Following instructions.

By mgaepals on 08:02

Filed Under:

Byenan: Aba Orly, himalang napadalaw ka. Siguro pinilit ka ng anak ko 'no? Magpunas ka ng sapatos bago ka pumasok sa bahay ko ha!

Orly: Opo.

Byenan: 'O nasan na si Lucy? Hindi mo ba kasama ang anak ko?

Orly: Hindi ho. Nag-away ho kami.

Byenan: 'E baket dito ka pumunta. Wag kang umasang tutulungan kitang makipag-bati sa anak ko. Kung ako lang ang masusunod 'e mas mabuti pang hiwalayan ka na nya!

Orly: 'Ah hindi ho, pumunta lang ako dito para ipakita sa asawa ko na masunurin na ako.

Byenan: So inutusan ka nyang bumisita dito?

Orly: Oho.

Byenan: Baket???

Orly: Hindi ko ho alam 'e, basta sabi lang nya "Go to hell."

0 comments for this post

Post a Comment