Sana magsama na nga lang ang Slipknot.at si Justin Bieber sa iisang banda.
Mas Epal: Yun! Buti na lang dumating ka na. Kanina pako nagdo-doorbell, umalis ka pala.
Epal: Baket ba?
Mas Epal: Makiki-text sana ako, wala akong load 'e.
Epal: Gago lagi ka namang walang load 'e!
Mas Epal: Sige na please. Importante lang.
Epal: 'O eto! Sino bang ite-text mo
Mas Epal: Ermat ko. Nag-grocery kasi sila ni utol. Papabili lang ako ng load kay ermat.
Epal: Kapal ng muka mo, ang tanda mo na magpapalibre ka pa ng load? 'O bilisan mo magtext, natatae nako.
Mas Epal: Tang*na naman kasing iPhone 'to. Pano ba magtext dito?
Epal: Akin na nga! Anong number ng ermat mo?
Mas Epal: 091698488**
Epal: Anong sasabihin ko?
Mas Epal: Sabihin mo... "Mama, paki bilihan naman ako ng load. Bayaran na lang kita pag nagkapera ako."
Epal: Lagay ko pa ba pangalan mo?
Mas Epal: Wag na, alam na nyang ako yan.
Epal: Send ko na 'to ha.
Mas Epal: Sige... Ay teka! Paki sabi na din na naiwan nya yung cellphone nya, kunin na lang nya mamaya saken pag uwi nya.
Epal: Oist! Suntukin mo ilong mo.
Mas Epal: Baket?
Epal: Suntukin mo ilong mo!!!
Mas Epal: Bakeeet???
Baldo: Baket?
Mameng: Sino ba yang bisita ng anak natin?
Baldo: Ewan, nakilala daw nya sa chat. Binisita daw sya 'e. Taga Australia yata.
Mameng: Ano bang salita sa Australia?
Baldo: Edi Australian.
Mameng: Marunong ka ba non?
Baldo: Oo naman! Parang English lang yon.
Mameng: Hayup ka, hindi ka naman marunong mag-english 'e!
Baldo: Hoy Mameng, masyado mo 'kong minamaliit 'a!
Mameng: Sige nga, paalisin mo nga yang bisita ng anak mo. Hindi ko makausap, hindi ako marunong mag-Australian 'e.
Baldo: Baket mo naman paaalisin?
Mameng: 'E kanina pa nasa may mesa yan, kain nang kain.
Baldo: 'E ano naman gusto mong gawin ko???
Mameng: Sabihin mo sakanya 'to... "Kain ka nang kain! Walang hiya ka! Feeling mo bahay mo 'to!"... pero i-translate mo sa Australian ha.
Baldo: Yun lang pala 'e. Teka... Hey mate! Eat all you can! Don't be shy! Feel at home!
Nabasa lang namin ang balita na may napagtripan na batang 6 years old sa "Willing Willie". Maliit na bagay lang diba? Yun ang akala namin. Ok lang naman pagtripan ang bata kung inosente ang trip. Tamang timpla at tanchado para sa viewers. Akala namin over reacting lang ang mga tao sa napanuod nila, pero nung nakita namin ang video, ang laking kagaguhan nga ng nangyare sa show.
Eto ang nangyare...
-Pinasayaw yung bata as talent nya dahil may tarantadong nagpauso na dapat magpakita ng talent ang mga contestant sa game shows.
-Umiiyak na yung bata bago pa sya pinasayaw.
-Nagtuloy tuloy ang iyak nya, pero nung una mukang wala namang kinalaman sa ginagawa nya yung pag-iyak nya.
-Pinaulit-ulit sa kanya yung sayaw. Hindi normal na sayaw 'to, pang-macho dancer na sayaw.
-Hanggang mag-commercial, pinapasayaw yung bata.
Oo naging gago si Willie, pero normal na nya yun 'e. Hindi namin sinasabing hindi mali ang ginawa nya. Ang gusto sana naming sabihin 'e hindi lang si Willie ang naging gago. Yung tatay at tita nung bata na nagturo daw sakanya nung sayaw GAGO. Yung direktor ng show GAGO. Yung mga audience na natuwa habang nangyayare yon SOBRANG GAGO.
