Maraming studyante ang tutol sa pagdagdag ng Spanish subject sa school.
By mgaepals on 09:04
Filed Under:
Naiintindihan namin ang kabwisitan ng mga studyante dahil dagdag na pahirap na naman yan sa utak. Kung hirap na hirap na nga ang iba sa English subject, magdadagdag pa ng mas mahirap pag-aralan ngayon? Malamang 'e mas mababadtrip pa ang mga chinese schools dahil nag-aaral na sila ng English, may Chinese pa, tapos baka madagdagan pa ng Spanish?
Pero mukang may madadalang buti naman itong plano ng Department of Education na maglagay ng Spanish subjects, dahil magbubukas ito ng pinto para sa iba na makapagtrabaho sa mga Spanish speaking countries. Baka pwede ding makahatak ng Spanish call centers ang Pilipinas pag dating ng araw. Mapapanuod na natin ang mga Spanish channels sa cable. Maiintindihan na natin ang mga pinagsasasabi sa corner ng mga nakakalaban natin sa boxing na Spanish speaking. At mas feel mo nang kainin ang spanish bread.
Pagkatapos nating ipaglaban ang higit sa tatlong daang taon ng pang-aalipin ng Kastila, tayo na ngayon ang kusang magpapaalipin. Pu*ang *na talaga.
0 comments for this post