Hold their hands.
By mgaepals on 08:02
Filed Under:
"Hold My Hand" 1990's
by: Hootie and the Blowfish
Unahin mong pakinggan ITO
Ngayon pakinggan mo 'tong single na pinagtagpi-tagping boses ni Michael Jackson, para sa bagong album nya na lalabas sa December 14.
"Hold My Hand" 2010
by: Michael Jackson and Akon
Madami ang nakapansin sa pagkakapareho ng dalawang kantang yan. Ang obvious na parehong tittle. Ang mejo pagkakapareho ng pintig ng mga note sa tenga. Ang bagsak ng chorus. Mas maganda ang kay Michael Jackson para samin, pero dahil may nauna na, may sense of "remake" pag pinakikinggan. Mga tinabas at nilapat yan galing sa mga naiwan na materials ni Michael Jackson. Matagal na daw naka-istambay ang material na yan. Buhay pa si Michael Jackson nun pero hindi nya nilabas ang finished product.
Mixed feelings ang nararamdaman namin para sa issue na yan. Ok ang mensahe at matino ang kanta, pero wala sa kalibre ng mga nakalipas na Michael Jackson songs. Dahil na din siguro hindi mismo sya ang tumapos ng kanta. May sense of nostalgia na mapakinggan ulit si Michael Jackson, pero kung hindi tinapos at nilabas ni Michael Jackson ang kanta na yan, malamang may dahilan sya kung baket. Malamang hindi sya satisfied sa resulta. Malamang napansin din nya na may katunog yan. At malamang, hindi nya inexpect na pakialaman yan ng ibang tao pag wala na sya. Mahirap talaga husgahan pag puro "malamang", pero wala na tayong choice dahil dala ni Michael Jackson sa kabilang buhay ang "kasiguraduhan".
Kung naumay ka at nagtataka kung baket hindi namin ginamit ang "MJ" at puro buong "Michael Jackson" ang ginamit namin, yan ay dahil hindi kami naging komportable sa pag-gamit ng nickname nya tungkol sa maselan na issue na 'to. Kahit papano, alam namin kung kelan sumeryoso. at may sariling paraan kami ng pagpapakita ng respeto.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post