"Edukado"
By mgaepals on 13:50
Filed Under:
Ang scenario: Nasa photo shoot si Gretchen Barretto. Nagkaron ng oras ang press para magtanong kay Gretchen tungkol sa kung ano-ano. Nabanggit ni Gretchen na balak nyang bumalik sa pag-aaral. Dun na nagsimula ang drama.
May isang taga press na nag-point out na yung anak daw ni Gretchen college na, at sya hanggang 3rd year high school lang ang tinapos. Ang naging reaction ni Gretchen? Eto...
"That's very intrusive. Why emphasize that? ... Kakulangan ko ba 'yon bilang tao? Humaharap naman ako ng maayos sa inyo so why grill me on that? I think we should stop this interview. Nakakapikon na!,"
Hindi ito kuha sa pinag-uusapang photo shoot.
May mga nagsasabing naging insensitive daw yung taga press na nagbanggit non. Nakaka-offend naman daw talaga yon. BAKET?!
Baket nakaka-offend yon? Pano naging sensitive matter ang level of education mo kung successful ka naman? Kung hirap ka sa buhay, at wala ka pang na-a-achieve, pwede siguro, pwedeng kang mainsulto kung ipamumuka sayo na hindi ka nagtapos ng high school. Pero kung Gretchen Barretto ka na. Kilala ka na ng madaming tao, at alam nila ang mga nagawa mo at naabot mo sa buhay, hindi ka dapat magalit kung maungkat na 3rd year high school lang ang tinapos mo. Dapat nga proud ka 'e. Pagkakataon nya na yon para maging inspirasyon sa mga hindi swinerteng makatapos ng pag-aaral, lalo na sa mga mababa ang level of education.
Dapat inangkin nya ang fact na yon at pinagmalaki na, oo 3rd year lang ang tinapos nya kaya naniniwala sya na kung gusto maging successful ng isang tao hindi dapat maging hadlang ang hindi pag-graduate kung may pagkukusang matuto sa sariling sikap. At kaya nya gustong ipagpatuloy ang pag-aaral nya dahil kahit may mga naituro na sya sa sarili nya, gusto pa nyang matuto ng ibang bagay. Pero hindi 'e. Nainis pa sya.
Isipin mo 'to; Baket maiinis ang isang tao sa bagay na pinangtukoy sa kanya?
Dahil panget o mababa ang tingin nya sa bagay na yon.
Dahil panget o mababa ang tingin nya sa bagay na yon.
Hindi namin sinasabing hindi kailangang mag-tapos ng pag-aaral. Alam naming sobrang importante ang edukasyon. Ang gusto lang naming ipunto dito, wag mong gawing batayan ng respeto sa iba, at RESPETO PARA SA SARILI MO ang taas o baba ng pinag-aralan. Gawin mong basehan ang mga nagawa, at mga ginagawa.
Eto panorin mo.
Para sa mga masyadong "edukado"...
Para sa mga masyadong "edukado"...
Parang ganito lang yan...
Huhusgahan mo ba ang kakayahan ng iskultor base sa kagamitan nya,
o base sa mga hinubog nya?
image hugot dito
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments for this post