Fly like an ipis, sting like a lamok.

By mgaepals on 02:53

Filed Under:

 Grand proof of faith on his 8th
Masigabong apir para kay Manny Pacquiao sa pang-walong division title nya!

Gano kaganda na sa laban kung saan nagmukang maliit si Pacquiao dun sya nakapagpakita ng isa sa mga pinaka dominanteng performance nya sa ring? Hindi na namen ico-compare ang laban nila kay David and Goliath dahil laspag na ang linyang yan, sa tingin namin  magandang ihambing sa lion at hybrid na lamok-ipis ang nangyaring labang Pacquiao kontra Margarito. Lion si Margarito dahil bukod sa kamuka sya ng lion, mabangis at malakas ang Meksikanong yan. At hybrid lamok-ipis si Pacquiao para kay Margarito dahil malikot, mahirap hulihin, tinatamaan pero parang ipis na matindi ang buhay at mahirap diktahin ang direksyon ng lipad. Naging moving target si Manny para kay Margarito, moving target na bumobomba ng mga kombinasyon ng sapak. Sa puntong 'to binura ni Pacquiao ang duda sa mga detractors nya na kaya nyang pagperform sa highest level kahit madami syang activities (artista, politiko, singer, etc.) na sya ang mas angat kay Mayweather, at karapat-dapat syang i-consider na isa sa top 3 (kung hindi pinaka) magaling na boksingero sa history ng boxing.

Kailangan i-acknowledge din natin ang ginawa ni Antonio Margarito sa laban. Hindi sya naging tuod, mas naging matapang sya kay Cotto dahil nakipagsabayan sya kay Manny. Walang duda naman na mas naging matapang sya kay Clottey. Sabihin na nating nagkalamat ang pangalan ni Margarito dahil sa "plaster issue" nya nung nakaraan, pero para sa mga boxing fans, tapos na yon. Para sa mga Pilipino, mas madali pa sa atin na kalimutan ang issue na yan dahil si Margarito ang tinalo ni Manny para sa (malamang hindi na magagawa ulit) historic, epic, at astig na pang-walong division title nya.


Bago natin tapusin 'to, hindi pwedeng hindi mabanggit ang magandang trabaho na ginawa ng team Pacquiao, lalo na syempre ni Freddie Roach.



Napaghandaan talaga nila ang laban na 'to. Magaling ang diskarte, sakto para sa fighting style ni Margarito. Ang galing nyo team Pacquiao, mag-group hug kayo.

Ulit, salamat sa binigay ni Pacquiao na sobrang lupit na pangyabang ng mga Pilipino SA BUONG MUNDO.


May mga nagsasabing si Manny Pacquiao daw ang Michael Jordan ng boxing. Mali. Si Michael Jordan ang Manny Pacquiao ng basketball.

picture hugot dito , dito

0 comments for this post

Post a Comment