Wala ka nang magagawa, si Willie yan 'e. Hindi na magbabago yan. Mukang hindi naman nag-iisip yun bago magsalita o gumawa ng isang bagay 'e. Alam yun ng TV5. Alam nilang loose cannon si Willie, at kung gusto nilang protektahan ang investment nila, dapat binantayan nila yung show. Dapat kumuha sila ng taga timpla kung ok pa o sobra na ang nangyayare sa show. Siguradong hindi pa yan ang katapusan nyan. Abangan na lang natin kung pano palilipasin ang issue na 'to.
pero hindi namin alam kung baket mas bagay talaga sa kanya pag muka syang madungis.
Actually sa lahat ng members ng Black Eyed Peas, sa kanya lang bumagay magmukang hindi naliligo.
Contestant #3: Matanda.
Mas Epal: 'O, dyan ka pala. Tulungan mo nga ako.
Epal: Baket may dala kang mga bote?
Mas Epal: Papa-refill ko dun sa kanto. Nawalan na naman ng tubig 'e.
Epal: Baket sa kanto pa? Meron namang water refilling station sa tapat ng bahay nyo 'a.
Mas Epal: Ayoko don!
Epal: Baket?
Mas Epal: 24 hours refilling station daw sila 'e.
Epal: Anong masama sa 24 hours refilling station???
Mas Epal: Gago ka ba? Baket ako maghihintay ng 24 hours 'e yung dun sa may kanto 5 minutes lang tapos na.
Epal: Simula ngayon pag gusto kong malasing hindi nako iinom ng alak, makikipag-usap na lang ako sayo ha. Tang*nang utak talaga yan.
Yung pwede kang magbabayad para magmasahe ng sexing babae.
Hindi naman sexist ang mga lalake. Obserbasyon lang yan. Pwedeng komontra ang iba, pero in reality, society ang gumagawa talaga nyan, nagkataong pinuna lang namin. Pero kung makitid ang utak mo, wala na kaming magagawa.
Ganyan din naman ang mga babae, kung puro panget ang naglalaro sa PBA, manonood ba sila? Subukan mong tanungin kung sinong PBA o NBA player ang idol nila, ipupusta namin ang kaliwang itlog namen, mga poging ang isasagot ng mga yan. Kahit hindi magaling basta "gwapo", "cute", o "pogi" idol na nila yan. Ayaw mo paring maniwala? Sige eto... Sa tingin mo ba may lalakeng idol sa basketball si Chris Tiu?
Salamat sa blessings na patuloy mong pinagkakaloob samen. Salamat sa magandang unang tatlong buwan ng 2011. Salamat sa dami ng taong napapadpad dito sa MgaEpal.com. At maraming salamat dahil hindi na uso ang Jonas Brothers. Tunay kang mapagpala Lord. Salamat.
Amen.
Papa: Ah hindi naman. Baket anak?
Dianne: Ano kasi 'e... may homework ako...
Papa: Anak, napag-usapan na natin noon 'to. Pagdating sa homework mo, pabayaan na lang nating mama mo ang tumulong sayo.
Dianne: 'E masakit daw ulo ni mama, sabi ko magpahinga na lang sya.
Papa: Sige-sige, para makapagpahinga nga naman ang mama mo. Basta wag math, at hindi din science. Alam na nating wala akong talent sa mga yon.
Dianne: World Hinstory 'to.
Papa: 'Ah eh ba't hindi mo sinabi agad?! Magaling ako sa History 'e!
Dianne: Ok sige game... Kailan naganap ang World War One?
Papa: Bago naganap ang World War Two.
Dianne: Sino si Joan of Arc?
Papa: Asawa ni Noah.
Dianne: Sino-sino ang mga mambers ng United Nations?
Papa: Mga nations na united.
Dianne: Last question. Baket ginawa ng mga Chinese ang Great Wall of China?
Papa: Para may maihian ang libo-libo nilang mandirigma.
Dianne: Thank you papa ha.
