO: BOSS CHIP, MALAMANG SIGURO NAGPARI AKO! YUN TALAGA GUSTO KO EH! TSK! NAKA PASA NA AKO SA EXAM KINAUSAP NA NGPARI MAGULANG KO PUMAYAG NA! BWISITT!! WALANG GUSTONG MAG SPONSOR SA AKIN!…..SIGURO KUNG HINDI AKO TINANGGAP NA MAGING DJ MALAMANG WALANG KWENTA TRABAHOKO! ISA AKO SA MGA NAGBUBULAKBOL SA OPISINA NAG AABANG NG PAGTUNOG NG ORASANPARA UMUWI KAAGAD!  YUN LANG BOSS!!

(Malamang wala talagang mag--i-isponsor sa pagka-pari nito. Mahirap nang masisi)


3) Kulturantado: Panonagsimula ang karera mo bilang DJ sa Yes! FM 101.1?

DIEGO: KULTURANTADO…NAGSIMULA ANG LAHATSA SKWELA …..NAGSASAMA KAMI MAHIGIT LABING DALAWA PERO HINDI AKO NAKAPASA …DYANNAG-UMPISA. NAG-AARAL PALANG AKO NAG APPLY NA AKO. HINDI TINANGGAP PERO HINDINAMAN NAWALANG NG PAG-ASA. PANGALAWANG BESES NAG APPLY ULI SA PAREHONG RADYOSTATION….SALAMAT AT HINDI NA NAMANAKO TINANGGAP ANG SABI NG IBA...PERO SA PANGATLONG BESES SA PAREHONG RADIOSTATION PARIN NAUBOS NA ATA ANG MGA MAGAGALING, KAYA NO CHOICE SILA, TINANGGAP NANILA AKO! KAYA NANINIWALA AKO SA KASABIHAN NA THERES NO HARM IN TRYING, SAMA LANGNG LOOB! DOON NA NAGSIMULA ANG UNA KONG PAG NGUYA NG MIKROPONO! AND THE REST ISHISTORY?...

(Ang gandang motivation neto para sa mga aspiring DJ's. Kaya wag sumuko sa mga pangarap. Dadating din ang panahon na mauubos ang magaling at wala silang choice kundi bigyan ka ng pagkakataon maging mas magaling dun sa magaling.)


4) Manong Guard: Nagkaronng relevant na paglubog ang local music scene/OPM scene ngayon. Ano sa opinionmo ang pinaka dahilan nito. At ano sa palagay mo ang dapat mangyare para maskagatin ulit ng mga Pilipino ang mga kanta ng local artists?

DIEGO: MANONG GUARD IDOL!! APIRR MUNA!  IDOL KO KAYO MGA P.S.G. “PULIS SA GATE” LALIM NG TANONGMO! CR MUNA AKO! ……
DITO NA AKO! WELL SIGURO DAHILNARIN SA MAHAL MAG PRODUCE NG KANTA TAPOS PIPIRATAHIN LANG….KAYA NAWALAN NA NGGANA GUMAWA PA ANG MGA LOCAL ARTIST NATIN. PANAY REVIVAL NALANG! ITO PA ISA, MASMURA MAG REVIVE NG FOREIGN SONG KUMPARA SA LOCAL! NKAKA BWISIT DI BA? BATUTAHINMO NGA SILA MANONG GUARD! SIGURO ANG DAPAT GAWIN AY KONTROLIN ANG MGA PASOSYALNA RADIO STATION NA MAGPATUGTOG NG MGA KANTA NA HINDI NAMAN NAIINTINDIHAN…MAGANDA LANG ANG TUNOG HINDI NAMAN NILA NAIINTINDIHAN…DAPAT ANG LAMAN NGPLAYLIST 80/20 - 80% TAGALOG 20% FOREIGN AT LIBRE KULAM SA MGA BIBILI NG PIRATA NA CD.

(Kaya wag nang bibile ng CD ng mga pirata,
tulad ng "Treasure Island", "Hook", at "Pirates Of The Caribbean".)

