Ask The Authors: The Spratly Situation

By mgaepals on 06:50

Filed Under:

Tanong galing kay Ronald:

Ahh hello po sirs, ano po masasabi nyo ngayon sa tension duon sa Spratly? Dapat ba nating ipaglaban ang ating water territories "peacefully", kahit alam nating na ang China ay gagamit ng "Force" para sa tinatawag nilang negotiating "Peacefully".. or lalabanan natin sila at gagamit din ng Force gamit ang World war II Destroyer Class Ship Rajah Humabon na sabi nga po ni Senate President Juan Ponce Enrile, "one Torpedo can sink our Destroyer.." .. ano po mga masasabi nyo dito sa panibagong issue sa Pinas?


MgaEpal.com authors:

Oo dapat nating ipaglaban ang water territories natin, peacefully man o hinde. Dyan mag-uumpisa yan 'e, ang pangbu-bully. Pag binitawan natin ang laban dyan, lalo tayong magmumukang "saling pusa ng mundo". Umapila na ang aapila pero alam nating lahat na hindi tayo siniseryoso ng ibang bansa. Ang daming gago satin 'e. Pero hindi yun yung point. Ang punto dito, may karapatan tayo, kaya tayo dapat pumalag. Basta wag lang tayong bibitaw sa agawan ng basta-basta dahil magmumuka tayong takot. Sabihin na nating totoong mahina ang sandatahan natin dahil kinulimbat ng kung sino-sino sa AFP ang budget, pero wag naman nating ipahalatang bulok ang depensa at opensa natin. Isipin mo, hindi lang naman China ang pumapapel sa Spratlys, nandyan ang Vietnam, Brunei, Taiwan, at Malaysia. Pag umurong tayo, hindi lang tayo magmumukang umurong sa China, magmumukang yumuko tayo sa lahat ng bansang yan.

Sa totoo lang, hindi importante ang opinion namin dito, o opinion ng kahit sino. Sa tingin namin hindi mapupunta sa atin ang Spratly Islands. Baket? Hindi dahil takot tayo lumaban. Hindi dahil aagawin sya ng sapilitan... Hindi mapupunta sa atin ang Spratly Islands dahil bibilihin ang rights para dito. May isang bansang mag-aalok na bilihin ang "share" ng ibang bansa sa Spratlys, at dito sa Pilipinas, dadating ang panahon na papayag ang gobyerno na ibenta ang "rights" natin. Kutob lang yan, pero hindi malayong mangyare. Malay mo.

Sa tingin namin, kung ang nag-aagawan sa Spratly Islands ay Philippines at China lang , mas madaling mareresolba ang issue. Pwedeng sa atin na lang yung Spratly Islands, tapos sabihin natin sa China na gumawa na lang sila ng fake na Spratly. Magaling naman silang gumawa ng peke 'e.


0 comments for this post

Post a Comment