Panahon ni Haring Araw.
By mgaepals on 07:55
Filed Under:
Madami ang natutuwa kapag summer. Ang mga estudyante ang pinaka masaya sa summer dahil bakasyon na. Pagkakataon na naman mag-outing at may malalagay na naman kayong mga pangyabang na picture sa Facebook (Pakiusap: paki iwasan mag peace sign pag nagpapapicture ngayong summer) Para sa mga magulang naman, ang summer ay sakit sa ulo. Tumataas ang electric bill dahil mas matagal mag-internet ang mga anak nyo habang nakabukas pa ang TV (naka-aircon pa ang kapal ng muka) pero pabayaan nyo na ang mga anak nyo na enjoying ang summer. Wag ka nang kontrabida sa dalawang buwan ng kalayaan nila sa mga exams at assignment. At payagan mo na din ang mga anak mo kung gusto nilang magbeach dahil sayang naman ang mga nilaklak nilang L-carnitine para lang madisplay ang mga katawan nila sa Pwerto Galera .
May mga hindi din masaya ngayong summer. Anjan ang mga hindi umabot sa kapayatan at ngayon ay kailangan nilang magswimming ng naka t-shirt. Anjan din ang mga may summer classes na sinisisi ang mga teachers nila kung bakit sila binagsak, pero hindi naman talaga nakinig sa lesson at hindi pa minsan nagpapasa ng test paper dahil wala namang laman ang papel nila kundi pangalan at section. Pero wag kayong mag-alala mahaba ang summer. May matitirang mga 2 weeks jan na wala nang summer classes. At yung mga hindi umabos sa kapayatan para sa summer, look at the bright side... pwede mo nang itigil ang diet mo, dahil may isang taon ka na naman para paghandaan ang susunod na summer vacation.
0 comments for this post