Investment

By mgaepals on 08:01

Filed Under:

Gusto mong mang-chicks kaya lang wala kang pang gastos? Marami ang may ganyang problema. Madami din ang gusto ng mamahaling bagay pero hindi sapat ang sweldo nila para sa ganung gastusin. Sinasabi ng karamihan na ang edukasyon ang pinakamahalagang investment sa buhay. Pero sa panahon ngayon lumalabas na "It's not WHAT you know, it's WHO you know." Nagiging palakasan ng "kapit", o kaya paramihan ng koneksyon ang labanan. Kaya nakakalungkot man isipin, madami ang hindi na umaasa sa investment nila sa edukasyon. Nag iinvest nalang ang iba sa lupa, paupahan na bahay, o kaya negosyo. Pero malaking halaga ang kailangang ilabas para sa mga ganong klase ng investments. Kaya mapapaisip ka minsan; Wala ba talagang investment na kahit maliit lang na halaga, pwede kang kumita ng sapat para mamuhay ng marangya? Meron. May mga tao na kumita ng malaking halaga ng pera dahil nung bata pa sila naging maingat sila sa laruan nila. Sa pagtanda nila, naging novelty/collector's items ang mga laruan na yun at nabenta nila ng mahal. May "Matchbox" (laruang kotse) na nabili lang sa halagang 30 pesos noong 1966, at makalipas ang 44 years, naibenta ito ng 414,000 pesos. Kaya kung meron ka ngayong laruang "Transformers", "G.I. Joe". "X-Men" o kaya "Ben 10", ingatan mo yang mga yan at mag antay ka lang ng 44 years. Oras at tiyaga ang magiging puhunan mo. Kung 21 years old ka ngayon, pag dating mo ng 65 years old, pwede ka nang mang-chicks.


0 comments for this post

Post a Comment