 
5) Bunso: Balita namen health buff ka. Anong mga kanta ang HINDIDAPAT pakinggan habang nagwo-workout?
DIEGO: BUNSO…HAY NAKU NAGSIMULA KASIAKONG MAGING HEALTH CONSYOS MATAPOS LUMAKI ANG PUSO KO! NAMAGA HINDI SA MARAMIAKONG MINAHAL KUNDI DAHIL WALANG DESIPLINA SA SARILI…HABA INTRO KO AH! OKHMMM…MUSIC NA HINDI DAPAT PAKINGGAN PAG NAG WOWORK OUT YUNG PANG SOUND TRACK SABOLD…GAYA NG "CARELESS WHISPER" ( HAYDEN KOH VERSION HINDI YUNG KI KRIS LAWRENCE) … IBA KASI ANG NAG PA PUMP NON! HINDI MUSSCLE ….ANG MUSIC KASI DURING WORKOUT MOTIVATION YAN EH!  DAPATPROGRESSIVE MABILIS KUNTI ANG TEMPO DOON MO SINASABAY ANG PULL AND PUSH NGBAKAL ! IWASAN MO RIN PAKINGGAN ANG MGA KANATA NI SAM MILBY, JUDY ANN SANTOS,MARIAN RIVERA PARA HINDI MAWALA SA TONO ANG WORK OUT MO.

("Sabay-sabay tayo, itaas ang kamay
Sabay-sabay tayo, ipadyak ang paa." -Marian Rivera

Pwede namang pang-exercise yang kanta ni Marian 'a. Pang exercise ng eardrums."
 
6) Boss Chip: Sinongmga babae ang sa tingin mo 'e sexy naman pero hindi pa bumabalandra sa mgapahina ng FHM?

DIEGO: BOSS CHIP, SA TOTOO LANG WALA AKOHILIG DYAN EH HINDI KO NGA ALAM KUNG SINO-SINO ANG MGA BUMALANDRA SA FHMMAGASINE NARIRINIGRINIG KO LANG SA IBA NA SI JACKIE RICE PALA ANG COVER GIRLNOONG JANUARY 2010 SI RUFFA MAE QUINTO NAMAN SA FEBRUARY 2010, IWA MOTO SAMARCH, KRISTEL MORENO SA APRIL, SI ANGEL LOCSIN SA MAY, MAXENE EIGENMANN NOONGJUNE, SAM PINTO LAST JULY, PRISCILLIA MEIRELLES LAST AUGUST, BIANCA MANALO LASTSEPTEMBER, WENDY VALDEZ AT JEF GAITAN LAST OCTOBER, EHRA AT SI MICHELLEMADRIGAL NOONG NOVEMBER, ELLEN ADARNA LAST DECEMBER AND LATELY SI CARLA HUMPRIESLAST JANUARY 2011 AT SI MISA CAMPO NAMAN LAST FEB….HINDI AKO UPDATED KASI SAMGA MENS MAGASINE..ACTUALLY MARAMI SILA EH!..SINA… PEPSI PALOMA, LALAMONTILIBANO, STELLA SUAREZ, ROSSANA ORTIZ, ALONA ALEGRE AT MARAMI PANG IBA…


 (Naks old school.)

7) Kulturantado: Anong kanta (local or foreign)ang pinaka kinaiinisan mo? At baket?

DIEGO: NAKU! NAIINIS AKO ISIPIN YUNDIKO NA MAISIP KUNG ANU YUN….HAAAYYYYY… ITO KAINIS TALAGA SA FOREIGN “ I SAW MOMMY KISSINGSTA. CLAUS” KASI PANAY KASINUNGALINGAN ANG KANTANG ITO! PINANINIWALA TAYO NGKASINUNGALINGAN… KASI BA NAMAN AYON SA LYRICS… "OH WHAT A LAUGH IT WOULD HAVEBEEN IF DADDY HAD ONLY SEEN MOMMY KISSING STA. CLAUS LAST NIGHT" SO SA TINGIN MOMATUTUWA BA YUNG DADDY NG BATA PAG NAKITA ANG ASAWA NYA NKIKIPAG HALIKAN KAYSANTA? TAPOS HUMALIK PA DAW UNDER HIS BIRD SO SNOWY WHITE!! SHIT!!! SA TAGALOGNAMAN ANG KINAIINISAN KO AY ANG KANTANG MGA KALYE GAYA NG "WATER MELON PAPAYA","LANGIT LUPA IMPYERNO", "TAGU-TAGUAN MALIWANAG ANG BWAN"…. NAIINIS AKO KASI HINDIKO ALAM KUNG SINO AT KANINO NAGGAGALING ANG MGA LYRICS NYAN PAREPAREHO NAMANTONO!!

