Manny Pacquiao vs Boxing gloves ni Joshua Clottey.

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

March 14, 2010. Manny Pacquiao vs Joshua Clottey. Hindi natulog ang mga authors ng MgaEpal.com para mapaghandaan ang panunuod ng laban (hindi lang talaga makatulog dahil excited) Dumating kami sa venue kung saan kami manunuod at mukang mas konti ang gumastos para manuod ng laban na 'to kesa sa laban nya kay Cotto. Sa pagkakaalam namin ay dalawang under-card bouts na ang natapos pero pag dating namin, hindi pa naguumpisa ang palabas. E gago pala yung mga nagpa-pay per view na yun, dahil mas nauuna pa ang updates at report sa radyo. Puyat kami kaya mejo iritable ang bawat isa. Gusto lang namin matapos na ang laban at matulog na. Bwiset naman kasing mga under-card, sino bang may gustong mapanuod pa yan??? Bakit hindi nalang gawing over-card at unahin na sila Pacquiao at Clottey. O kaya pagsabay-sabayin nalang yang mga under-card. Kahit magkakaiba ng weight division pagsama-samahin nalang sila sa isang ring, parang royal rumble, at kung sino man ang pinakahuling nasa ibabaw ng ring, yun na ang panalo. Pwede ding gawin nalang nila na isang round lang pag under-card bout. Nabored kami kaya pinagpustahan nalang namin ang mga under-card na laban, kahit sampu-sampung piso lang at kahit alam naman namin na walang magbabayad kahit matalo.

Manny Pacquiao 2 hands, Manny Pacquiao 2 handed, Manny Pacquiao two hands, Manny Pacquiao two handed punch, Manny Pacquiao vs Joshua Clottey, Pacquiao two handed punch
Nung nagsimula na ang laban ni Manny Pacquiao at Joshua Clottey, umingay ang paligid, tumigil ang mga waiter sa pagkuha ng order, tumigil sa paghithit ng yosi ang mga naninigarilyo, nagising ang mga nakatulog, at sinigawan ng mga tao ang batang maingay. Sinimulan ni Clotty ang laban ng nakatago sa likod ng mga gloves nya. At tulad ng mga nakaraan na nakalaban ni ManPac nagpasuntok si Clotty at inantay na mapagod ang pambansang asawa ni Jinky. Pero tulad din ng nakaraan, kahit umabot ng 12 rounds, hindi bumagal ang mga sapak ng pambansang anak ni aling Dionisia. At dahil ayaw lumaban ni Clottey, nagkaroon ng punto na mukang nabored ang pambansang guest ni Jimmy Kimmel, at pinaglaruan ang kalaban. Binigyan ni ManPac ng "FPJ pompyang" si Clottey at nagulat ito dahil hindi sya sanay na dalawang gloves ang sabay na tumatama sakanya. Kung alam lang namin na mas madalas pa naming makikita ang gloves ni Clottey kesa sa muka nya, sana sa TV nalang kami nanuod. At kung alam lang namin na late din pala ang palabas sa pay per view, sana nag-antay nalang kami ng DVD sa Quiapo.

Pero dahil nanalo ang pambansang all-around entertainer ng Pilipinas... Apir at Mabuhay ka ManPac.

0 comments for this post

Post a Comment