Fame or Fortune? (follow-up pabasa)
By mgaepals on 08:03
Filed Under:
Matagal na naming nagiging diskusyon yan. Sumusulpot sa usapan, kadalasan sa inuman. Napag-usapan namin minsan na kung may sapat na kayamanan ka, pwede mong pasikatin ang sarili mo, depende nga lang yan sa sariling diskarte. Kung sikat ka naman, pwede kang yumaman sa sariling diskarte, pero minsan, liligawan ka ng iba't-ibang brand, company, o manager, at sila ang didiskarte para sa ikayayaman mo.
Mga one week ago, iniwan namin ang inside discussion naming apat para sa mga basahero ng MgaEpal.com. Dito yan.
Vote Results
Ang titolong tanong ay "Fame or Fortune"? Pinaboto ang mga tao kung ano ang pipiliin nila kung isa lang ang pwedeng mapasakanila, Kayamanan kontra Kasikatan. Sa 1,458na bomoto, kitang 83% ang para sa kayamanan, at 17% lang ang sa kasikatan. Patunay na madami ang mahilig sa pera. Normal naman yan. Kahit mayaman mahilig sa pera. May ilang bomoto din naman sa kasikatan, mga gustong mapansin. Normal din yan. Kahit mga sikat, papansin yang mga yan. May napagkaisahan na din kaming boto, pero bago namin sabihin kung sa kayamanan o kasikatan kami, himayion muna natin ang dalawang yan.
Fame (Kasikatan)
Pag sikat ka, mas madaling manligaw at mas madaming nanliligaw. De kalibre pa ang tabas ng muka ng mga magkakagusto sayo. Mas malakas ang bilib mo sa sarili kahit walang dahilan. Masyado nga lang nakaka-conscious dahil feeling mo pinapanuod ka ng lahat. Mas huhusgahan ang mga ginagawa at sinasabi mo. Pag sikat ka, pwede kang makalibre sa mga kainan, hotel, at mga producto na gustong mag-endorse sayo. Yan 'e kung sikat ka sa magandang bagay. 'E kung sikat kang kriminal? Dumidipende sa kagandahan o kapangitan ng ikinasikat mo ang mga bagay na pwede mong makuha o magawa. Ang pinaka magandang ikasikat ay kung may nagawa kang mabuting pagbabago sa malaking paraan o kung naging inspirasyon ka ng iba.
Fortune (Kayamanan)
Pag mayaman ka, mas madali din manligaw, at mas madami din ang manliligaw. De kalibre din ang muka ng mga pwede mong madagit. Minsan nga lang, nagiging basehan ang pera mo para magustuhan ka ng iba. Ang mahirap sa pagiging mayaman, hindi mo malaman kung mabait lang ba ang ibang tao sayo dahil sa pera mo. Pero kung wala kang paki-alam sa ganon, masaya maging mayaman. Mapapasaya mo din ang mga taong mahal mo. Pwede mo sila dalhin sa iba't-ibang bansa, pakainin ng masarap. Ang pinaka-maganda sa pagiging mayaman? Kaya mong ipagamot ng maayos ang mga mahal mo at ang sarili mo pag may sakit na malala. At hindi tulad ng kasikatan, ang kayamanan, kahit sa maganda o panget na paraan mo nakuha, pareho parin ang mga pwede mong gawin.
Authors' Vote
Para samin, syempre masarap maging mayaman. Wala ka nang poproblemahin sa alak at mas madaling tumulong pag mayaman ka. Pwede mo pang pagsabayin yan, magpainom ka sa mahihirap. Mas madami kaming magagawang trip kung mas madami kaming pera. Kung kaya lang sanang bumili ng respeto ng pera, paniguradong sa kayamanan na ang boto namin, kaso hindi. Madami kaming kilala na saksakan ng yaman pero hindi nirerespeto. Hindi namin sinasabing mas nirerespeto ang mga sikat, dahil depende nga yan sa ikinasikat mo. Naisip din namin na totoong may hangganan ang pagpapaligaya ng pera. Limitado ang pwede mong gawin sa pera pag matanda ka na. At lalo namang limitado ang pwede mong gawin sa pera pag patay ka na. Sa kabilang banda, hangga't may nakakaalala sayo sa magandang paraan, imortal ka. Kung papipiliin kami ng isa lang, mas gugustuhin naming (specifically) maging sikat dahil nakaapekto kami sa ibang tao sa malaking paraan. Pagbabago na maiiwan at masasaksihan ng mga susunod na henerasyon. Ang matandaan kami matapos ang ilang libong kinabukasan. Yun ang habol naming kasikatan. Yun ang gusto naming gawin. At yun ang mangyayari.
Ang boto namin, unanimous sa kasikatan. Pero gaya ng lagi naming sinasabi... Kanya-kanyang trip lang yan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post