A cup of cola in the morning?

By mgaepals on 20:29

Filed Under:

May mga taong ginagawang pampagising ang pag-inom ng cola. May caffeine kase ang mga cola. Pero 34 milligrams  hanggang 45 milligrams lang ang caffeine content ng mga usual na cola natin. Kung ikukumpara mo yan sa brewed coffee na 80 milligrams hanggang 135 milligrams ang caffeine content, lalabas na kailangan mong tumungga ng dalawang 12oz hanggang isang litro ng cola para lang tapatan ang panggising na epekto ng purong kape. Kung ganyan karaming cola ang lalaklakin mo, magigising din naman ang utak mo eventually dahil kailangan mong pigiling maihi o masuka. Pero kung tutuusin, pwede din talagang maging mas effective na pampagising ang cola kesa kape, kailangan mo lang munang alugin yung cola bago mo inumin.

0 comments for this post

Post a Comment