Papa: Sinulat mo ba yung mga sagot?
Dianne: Hinde.
Papa: Good. Mangopya ka na lang bukas, pumasok ka ng maaga.
Madami ang negative ang reaction sa reboot version ng costume. May mga nagsasabi na dapat may stars. Yung iba, dapat daw pula yung sapatos. At syempre, umaangal yung mga lalake na baket daw hindi kita yung legs? Mas gusto daw ng kalalakihan yung original dahil naka swimming trunks lang si Wonder Woman.
Kung kami ang tatanungin, may point talaga yung mga umaapila (Lalo na sa parte na baket hindi kita yung legs?) Pero ok na din dahil kahit anong costume na kita ang cleavage ayos na. Acceptable pero ang daming bagay na pwedeng gawin to improve ang costume na yan. Si Wonder Woman naman sya, sana wonder bra lang yung pangtaas nya. Sa pangbaba naman sana palda na lang na maiksi, o kaya shorts, yung may bulsa para may extra syang lalagyan ng gamit. Kung ayaw nila ng shorts na may bulsa, kahit bulsa lang wala nang shorts. O kaya ganito na lang, tutal may invisible plane naman si Wonder Woman, dapat invisible costume na lang din, para terno.
wonder picture hugot dito
WickedMouth.com
Masayahin ang author ng blog na 'to. Malabong tao pero may sundot ng kalaliman sa pag-iisip. Minsan may mga pabasa sya na halatang tumatakbo ang kwento sa pagkakaron ng hasel sa buhay pero nakakapagsingit parin sya ng mga hirit na nagpapagaan ng tunay na timbang ng kabadtripan nya sa isang bagay. Pero hindi naman puro kabadtripan ang laman ng blog na 'to, karamihan nga ay mga komedi ng totoong buhay. Personal ang blog at compelling ang mga pabasa. Sa mga post nya, mararamdaman mong hindi normal ang takbo ng utak nung nagsulat, at ilan lang yan sa mga rason kung baket dapat mong bisitahin ang mga iniire ng keyboard ni Glenn a.k.a. "Glentot"
IAmALivingSaint.blogspot.com (Pluma Ni Jepoy)
Sino?
Edi si Justin biebeer
Sinong JB ang payat?
Sino?
Edi si Justhin Bieber
Sinong JB ang mahilig sa honey?
Sino?
Edi si Justin Beeber
Sinong JB ang hair stylist?
Sino?
Edi si Justin Barber
Sinong JB ang laging may sakit?
Sino?
Edi si Justin Fever
Sinong JB ang kambal?
Sino?
Edi si Justwin Bieber.
Sinong JB ang boses k*ki, mukang baby na giraffe, at hindi mo malaman kung babae o lalake?
Sino?
Gago edi si Justin Bieber
( Nakakatakot nga namang taasan ang renta ng isang "Bandido".)
2) Boss Chip: Kunghindi ka naging Radio DJ, ano sa palagay mo ang trabaho mo ngayon? At baket?
4) Manong Guard: Nagkaronng relevant na paglubog ang local music scene/OPM scene ngayon. Ano sa opinionmo ang pinaka dahilan nito. At ano sa palagay mo ang dapat mangyare para maskagatin ulit ng mga Pilipino ang mga kanta ng local artists?
(Naks old school.)
(Mukang kung sino man ang gumawa ng mga kantang yan, yon din ang gumawa ng "Monkey monkey anabel" at "Manga manga hinog ka na ba".)
(Glow in the dark na batuta, maganda yan. Roronda ka sa mga baranggay. Tapos tatawagin kang si "Super Tanod". Dapat meron ka ding parang utility belt ni Batman, pero yung sayo utility chaleko, at bilang si Super Tanod syempre meron ka dapat Tricycle-na-walang-bubong-mobile.)
(Mukang itlog din? Itlog ng ano? Itlog ng manok? Itlog ng ostrich?
(Aba 'e isa ka palang gift rapper.)
12) Manong Guard: Sino o sino-sino ang mga taongnagkaron ng malaking impact sa buhay mo?
