Wag mo nang basahin ito...

By mgaepals on 09:03

Filed Under:

Magsasayang ka lang ng oras kung itutuloy mong basahin ito. Kung nasimulan mo nang basahin ang unang sentence, ok lang, pwede ka pang huminto. Wag mong sayangin ang oras mo. Maniwala ka, wala kang mapapala kung itutuloy mo ang pagbasa. Alam nyong lahat na matrip kami, pero ngayon, seryoso kami sa sinasabi namin na wag mo nang basahin ito kung ayaw mong manghinayang sa oras mo. Kung nagbabasa ka parin, aba e matigas talaga ang ulo mo. Sinabi na ngang walang kwenta ito kaya yung susunod nalang ang basahin mo. Ayaw mo talagang huminto no? Talagang pinanindigan mo ang pagbabasa nito. Pasalamat ka at may awa kami kaya tatapusin na namin ito dahil alam naming madami parin sainyo ang matigas ang ulo at nagbasa nito kahit na sa umpisa pa lang, sinabi na naming wag mo nang basahin ito.


Approximately 1 minute and 3 seconds ang sinayang mong oras. Congratulations, matigas talaga ang ulo mo.

0 comments for this post

Post a Comment