Alam mo ba na matatalino yang mga baboy? Sinasabi ng mga scientists na kasing talino ng mga baboy ang mga aso. Pero kinakain natin ang baboy habang ang mga aso ay tinuturing na alaga. Bukod sa matalino, malinis din sa tirahan ang mga baboy. Dumudumi lang sila sa isang sulok ng koral nila at ayaw nilang dumihan ang ibang parte ng kulungan. Kung may choice lang ang mga baboy ay mas gugustuhin nilang maging malinis kesa mabalot ng putik, at kaya lang nila kailangan magtampisaw sa putik ay para malamigan dahil wala silang sweat kaya hi. Hindi sila pinapawisan kaya hindi sila mabilis bumaho.
Madaling turuan ang baboy... May mga tao na kahit tinuruan na, magmamatigas pa.
Gusto ng baboy na malinis... Ang tao, nagkakalat kung saan-saan.
Hindi pinapawisan ang baboy... Ang tao, minsan kakatapos lang maligo, pinapawisan na habang nagbibihis.
Kinakain ang baboy... kadiri kainin ang tao.
Pero madalas pag may kadiri o malaswa, ang sinasabi mong panlait ay
"Ang baboy-baboy mo," Hindi ba dapat... "Ang tao-tao mo." ?
0 comments for this post