Susmaryosep!

By mgaepals on 09:02

Filed Under:

Alam ng karamihan ang pinagmulan ng expression na "susmaryosep!" Pero para sa mga kawawang hindi alam at hindi man lang nagtaka kung saan hugot yan, galing yan sa Hesus, Maria, at Joseph o collectively known as the "The Holy Family".


Madalas maririnig mo yang "susmaryosep" sa mga may edad na. Lalo na pag nagulat o na-shock sila. Yan ang version nila ng "OMG!"

Kung shortcut ng Hesus, Maria, at Joseph ang susmaryosep, pwede din bang gamitin ang expression na "Holy family!"? as an expression?


Halimbawa:
1) "Holy family kang bata ka, akala ko kung ano nang nangyare sayo. San ka ba nagpupupunta?"

2) "Holy family! Nagulat naman ako sayo. Ano bang ginagawa mo dyan sa taas ng puno?!"

Alam mo ba na ang pangalan ng Vice President natin ngayon ay hugot din sa holy family. Sige isipin mo... Jejomar Binay. Je = Jesus, Jo = Joseph, at Mar = Mary (Naks may pangbida ka na naman sa mga kaklase mo.)


So kung susmaryosep = holy family
at Jejomar = holy family din,
pwede din bang substitute sa susmaryosep ang Jejomar?

"Jejomar kang bata ka! Baket nakahubad ka na naman?!"

boyscout hugot dito

0 comments for this post

Post a Comment