(Mukang kung sino man ang gumawa ng mga kantang yan, yon din ang gumawa ng "Monkey monkey anabel" at "Manga manga hinog ka na ba".)

8) Manong Guard: Kungmagkakaron ka ng super power, anong power na super ang gusto mong magkaron?


DIEGO: MANONG GUARD, DAHIL SA IDOL KITA, AT SI THORGUSTO KO NA SUPERPOWER YUNG BATUTA KO GLOW IN THE DARK PARA KAHIT MADILIM KITAPARIN ANG KALABAN! NYAHAHAHAHAHA!!

 (Glow in the dark na batuta, maganda yan. Roronda ka sa mga baranggay. Tapos tatawagin kang si "Super Tanod". Dapat meron ka ding parang utility belt ni Batman, pero yung sayo utility chaleko, at bilang si Super Tanod syempre meron ka dapat Tricycle-na-walang-bubong-mobile.)

 
9) Bunso: Sa tingin mo, saan ka pinaglihi?

DIEGO: BUNSO, MALAMANG KAYHUMPTY DUMPTY! DI BA NAHULOG SI HUMPTY DUMPTY NAGKAROON NG CRACK! AYUN GANUN DINAKO MAY CRACK SA ULO AT SYEMPRE MUKHANG ITLOG DIN.


(Mukang itlog din? Itlog ng ano? Itlog ng manok? Itlog ng ostrich? 
Itlog ng Pato? O itlog ng aso?)

 
10) BossChip: Anong mga talent ang pwede mong ipagyabang bukod sapag-d-DJ?

DIEGO: BOSS CHIP, MARAMIANG HINDI MASYADO NAKAKAALAM LALO NA ANG MGA HINDI KO KAKILALA, NA MAGALINGAKONG MAG RAP! DATI AKUNG NAG RARAP SA SM PATI SA ROBINSON'S. DOON KO RINNATUTUNAN GUMAWA NG RIBBONS HABANG NAG RARAP.

 (Aba 'e isa ka palang gift rapper.)

Syempre babagsakan na natin yan ng sample.




11) Kulturantado: Anoang mas kaya mong halikan ng torrid, babaeng may panis na laway sa gilid ngbibig, o babaeng may nakalawit na kulangot sa ilong?
DIEGO: KULTURANTADO, SIGUROMAS PIPILIIN KO SANA YUNG MAY NAKALAWIT NA KULANGOT SA ILONG KUNG HINDI BASA.KUNG BASA DOON NALANG AKO SA MAY PANIS NA LAWAY SA GILID NG BIBIG. PWEDE MAGTANONG SAANG SIDE BA YUNG PANIS NA LAWAY, LEFT OR RIGHT?

 (Bale sa right side yung panis na laway sa gilid ng bibig, tapos yung kulangot na nakalawit sa left na butas ng ilong. Sorry Diego nakalimutan lang namin i-specify. At oo, basa yung kulangot, bale semi-sipon pa sya.)


12) Manong Guard: Sino o sino-sino ang mga taongnagkaron ng malaking impact sa buhay mo?
DIEGO: MANONG GUARDNAPAISIP AKO DOON AH! SYEMPRE MGA MAGULANG KO. LALO NA TATAY KO PAG NAGKAMALIAKO LAKAS NG IMPACT NUN SA AKIN. PERO MINSAN NAIILAGAN KO YUNG IMPACT!  SA NANAY KO NAMAN MEDJO HINDI MASYADOANG IMPACT KASI MORE ON PAGTATALI ANG GINAGAWA NYA SA AKIN SO MGA PASA-PASA NAKONTI PERO CARRY NAMAN!

(Kung ang dahilan daw kung baket nasasaktan tayo ng magulang natin ay para maituwid tayo,
'e mukang tuwid na tuwid 'tong si Diego."

Salamat Diego para sa mga SABAT mo sa tanong namin.
 Support Diego Bandido and get to know more about him on the following links: 


Catch Diego Bandido on Yes! fm101.1 from 6am to 9am (Sundays)
Diego Bandido and Emma Harot from 6am to 9am (Mondays to Fridays)

0 comments for this post

Post a Comment