Hi, my name is...

By mgaepals on 09:00

Filed Under:

Last month, pinasa ni Cyiell sa Tip Box ang balita na may mag-asawa sa Jerusalem na pinangalanan ang anak nila ng "Like". Nakuha daw nung mag-asawa ang inspirasyon para sa pangalan ng anak nila sa Facebook.

Hindi namin pinansin ang balita na yan non dahil kung tutuusin madami namang taong mas malabo pa ang pangalan. Tulad ng "Goldenpalacedotcom Silverman", na binayaran nung casino ang mga magulang para binyagan nila ng ganyang pangalan ang anak nila. Meron ding pinangalanan ng "Metalica", dahil idol ng tatay nung bata yung bandang... well hulaan mo kung anong band sige. Syempre nandyan si "Joker Arroyo". Hindi namin alam kung baket yan ang pangalan nya, dahil sa totoo lang hindi sya nakakatawa... pwera na lang kung titingnan mo sya. May mag-asawa din na pinangalan ang anak nila ng "Brfxxccxxmnpcccclllmmnprxvclmnckssqlbb11116". Ginawa yan ng mga magulang ng bata dahil gusto nila iprotesta ang batas sa Sweden na nagsasabing bawal mo bigyan ng kalokohang pangalan ang anak mo. At nandyan din ang pangalang "Froilan". Wala, nalalabuan lang talaga kami sa pangalang Froilan.


Pero kung ibabase mo sa Facebook ang magiging pangalan ng anak mo, pumili ka na ng iba kesa sa "Like". Baket hindi na lang "Share". Maaliwalas at mukang mapagbigay.

 "Hi I'm Share, would you like some pie?"

O kaya "Friend". Para warm and friendly.

"Hello. My name is Friend. How do you do?"

At dahil Facebook ang inspirasyon, baket hindi na lang "Wall". Matibay, matatag at masasandalan.

"Hey there, I'm Wall. If there's anything you need, just let me know."

Pwede ding "Poke". Simple at cute.

 "Hi I'm Poke. Please come in."

Hmmm... kung sa Pilipinas wag na lang siguro "Poke". Alam naman natin kung pano bibigkasin yan ng iba.

  "Hi I'm Poke, Please come in."

Wala hindi talaga pwede sa Pilipinas.

0 comments for this post

Post a Comment