Ask The Authors

By mgaepals on 09:01

Filed Under:

Tanong sa Tip Box: Napanood nyo ba yun coverage ng NBA finals sa ABS-CBN? Eto matagal ko nang napapansin, pag kino-cover nila NBA, nagtatagalog sila, kapag PBA naman, todo sila kung maka-english, kaya pangit na manood ng PBA, wala na yung mga katagang "Patay ang butiki!" "Natutulog sa pansitan." atbp.

MgaEpal.com Authors: Naisip din namin yan noon. Medyo nakaka-irita nga ang irony na yan. Pero kung titingnan natin sa "business side" ng mga networks, dinidiskartehan lang nila ang viewership.

May english coverage na pwedeng mapanood yung mga naka-upgrade ng cable nila sa BTV at NBA channel.. Kung english din ang gagawing NBA Finals coverage ng ABS-CBN, hindi sila nagbibigay ng alternative option non. Isa pa, sa ABS-CBN nakatutok yung mga hindi upgraded ang cable o walang cable. Masa yon, at syempre pag masa, tagalog.

Sa PBA naman ngayon, yung mga producto, services, at establishments na lumalabas sa commercials nila, halos puro para sa middle class hanggang sa sosyal. Automatic na sa masa na manood ng PBA, kaya ang gustong hatakin ng PBA, yung mga medyo nasa upper class naman, para madagdagan ang viewership. Pero agree kami na nakaka-miss marinig yung mga hirit na "Patay ang butiki!" at "Natulog sa pansitan.". Kaya gusto sana naming i-suggest sa PBA ngayon na kung pwede, 'e gamitin parin nila yang mga hirit na yan... kahit in english.

"The lizard is dead!"


0 comments for this post

Post a Comment