Diego Bandido and Emma Harot from 6am to 9am (Mondays to Fridays)
"Crash!"
May lalakeng bumasag sa salamin ng bintana at pumasok sa kwarto nila. Gulat ang mag-asawa at hindi makakilos sa takot. Hinablot ng lalake si Ridrigo, pinaupo sa sahig at tinali ang paa't kamay. Pagkatapos ay tinali naman sa kama si Selma habang nakadikit ang muka nya sa leeg ng babae. Matapos itali si Selma, biglang bumangon ang lalake, at pumunta sa kubeta.
Rodrigo: Selma...
Selma: Rodrigo...
Rodrigo: Wag kang maingay. Nakita ko yung suot nung lalake, takas sa bilibid yun. Napansin kong matagal nyang ninamnam ang leeg mo. Mukang matagal nang hindi nakakatikim ng babae yon kaya sobrang hayok sayo. Sundin na lang natin lahat ng ipagawa nya, dalikado pag nagalit yon baka patayin pa tayo. Tibayan mo ang loob mo Selma. I love you.
Selma: Oo Rodrigo. Kaso hindi nya ninanamnam yung leeg ko kanina. May binubulong lang sya. Type ka daw nya, tinatanong nya kung may lotion ba tayo. Sabi ko nasa CR. Tibayan mo ang loob mo Rodrigo. I love you too.
Diskarte:
- Maghanap ng store na may landline.
- Magpanggap na bibili.
- Maghanap ng bagay na wala sila.
- Itanong sa kahera kung meron ba sila nung bagay na alam mong wala sila.
- Pagkatapos nyang sabihin na wala. Magpanggap na na-disappoint ka.
- Magpanggap na kumakapkap ka sa bulsa o bag mo para hanapin ang cellphone mo.
- Magtanong sa kahera kung pwede makigamit ng landline. Sabihin mong hindi mo nadala ang cellphone mo at kailangan mong itawag sa inyo na wala sila nung kunyaring pinapabili sayo, at itatanong mo kung ok lang na bumili ka ng ibang brand.
- Pag natawagan mo na kung sino man ang kailangan mong tawagan, wag kang magpahalata sa kahera.
- Bigyan ng clue ang kausap mo kung ano ang gusto mong gawin nya.
Magdasal ka na lang na hindi bobo ang kausap mo at sundin nya ang kung ano man ang pinapagawa mo.
Nitong nakaraan lang, ginawa ni "Bunso" ang diskarteng yan. Kailangan nyang tawagan ang babae nya para buksan ang gate. Hindi sya pwedeng mag-doorbell dahil baka magising ang mga parents nung babae, kaso nakalimutan nyang magpa load at walang loading station na malapit. Pumasok sya sa isang liquor store at nagpanggap na bibili ng alak. Natawagan nya ang babae nya at napabuksan nya ang gate. "Happy ending" syempre.
Yan ang diskarte.
Baket?
Dahil kamuka ni KC si Gabby.
Dixie: May driver ka naman 'a.
Aliya: Sus! Ayoko na don! Slow yung utak 'e!
Dixie: Grabe ka naman magsalita mare.
Aliya: Kanina tinawagan ko sa cellphone yung driver, magpapasundo na dapat ako. Hindi daw sya maka-alis kasi na-lock yung pinto ng kotche, hindi daw nya makuha yung susi.
Dixie: Hindi naman sinasadya yon. Nangyare na rin sa akin yan. Na-lock ko yung pinto nasa loob pa pala yung susi. Kinailangan ko pang ipadala yung duplicate.
Aliya: 'E mare naman, yung driver ko hindi daw nya makuha yung susi 'e sya yung nasa loob ng kotche, nasa labas yung susi.
Akala namin nung una, dito lang ang hindi gumagana. Sinubukan namin pumunta sa ibang site na may share button, hindi din gumagana. Mga pabasa lang naman na lumabas ngayong araw ang tinotopak, yung mga lumabas kahapon, nung isang hapon, nung isang-isang hapon, at nung mga nakaraang hapon sa lumipas na taon 'e ok naman at pwede paring i-share.
