May mga taong nakikinig ng Rock na ayaw sa mga taong Hiphop. May mga hiphop na ayaw sa Emo. May mga Emo na ayaw sa Pop. May mga moralistang ayaw sa Rock. Ang punto dito 'e masyadong ginagawang grupo ang pakikinig ng musika. Karamihan ng tao ay lalaitin ang kanta kapag hindi yun ang klase ng tugtugan na gusto nya. Makinig ka, sige sabihin mo na hindi mo gusto yung kanta. Pero wag mong huhusgahan ang tao base sa gusto nyang klase ng musika. Kung Rock ka makinig ka ng rock, pero kung lalaitin mo ang Hiphop, dumi ka sa singit! Kung Hiphop ka, makinig ka ng hiphop pero wag kang mang-gulpi ng Emo dahil kababawan ng utak yan. Kung Emo ka, wag kang maangasan sa mga Rock na tao. Kung Rock ka, wag kang maangas sa mga Emo kahit magnet talaga sila ng mura. Pabayaan na lang. Kanya-kanyang trip yan. Ok lang pagtawanan paminsanminsan ang iba, wag lang magkaroon ng galit. Pakinggan ang lyrics at wag lang tingnan kung sino ang kumanta. Matuto makisama at wag kang "trying hard maging feeling cool wannabe". Tandaan mo na hindi mo kailangan magustuhan ang lahat ng klase ng musika, wag ka lang masyadong apektado ng hindi tanggap ng tenga mo. Wag mong laitin ang ibang klase ng tugtog kung ignorante ka sa pinagmulan ng genre na yun. Bigyan mo ng pagkakataon ang lahat ng klase ng tugtugan... pwera lang techno. Tarantado talaga ang nagimbento nun.
0 comments for this post