Bagong "Wonder"

By mgaepals on 16:03

Filed Under:

Sa bagong ilalabas na "Wonder Woman" series (Hindi namin alam kung ipapalabas dito sa Pilipinas) iba ang costume design na ginamit nila. Pinakita na namin noon ang balak nilang gawin. Eto ngayon ang actual. May hawig nga sa original pero halatang iba.


Madami ang negative ang reaction sa reboot version ng costume. May mga nagsasabi na dapat may stars. Yung iba, dapat daw pula yung sapatos. At syempre, umaangal yung mga lalake na baket daw hindi kita yung legs? Mas gusto daw ng kalalakihan yung original dahil naka swimming trunks lang si Wonder Woman.

Kung kami ang tatanungin, may point talaga yung mga umaapila (Lalo na sa parte na baket hindi kita yung legs?) Pero ok na din dahil kahit anong costume na kita ang cleavage ayos na. Acceptable pero ang daming bagay na pwedeng gawin to improve ang costume na yan. Si Wonder Woman naman sya, sana wonder bra lang yung pangtaas nya. Sa pangbaba naman sana palda na lang na maiksi, o kaya shorts, yung may bulsa para may extra syang lalagyan ng gamit. Kung ayaw nila ng shorts na may bulsa, kahit bulsa lang wala nang shorts. O kaya ganito na lang, tutal may invisible plane naman si Wonder Woman, dapat invisible costume na lang din, para terno.

wonder picture hugot dito

0 comments for this post

Post a Comment