Baket nga ba "kahapon" ang tawag kahit hindi naman nangyare sa hapon? Baket may "kahapon" at "kagabi" pero walang "kaumaga" at "kamadaling araw"? Baket ba kami nagtatanong, hindi ka naman makakasagot?
UPDATE: Ok na ang share button sa ngayon. (Under observation)
Mas Epal: Naloko ako 'e.
Epal: Nino?
Mas Epal: Nung binilihan ko ng termos.
Epal: Baket? Sira ba yung termos?
Mas Epal: Oo. Booyset talaga!
Epal: Ano bang sira? Patingin nga.
Mas Epal: Ayan, nasa mesa.
Epal: Mukang ok naman 'a.
Mas Epal: Anong ok? 'E sabe nung nagbebenta pwede daw akong maglagay ng mainit dyan tapos kahit after six hours mainit parin yon pag ininum ko.
Epal: 'O tapos?
Mas Epal: Sabi din nya, pag naglagay ako ng malamig, tatagal yung lamig non for four hours.
Epal: Anong nangyare?
Mas Epal: Tangina nilagyan ko yung termos ng mainit na kape...
Epal: Tapos?
Mas Epal: Tapos nagtimpla ako ng malamig na juice, nilagay ko din sa termos. After 2 hours pa lang hindi na mainit, hindi din malamig. Panget pa ng lasa!
Epal: Lasang kape na may juice ba?
Mas Epal: Pano mo nalaman???
Epal: Ah wala hula lang... Gago!
Orly: Opo.
Byenan: 'O nasan na si Lucy? Hindi mo ba kasama ang anak ko?
Orly: Hindi ho. Nag-away ho kami.
Byenan: 'E baket dito ka pumunta. Wag kang umasang tutulungan kitang makipag-bati sa anak ko. Kung ako lang ang masusunod 'e mas mabuti pang hiwalayan ka na nya!
Orly: 'Ah hindi ho, pumunta lang ako dito para ipakita sa asawa ko na masunurin na ako.
Byenan: So inutusan ka nyang bumisita dito?
Orly: Oho.
Byenan: Baket???
Orly: Hindi ko ho alam 'e, basta sabi lang nya "Go to hell."
Rigor: Yes sir?
Popong: Mukang masarap yung ulam nung manong sa kabilang table ah, bigyan mo nga ako nung kinakain nya.
Rigor: Hindi pwede sir, kinakain pa nya 'e. Order na lang din kayo ng ganon.
Popong: Loko ka ang pilosopo mo ah! Tawagin mo manager mo!
Manager: May problemo po ba?
Popong: Etong waiter nyo, sabi ko bigyan nya ako nung kinakain nung manong sa kabilang table. Sinagot ba naman ako ng hindi pwede dahil kinakain pa daw yun nung manong. Kung hindi ba naman siraulo yang waiter nyo!
Manager: Nako sorry sir. Pasensya na ho bago lang ho kasi yang waiter na yan. Bayaan nyo, pagsasabihan ko ho agad. Rigor!
Rigor: Yes sir?
Manager: Kunin mo yung ulam nung manong tapos ibigay mo dito kay sir. Sabihin mo dun sa manong bibigyan na lang natin sya ng bago.
Popong: Put*ng ina nyo!
Time to learn our language maderpakers.
Mas healthy at mas grownup na tema ang target ng McDonald's. Hindi nga naman kilala ang mga clown sa pagiging health conscious at mature. Kaya kung sakaling maging aktibo ulit ang prime mascot nila, wag ka nang magulat kung iba na ang porma ng iconic na payaso ng Mcdo.
"Umiyak-iyak ako kanina. Hindi naman talaga kami nakapag-usap since that incident. Sabi ko sa kanya, 'Uy, Kris, sorry ha... hindi ko naman kasi alam na may pinagdadaanan ka pala noon.'" -Ruffa
"Kasi, we've known each other since we were kids. Parang ang tanda na nating dalawa. So, dapat talaga move on tayo at magpaka-happy na lang tayo sa buhay natin." -Kris
"You know, Kris, you have no mean bone in your body." -Ruffa